Act 18

113 11 0
                                    

Kids Again

DOROTHY's P.O.V
Maaga akong nagising sa katok mula sa pintuan ko. Ngayon ay ika- 23 ng Disyembre. Dalawang araw na lang pasko na. Nasasabik ako sa darating na pasko.

Muling kumatok ang tao na nasa labas. "S-sandali l-lang" Muntikan na akong madulas dahil sa pagmamadali. Bago ko buksan ang pintuan ay tumingin muna ako sa salamin para ayusin ang sarili ko.

Binuksan ko na ang pintuan. Laking gulat ko nang makita ko si Althea na hindi naka-umiporme. Sabagay maaga pa naman.

"M-magandang umaga princess. Pasensya na,na-istorbo ko ang iyong pagtulog
Nais ko lang kayong yayain na lumipad. Maaari po ba?" Nakangiting sabi nito. T-teka! Y-yayain?! Saan? A-Ano kayang nakain nitong babaeng ito?! Baka nakulam? Hala lagot na baka....dukutin niya ako. Pero mukhang hindi naman siya nakulam.

"Uhmm...P-princess Dorothy?"
Natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Althea. "A-ah...s-sige."
Napangiti naman si Althea. "Salamat, mamayang Alas kwatro (4:00) ng hapon, sa balkonahe ka maghintay at susunduin kita doon." Tumango ako bilang pagsang-ayon.

****
ALTHEA's P.O.V
Salamat at sumang-ayon siya! Kailangan ko ng liguan si Freddy, baka kasi mangamoy. Nakakahiya  sa prinsesa.

"Oh Althea! Bakit ang saya mo ngayon?" Nadaanan ko si Brent na naka-upo sa tabi ng pinto. "Bakit? Masama ba maging masaya?" Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa stable.

"Magandang umaga!" Binati ko si Freddy. Nasamid si Freddy dahil sa pagkagulat. "F-freddy!? A-ayos ka lang?" Hinimas-himas ko ang likod niya. Parang tumataba siya ngayon o baka imahinasyon ko lang.

Nang mahimasmasan si Freddy ay binigyan ko siya ng mansanas.
"Bakit ang sigla-sigla mo ngayon, Althea? Maganda ba ang tulog mo o nakahanap ka na ng gintong mansanas?" Piningot ko ang tenga niya.

"Baliw! Bakit naman magkakaroon ng gintong mansanas? Eh isa lang naman iyong alamat at kailangan mo na pating maligo!" Nanlaki ang mga mata niya. Sa lahat ng bagay, ang pagligo talaga ang kinakatakutan ni Freddy.
"H-ha...b-bakit ko kailangang maligo?" Hinigit ko yung buhok niya para mapalapit ang tenga niya sa akin. "Kailangan mo talagang maligo. Ipapasyal natin si Dorothy,diba?" Bulong ko sa kanya. "Eh!? Pumayag siya?!"
Tumango naman ako.

"Wag kang maingay baka makinig tayo ng mga ibang trabahador dito." Tumango naman si Freddy. "Tara na. Kailangan mo ng maligo."
Bumaba ang tenga nito. "K-kasama pa pala iyon?" Napangiti naman ako. "Oo! Ulul nito eh!"
Nanlaki lalo ang mga mata niya.
"HINDE!!! AYAW KONG MALIGO!!"

DOROTHY's P.O.V
Bakit kaya bigla nalang nagyaya si Althea? May nakain ba siya?

Sumilip ako sa balkonahe at nakita ko si Althea na hila-hila ang pegasus. Baka papunta siya sa ilog Victoria. Malapit lang iyon sa palasyo namin.

"Dali na!!" Sigaw nito habang higit-higit parin ang pegasus niya.
"Ayaw ko!!" Sigaw ng pegasus sa kanya. "Ayaw mo ha!! Wala kang mansanas mamaya." Nakita kong binitawan ni Althea ang pegasus at naglakad papalayo.

"T-teka lang! Alam na nagbibiro lang ako. Biro lang! Di ka ba mabiro! ALAM NA BIRO LANG!
ALTHEA!!" Tumawa naman si Althea at bumalik kay Freddy na nagugugulong sa damuhan.
"Tara na." Pinatayo na niya ang kabayo. "Pangako mong may mansanas ka?" Tinaas ni Althea ang kanyang kanang kamay. "Pangako, kaya tara na." Napangiti na lang ako. Sadyang malapit ang dalawang magkaibigan. Kahit kailan ay hindi nila iniiwanan ang isa't isa.

"Princess?" May kumatok sa pintuan ko. "Ano iyon?" Bumukas ang pintuan at nakita ko si Ashley. "Pinapatanong ng hari kung gusto nyo pong sumama sa kanila." Lumapit ako sa kanya. "Saan sila pupunta?" Nakangiti kong tanong?
"Sa isang kaarawan ng kaibigan ng hari." Seryoso ang mukha ni Ashley at parang ginagaya niya ang mukha ng papa ko.

"Sabihin mo na lang na hindi ako makakasama dahil may gagawin pa ako." Tumango si Ashley at isinarado ang pintuan.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ngayon lang ako di sumama sa mga lakad ni papa kapag iniimbitahan ako. Sayang naman pag hindi ako tumupad sa pangako ko kay Althea.

***

Third person's P.O.V
Alas kwatro na ng hapon at nasa balkonahe na si Dorothy. Hinihintay niya ang pagdating ni Althea. Mayamaya dumating na si Althea sakay ang kanyang puting pegasus.

"Magandang hapon." Nagbigay ng galang si Althea sa prinsesa. Naka-umiporme na ngayon si Althea at si Dorothy naman ay simpleng damit.

"Nais nyo na po bang sumakay?" Inilahad ni Althea ang palad niya kay Dorothy para tulungan sumakay. Tumango si Dorothy at humawak sa palad ni Althea. Tinulungan na ni Althea si Dorothy makaakyat kay Freddy.
Nang makaakyat na si Dorothy ay si Althea naman ang sumunod.

"Freddy, huwag ka masyadong lumipad ng mabilis. Baka matakot si Dorothy." Nanlaki ang mga mata ni Dorothy nang marinig niya ang sinabi ni Althea, parang narinig na niya ito noon. Hinawakan na ni Althea ang tali at si Dorothy naman ay nakulong sa bisig nito.

"Ayos na ba kayong dalawa diyan?" Tanong ni Freddy. "Oo...ayos na ang lahat. Tara na." Tumango si Freddy at tumalon sa balkonahe.

"Gyahhh!!!" Sigaw ni Dorothy at napayakap kay Althea. Malapit na sila sa lupa nang biglang hinigit ni Althea ang tali para tumaas sila.

"Dorothy?" Nakayakap parin ngayon si Dorothy kay Althea.
"Imulat mo na ang mga mata mo." Dahan-dahang iminulat ni Dorothy ang kanyang mga mata.
Nang maimulat na niya ang kanyang mga mata ay namangha siya sa kanyang nakita.

"Ang ganda!" Dumipa siya dahilan para matamaan niya ang pisngi ni Althea. "A-Althea! P-patawad!" Nilagay niya ang kamay niya sa harapan niya.

"A-ayos lang iyon." Hinimas himas ni Althea ang pisngi niya.
Napangiti naman si Dorothy.
"Alam mo na kung saan Freddy!" Nagtaka si Dorothy sa sinabi ni Althea. 'T-teka saan kami pupunta?' Tanong ni Dorothy sa isipan niya.

Mayamaya, dumiretso pababa si Freddy papunta sa isang pamilyar na puno kay Dorothy. Lumapag sila doon at napansin ni Dorothy ang isang luma't malaking sunog na bahay. Napagtanto niya na iyon ang luma nilang palasyo.

"B-bakit tayo nandito? Althea?"
Napansin niya na wala na si Althea sa tabi niya. "A-Althea?"
Tumingin si Dorothy sa puno ng mansanas. Napansin niya na nakahiga doon si Althea. Parang pamilyar sa kanya ang lahat ng nangyayari.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Althea na pawang tulog. Natalapid siya sa ugat ng puno at natumba kay Althea. "A-Althea?"
Iminulat ni Althea ang mga mata niya at ngumiti. "Natatandaan mo na ba?" Nilapit ni Althea ang mukha niya kay Dorothy.

"A-Althea Leñor.....i-ikaw nga! Ikaw nga!" Niyakap ni Dorothy si Althea. Sa una nagulat si Althea pero niyakap din niya ito pabalik. "K-kala ko wala ka na." Naramdaman ni Althea na tumulo ang luha ni Dorothy.
Bumitaw sa pagkakayakap si Dorothy, umiiyak siya ngayon.
Alam ni Althea na malungkot si Dorothy nang mawala siya ng pitong taon.

"Wag ka ng umiyak." Hinawakan niya ang pisngi ni Dorothy para tumingin sa kanya.
Pinunasan din niya ang mga luha nito. "Wag ka ng umiyak. Nandito na ako." Niyakap niya muli ang prinsesa pero masmahigpit.

"Uhmm....mansanas?" Tiningnan ng masama ni Althea si  Freddy. "Whoopss..pasensya na."
Napaatras si Freddy.

"Althea Leñor." Nakangiting sabi ni Dorothy. "Princess Dorothy Jane." Hinalikan ni Dorothy ang noo ni Althea dahilan para mamula si Althea.

To be continued...

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon