First Day
ALTHEA's P.O.V.
Gumising ako ng maaga para magtinapay at kape.Inayos ko na ang higaan ko at nagbihis.
"Hhmm...." May isang ibon na pumasok at lumapag sa aking balikat.
"Ano iyan?" May papel sa paa nito. Kinuha ko ito at binuksan.Magandang umaga Althea
-DJBigla akong napangiti ng mabasa ko ang sulat. "Mukhang gising na sya." Tinago ko ito sa aking bulsa.
Lumabas ako ng pinto at naglakad papunta sa kusina. Nadaanan ko ang isang babaeng hindi mapakali. Asul na berde ang mata niya. Ang buhok naman niya ay kayumanggi na masmatingkad ang kulay kaysa kay Ashley.
May kapayatan din siya."Ah! Ikaw.. uhm..nakita mo ba si Ryza?" Hinawakan niya ako sa balikat at niyugyog. "T-Teka sinong----teka nga lang!" Tumigil na siya sa pagyugyog pero nakahawak parin sa aking mga balikat. "S-Sino ba si Ryza?" Biglang tumaas ang kilay niya.
"Oo nga pala. Bago ka diba?" Tumango ako. "Pasensya ka na ha. Paalam." Tumakbo na siya palayo. Ay ang sama, di ko man lamang nalaman ang kanyang pangalan----wag na nga.
Nakarating na ako sa kusina. Tahimik lang sa loob at walang katao-tao. Nakabukas ang mga bintana dahilan para pumasok ang maaliwalas na hangin.
"Nasaan kaya ang kanil---" Biglang bumukas ang isang pintuan sa likod ko. Sa tingin ko ito yung bodega. "PUTAKTE!!" Sigaw ko ng makakita ako ng anino mula sa bodega. Natumba ang anino.
"Gyahh!" Irit ng anino. "S-Sino ka?" Naaninaw ko na ang kanyang mukha. Siya yung babaeng tinuro ni Jan kahapon na magaling daw magluto. "P-pasensya ka na." Tinulungan kong tumayo ang dalaga.
Mapayat siya, parang kasing payat nung yumugyog sa akin.
Asul na lila ang kanyang mga mata. "A-Ayos lang iyon." Napahimas siya sa kanyang baraso. "N-nasugatan ka ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya. "Wala.""Matanong ko lang." Tumingin sa akin ang dalaga. "Ano yung malaking kahon na nasa likod mo?" Tumingin siya sa likod niya.
"Ah...Ito ba? Ilalagay ko sa lamesa. Dahil magluluto ako."
Tumango lang ako at binuhat ang kahon. "T-Teka...a-anong ginagawa mo?" Tanong nito."Ilalagay ko sa lamesa." Nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa akin. "N-naku nakakahiya naman. A-Ako na." Hinawakan na niya ang kahon. "Ako na...mabigat ito. Baka mangalas ka." Bigla siyang ngumiti. "S-Salamat." Nakayuko nitong sabi.
Inilapag ko na ang kahon sa lamesa. "Oo nga pala." Tumingin ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito. "Ay.. nakalimutan ko. Magkakape nga pala ako." Napahawak ako sa noo ko. "Ipagtitimpla kita bilang pasasalamat." Nakangiti niyang sabi. Napansin ko ang kanyang biloy(dimples) sa magkabilang pisngi.
"W-Wag na. A-Ako na lang. Baka may mas importante ka pang gagawin." Umiling siya. "Wala naman." Magsasalita na sana ako kaso biglang dumating yung babaeng umalog sa akin.
"Ryza!" Ah...siya pala si Ryza. "A-Ano iyon Raciela?" Si Raciela naman ang dalagang umalog sa'kin. "May pagpupulong ngayon! DALI! IMPORTANTE ITO!" Hinigit niya si Ryza palabas. Naiwan naman akong tulala.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...