Act 35

90 9 0
                                    

Leaving someone important

DOROTHY's P.O.V
Nilinis namin ang pintuan sa likod na may maraming mga rebeldeng nakaharang. Hindi kami makapasok sa main hall. Nandoon ang maraming tao.

"Ano na Althea?" Narinig kong tanong ni Brent mula sa likod. Lumingon doon si Althea at kasabay noon ang malakas na pagsabok na mukhang galing sa mainhall. Nakakita ako ng isang lalaki na tumatakbo patungo sa amin. "Lumabas na kayo!" Sigaw nito at nilagpasan kami. Napalunok ako at humawak sa baraso ni Althea.

Sumunod ang maraming tao na nagtatakbuhan. Tumabi kami para hindi kami madag-anan. "Maigi't binuksan natin ang pintuan. Marami tayong nailigtas." Nakangiti kong sabi kay Althea. "Oo..marami nga...subalit, sa tingin ko marami pang nandito sa loob." Nagngalit si Althea at humigpit ang pagkakahawak sa baril.

Sumilip ako at may pumutok na baril hinigit ako kaagad ni Althea dahilan para hindi ako matamaan. "Dorothy? A-Ayos ka lang ba? Nasugatan ka ba?" Tanong niya sa akin at yumakap. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa. Bumitaw siya at inihanda ang baril.

Sumilip siya at itinutok ang baril. Nanlaki ang mata niya. "Bakit?" Lumapit ako sa kanya. "Jan, Brent! Bilis!" Sigaw nito. Tumango ang dalawa at lumabas sa pinagtataguan namin. Sumilip ako, laking gulat ko nang makita ko sina Lilian, Ashley at hmm...sino yung lalaking naka-itim.

"Neil! Anong nangyari?" Tanong ni Althea sa lalaki. May hawak na baril si Ashley habang akay-akay si Lilian. "Nagkaroon ng malaking pagsabog sa kusina. Nagkagulo lahat ang mga tao." Itinikom ni Althea ang kanyang kamao. Lumingon siya kay Lilian na dumudugo ang balikat. "Lilian!" Hiyaw nito at lumapit sa dalaga. Niyakap niya ito at tiningnan ang sugat sa balikat. "Anong nangyari?" Tumingin siya kay Ashley. Nananaliksik ang mga mata ni Althea, kakaiba na siya. Ngunit hindi nagbabago ang kulay ng kanyang mga mata.

"Nabaril si Lilian ng isang rebelde, bughaw ang mga mata nito at nakangiti nang matamaan niya si Lilian." Nanlaki ang mga mata ni Althea, lumapit ako kay Lilian at hinawakan ang kamay nito.
"Bughaw na mata?" Tumingin ako kay Althea na lumingon sa akin. "Si Antonio!" Sabay naming sabi. "Jan, Brent. Dalhin niyo si Lilian kung saan nandun sina Michael. Sumama ka na rin Ashley dahil may gagamutin ka." Tumango ang tatlo at binuhat ng dalawang binata si Lilian.

Third person's P.O.V
"Sasama ako sa inyo." Humawak si Neil sa balikat ni Althea. Lumingon sa kanya ang dalaga at tumango. Nagtungo na sila sa mainhall kung saan nandoon ang hari at reyna. Lumingon si Dorothy kay Althea na galit na galit. "Leñor, nasa loob ng mainhall ang pinuno ng mga rebelde at naglalaban sila ng hari." Nanlaki ang mga mata ni Althea at binilisan pa ang pagtakbo.


Nakarating na sila sa mainhall. Nabigla sila, maraming mga bangkay ang nakahandusay. Maraming dugo ang nagkalat. 'Klash!' Lumingon sila sa pinanggalingan ng tunog.
"Si Ginoong Guredo." Bulong ni Althea. Tumingin si Dorothy kay Althea tapos ibinalik ang atensyon sa dalawang naglalaban sa likod ng apoy.

Hindi makita ang hari at reyna dahilan para mag-alala ang tatlo.
Nawala ang apoy na humaharang sa dalawang naglalaban. Nanlaki ang mga mata ng tatlo, nang makita nila ang reyna nakahandusay habang ang hari ay nakikipaglaban kay Ginoong Guredo. "PAPA!" Hiyaw ni Dorothy. Tinulak ni haring Jasper si Guredo at natumba ang lalaki.

Lumingon si haring Jasper sa tatlo. "Dorothy!" Lalapit sana ito nang may matalas na bagay na tumagos sa kanyang dibdib. Natigil ang hari at sumuka ng dugo. "NOOO! PAPA!" Sigaw ni Dorothy at sinubukang lumapit dito ngunit pinigilan siya ni Althea. "Bitawan mo ako Leñor!" Sigaw nito at sinubukang kumalas sa hawak ni Althea. Pero masyadong malakas ang dalaga kumpara sa kanya. Nawalan na ng lakas si Dorothy at napaluhod.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon