Act 7

190 17 0
                                    

The Escape

DOROTHY's P.O.V
Nagising ako na may kayakap na babae. Tumayo ako para tingnan kung sino ang katabi ko,.....si Althea lang pala.

Pumunta ako sa banyo para umihi. Nang makapasok na ako...may narinig akong ungol. Mukhang gising na si Althea. "Hmm...princess?" Tanong nito.
"T-teka lang...nandito ako sa banyo."

Lumabas na ako ng pinto at nakita ko siyang naka-upo sa kama. "Magandang umaga." Nakangiting sabi ni Althea. "Magandang umaga rin." Umupo ako sa tabi niya.

"Kamusta ang tulog?" Tanong nito. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "A-Ayos lang naman. Kahit matigas...masarap parin matulog dahil......" Tumingin ako sa kanya. "Hmm..." Responde niya. "A-Ah! W-Wala." Ngumisi lang siya at tumayo.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae at dalawang lalaki. "Sumama kayo sa amin. May pupuntahan tayo." Hinigit ako ng lalaki. "A-Aray!" Tumingin ako kay Althea. Nakita ko ulit na kumislap ang pulang kulay sa mata niya.

"Bitawan nyo sya!" Sigaw ni Althea. Sinipa niya ang lalaking nakahawak sa akin. "Aba! Gago ka!" Sinuntok siya ng isang lalaki. "Althea!" Tumilapon siya sa gilid ng kama.

"Sige! Lumapit ka. Siguradong...." Tinutok ng babae ang isang kutsilyo sa aking leeg. ".....ikakamatay ng prinsesa ang iyong katangahan!" Di ko na alam ang aking gagawin. Naiiyak ako. Ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko ring may masaktan dahil lang sa akin.

"Katangahan!? Ako?!" Biglang tumawa si Althea. Nagtaka naman ang babae. "Anong pinagsasabi mo?" Iminulat na ni Althea ang kanyang mga mata. Hindi ito berde, kundi pula.
Nagulat ako. Bakit biglang nag-iba ang kulay ng mata niya?

"Kayo ang tanga! Bakit dito nyo pa kami kinulong? Eh may mga armas dito sa ilalim ng kama." Nanlaki ang mga mata namin. M-may armas sa ilalim ng kama?
"Kunin nyo yan!" Sigaw ng babae.

Ngumiti lang si Althea at ipinasok ang kamay sa ilalim ng kama na parang may kinukuha. Nang mailabas na niya ang kamay niya, may tatlong kutsilyo at isang baril. "Heh! Kung kaya nyo!" Ibinato na niya ang kutsilyo sa babae na tinamaan naman sa mata. "Gwahh!" Nabitawan ng babae ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko.

"Isa..." Nakita kong lalong lumawak ang ngiti ni Althea. Tinutok niya ang baril sa ulo ng lalaki na naka dapa. "Dalawa.." Ipinutok niya ito at nagkalat ang maraming dugo. Natalsikan ako ng dugo sa pisngi at damit.

Nakita kong tumakbo ang isang lalaki sa labas. "Althea!" Tumingin siya sa akin. Tinuro ko naman ang lalaki na malapit na sa pintuan. Ibinato niya ang kutsilyo na agad namang tumama sa ulo nito. "Tatlo.." Lumingon sa akin si Althea, matalim ang mga pagtitig niya sa akin. Lumapit siya sa babaeng gumagapang, malapit sa akin. Inapakan niya ito. "G-Gakk!" Napasuka ng dugo ang babae. Marahas niya itong tinayo saka kinuha ang kutsilyo sa mata nito, napahiyaw ang babae ng kay lakas. Napahawak ako sa tenga ko. Nakita kong marahan na ginilitan ni Althea sa leeg ang babae. "Sabihin mo sa pinuno niyo na wala siyang makukujang pera ngayon." Bulong ni Althea sa babae at pinakawalan ito.

Kumaripas ng takbo ang babae palabas at naiwan naman kami ni Althea. Lumingon siya sa akin at lumapit.

Tuluyan na akong umiyak.
Di ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Di...di niya kayang gawin toh. Hindi siya si Althea. "Salamat prinsesa." Nanlaki ang mga mata ko nang punasan niya ang mga luha ko. May narinig akong mga taong sumisigaw sa labas.

"Ayan na sila!" Hinigit niya ako at binuhat.

ALTHEO's P.O.V
Binuhat ko ang prinsesa at tumakbo palabas ng selda. "Hulihin sila!" May mga lalaki na humahabol sa amin.

T-teka lang magpapakilala lang ako. Ako nga pala si Altheo. Isang sundalo na nakipaglaban sa mga espanyol. Namatay ako sa isang gera at nagising na buhay parin pero sa ibang katawan. Katawan ng isang babae. Kamukhang kamukha ko siya, maliban lang sa katawan. Pareho kami ng mukha, tangkad at buhok. Sa boses naman mas malagong ang boses ko sa kanya.

"Putakte!" May humarang sa amin na mga lalaki. "Saan kayo papunta?" Tanong nito. "Malamang lalabas!" Binaril ko siya at tumakbo.

"A-Althea." Napatingin ako sa prinsesa na buhat ko. "Malapit na tayo." Biglang nanlaki ang mga mata niya. "I-ibaba mo nga ako!" Sigaw nito. Tumigil naman ako't ibinaba ang prinsesa. "A---" Di na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang hinigit at tumakbo.

"Althea!" Sigaw nito. "Mamaya na lang tayo mag-usap! Kailangan na natin tumakas."
Malapit na kami sa labasan nang may humarang ulit sa amin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Sino naman itong kumag na toh?" Bulong ko sa sarili. "At saan kayo pupunta?" Binitawan ko na ang kamay ng prinsesa. "Ano ba sa tingin mo?" Tinawanan niya lang ako.
Kumukulo ang dugo ko dito eh.

"Kung gusto nyong makalabas. Kailangan nyo muna akong talunin." Nakangiti nitong sabi.
"Sige ba!?" Sigaw ko.

___________________________________
Ok..uhmm....so iniba ko yung story dahil ang ano na kasi...parang cringy ba. Na jologs ako ng kunti...kunti lang.

Salamat nga pala sa pag suporta at pagbasa ng storya na sana mangyari sa totoon buhay.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon