Act 17

113 11 0
                                    

Gumamela and the Truth

Third person's P.O.V
Maagang nagising si Althea.
Pagewang-gewang pa siya at hindi alam kung anong nangyari. "A-Anong nangyari?" Napahawak sa ulo si Althea.

Bigla niyang naamoy ang alak at natandaan na nag-inom siya. Pero saan? "Ugh....kailangan ko ng maligo." Tumayo na siya't naligo.

"Mukhang maaga pa para sa aking trabaho. Bibisitahin ko muna si Freddy." Sabi ni Althea at nagtungo siya sa stable kung saan nananatili si Freddy.
Araw-araw niyang binibisita si Freddy kahit abala siya sa kanyang pagbabantay sa prinsesa.
Para na kasi niyang kapatid si Freddy.

"Gising na..." Hinimas-himas niya ang ulo nito. "Oh...parang ang aga mo ata." Ngumiti naman si Althea.

"Lipad muna tayo." Tumayo naman si Freddy. "Sige...tagal ko ng hindi nakakalipad. Lagi na lang akong lumalakad minsan tumatakbo." Nilagay na ni Althea ang saddle sa likod ni Freddy.
"Tumahimik ka na lang."
Sumakay na si Althea sa likod ni Freddy.

Tumakbo muna si Freddy bago tumalon at lumipad.
"Hay...sa wakas. Ang sarap ng hangin ano?" Huminga ng malalim si Althea at nilalasap ang hangin. "Uhm....Althea?" Nata-uhan si Althea at tumingin kay Freddy. "B-bakit?" Tanong nito.
"Bakit ka nakatulala dyan?"
Napasmirk naman si Althea

"Masama bang lasapin ang hangin?" Napalunok na lang si Freddy. "Patawad." Mahinang sabi nito. "Ano? Hindi ko marinig." Nakangiting sabi ni Althea. "Ang sabi ko, PATAWAD!" Natawa naman si Althea.

ALTHEA's P.O.V
Isang oras mahigit kaming paikot ikot ni Freddy sa palasyo. Pinagmasdan namin ang pagsikat ng araw.

"Ganda noh?" Tanong ni Freddy. "Oo..kasing ganda niya." Napabulong ako sa parteng 'kasing ganda niya' "Ano iyon?"

Lumapag na kami. "Anong 'ano iyon?" Tanong ko sa kanya. "May sinabi ka noh?" Napailing naman ako. "Wala akong sinasabi at...kailangan ko na pating bumalik sa loob. May trabaho pa ako." Tinapik-tapik ko yung ulo niya. "Hay...sige na nga. Punta ka dito mamaya ha."
Tumango naman ako at bumalik na sa palasyo.

Pagdating ko sa loob, agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko magbihis, bumaba naman ako sa kusina at nagkape. Naabutan ko sina Raciela at Ryza na kumakain ng tinapay.

"Oh..Ang aga mo ah." Nakangiting sabi ni Ryza.
"Naghahanap ka ba ng alak? Punta ka sa bayan at bumili ka.
Sampung pilak lang ang isang bote ng alak." Nakangiting sabi ni Raciela. "Tsk." Napasmirk na lang ako at umupo sa tabi ni Ryza. "Oh..bakit ayaw mo sa tabi ko?" Tanong ni Raciela. Di ko siya sinagot. Tumingin si Ryza sa akin tapos tumingin naman siya kay Raciela.

Nakita kong sumimangot ang dalaga. Tumayo na si Raciela at lumabas ng kusina. "Lagot ka..nagalit ata si Raciela." Napahinga naman ako ng malalim at tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Ryza. "Susundan si Raciela." Ngumiti naman si Ryza.

"Tandaan mo Althea...follow your heart" Nakakapagsalita pala siya ng ingles. "Baliw hindi...hihingi lang ako ng tawad." Natawa naman si Ryza.
"Oh sya...puntahan mo iyon sa hardin. Siguradong nandoon iyon." Tumango naman ako at nagtungo sa hardin.

Naabutan ko si Raciela na nakatayo sa tabi ng mga rosas. "R-Raciela!" Tumingin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito Althea?" Lumapit ako sa kanya.
"Uhmm...tungkol nga pala kanina...ah...p-patawad k-kung...h-hindi kita pinansin. G-Galit ka ba?" Nauutal kong sabi.
Ngumiti siya.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon