Missing Queen
Third person's P.O.V
Lumabas ang hari sa kwarto. Alas tres na ng madaling araw at mahimbing na natutulog ang reyna. Hindi makatulog ang hari dahil sa nalaman niyang nakatakas si Antonio.Napahinga ng malalim ang hari at nagtungo sa silid aklatan, naiwan naman ang reyna sa kwarto mag-isa.
Isang imahe ang pumasok sa kwarto, maydala itong tali at isang itim na tela. Sumunod naman ang isang imahe. Nagtanguan ang dalawa at lumapit sa reyna. "Isa....dalawa...tatlo!" Bulong ng isa. Tinakpan nila ang bibig ng reyna at tinali ang mga kamay at paa. "Sasama ka sa amin." Bulong ng isa. Nanlaki ang mga mata ng reyna at sinubukan sumigaw ngunit walang makakarinig sa kanya.
May pina-amoy ang isang lalaki sa reyna dahilan para makatulog ito. Nagtinginan ang dalawa at binuhat ang reyna. May mga ilang tulisan ang nasa baba na naghihintay. Dahan-dahan nilang ibinaba ang reyna. May pegasus silang dala kaya hindi sila gaanong nagka-problema.
Ilang minuto ang nakalipas at lumisan na ang mga tulisan kasama ang reyna kasabay naman non ang pagbalik ng hari mula sa silid aklatan. Nagtaka siya at magulo ang kwarto, wala rin ang kanyang asawa. "Rio?" Tawag nito ngunit walang sumagot. Sumilip siya sa palikuran pero wala ang reyna doon, tumakbo siya patungo sa balkonahe. "Rio!?" Sigaw nito.
Nagmadali siyang lumabas sa kwarto at sakto naman niyang nadaanan si Brent na rumuronda."Boy, sabihin mo sa heneral na hanapin ang reyna dahil nawawala ito." Tumango si Brent. "O-Opo." Sumaludo si Brent at tumakbo palayo. Napahinga ng malalim ang hari at napahawak sa ulo. "Nakatakas si Antonio, ngayon....nawawala naman ang akin asawa." Napa-upo ang hari sa sahig at tumulo ang kanyang mga luha.
***
ALTHEA's P.O.V
Nagising na ako. Nakaharap ako sa isang magandang dalaga, si Dorothy. Hinalikan ko siya sa noo. Tatayo sana ako nang maramdaman ko ang kirot ng aking baraso. Lumingon ako dito at nakita ko ang tela na nakabalot dito puno na ito ng dugo."Mierda..." Bulong ko at dahan-dahang tinanggal ang tela. Pula parin ang sugat pero hindi na ito dumudugo. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa aparador para hanapin ang isang panglinis ng sugat at mga tela na maaari kong gamitin. Binuksan ko na ang aking aparador, nakuta ko ang isang box na may pulang cross. Binuksan ko na ito at may mga kagamitan ito para sa medisina at pangunang lunas.
Nilinis ko muna ang sugat at binalutan ng tela. "A-Aray." Bulong ko para hindi magising si Dorothy. Nakarinig ako ng isang malakas na katok. "T-Teka lang." Sabi ko at tumayo. Nakita ko namang umunat si Dorothy at iminulat ang mga mata. "Magandang umaga, princess." Ngiti ko bago buksan ang pinto, pagkabukas ko, pumasok kaagad si Reychelle, oo....si Reychelle. Nakakabigla diba? "Althea? Hindi mo ba narinig ang balita?" Umiling ako at lumingon kay Dorothy. "B-Bakit, anong nangyari?" Tanong ko. "Nawawala ang reyna." Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?!" Sigaw ni Dorothy. "Oo..princess...nawawala ang reyna." Ulit ni Reychelle. "Oo nga pala pumunta ka sa kwarto ni Lilian, kakausapin ka daw niya." Bulong ni Reychelle sa akin. Tumango lang ako. "Sige...paalam." Lumabas na siya at sinarado ang pinto. Lumingon ako kay Dorothy, nakatungo lang siya. May nakita akong tumulong luha, nilapitan ko siya at niyakap. "Wag ka ng umiyak princess, mahahanap din natin ang reyna." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Mahahanap din natin siya..." Ulit ko at hinagod ang likod niya.Lumipas ang ilang minuto at bumitaw sa pagkakayakap si Dorothy at marahan na ngumiti sa akin. Parang natunaw ako sa kanyang mga ngiti. "Nandito ako para sayo...wag mo yan kalimutan ha." Bulong ko sa kanya. Tumango lang siya, pinahid ang kanyang mga luha. "Salamat." Sabi nito at tumayo. "Saan ka papunta?" Tanong ko sa kanya. "S-Sa kwarto ko. Maliligo ako at magbibihis." Tumango ako. Lumabas na si Dorothy sa kwarto, naiwan naman akong tulala dahil sa nalaman, nawawala ang reyna.
![](https://img.wattpad.com/cover/130342735-288-k817696.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...