Under the tree
DOROTHY's P.O.V
"Salamat sa paghatid sa akin my lady, oh...and princess." Ngiti ni Alejandro at sinarado na ang pinto sa kanilang mansyon.
"Tara na princess." Sabi ni Althea sa tonong parang galit.
Nakakapanindig ng mga balahibo ang boses ni Althea. Sumunod ako sa kanya at umakyat sa kalesa.Habang naglalakbay kami patungo sa labasan dito sa Kromsen. Biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Sakto naman at napadaan kami sa puno na nasa likod ng nasunog na palasyo namin. Pinarada ni Althea ang kalesa sa ilalim ng puno.
Napakamot siya sa ulo at mukhang may hinahanap siya. "Althea?" Lumingon siya sa akin. Nasaloob ako ng kalesa kaya hindi ako basa at siya naman ay basang-basa. Inabot ko sa kanya ang panyo na hawak-hawak ko kanina pa. Napatitig si Althea dito at tumingin sa akin. "H-Hindi na...a-ayos lang ako." Sabi nito at umiwas ng tingin sa akin. Bumaba ako sa kalesa at inabot sa kanya ang panyo. "Magkakasakit ka niyan. Kaya heto..mag-punas ka." Sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang panyo at pinunas sa kanyang mukha at ulo. Kasabay nun ang malakas na pagkidlat dahilan para mapayakap ako sa kanya.
Naramdaman ko ang pagpintig ng puso niya,malakas ito at mabilis. Tumingala ako sa kanya. Nakatitig siyang diretso sa aking mga mata, ang mga mata niyang berde ay parang humuhukay sa aking puso ngayon. "Dorothy..." Bulong nito. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Althea.." Ipinikit ko na ang aking mga mata at dinampi ang ilong sa ilong ng dalaga.
Naramdaman kong...umurong si Althea at hinawakan ang aking mga balikat. Minulat ko na ang aking mata. "B-bakit?...bakit..hindi mo na ako pinapansin?" Sabi ko sa kanya at tumungo. Hindi siya umimik. "Bakit...hindi mo na ako pinapansin di katulad dati...lagi mo akong pinapansin...niyayakap." Hindi parin siya umimik. Binitawan niya ang mga balikat ko at tumalikod sa akin. "Althea...ano ang dahilan?" Tanong ko ulit sa kanya. Humigpit ang kanyang mga kamao.
"H-Hindi ko kayang makita ka na ikakasal kay Alejandro." Sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig...sabihin..nagseselos siya. Yumakap ako sa kanyang likod. "Althea..hindi ko naman ito ginusto. Ayaw kong pakasalan si Alejandro. Ayaw kitang makitang nasasaktan mas lalo na kung ako ang dahilan nito." Sabi ko at pinahid ang luha na kanina ko pa pinipigil.
"Tanggap ko naman..na ikakasal ka..ngunit...sa tingin ko....hindi ko kayang...iwanan ka sa piling...ni Alejandro." May pagdiin sa tono niya nang banggitin niya ang pangalan ni Alejandro. Humarap sa akin si Althea at hinalikan ako sa labi. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko sa kanyang halik ang lungkot..at pag-aalala.
Yumakap ako sa kanya. Tumulo pa ang mga luha ko. Bumitaw na si Althea at niyakap ako. "Mahal kita...Dorothy." Bulong nito sa akin. Nanatili akong tahimik at hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Lumipas ang ilang minuto at bumitaw na siya sa akin.
"Sa tingin ko..magtatagal ata tayo dito...ang lakas ng ulan." Sabi ni Althea at hinubad ang kanyang unipormeng basang basa. May damit siyang pang-ilalim na hindi masyadong basa. Tinanggal muna ni Althea ang tsapa niya at piniga ang kanyang uniporme. Kumidlat ulit ng malakas. Nagtago ako sa likod ni Althea.
"Pumasok ka na muna sa kalesa at susunod ako sa iyo." Utos nito sa akin. Tumango ako at pumasok sa kalesa. Lumipas ang ilang minuto at dumating si Althea na may dalang mansanas. Umupo siya sa tabi ko. "Ito..oh.." Inabot niya sa akin ang isang mansanas. "Si Freddy?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tagal ko ng di nakita ang mga ngiti niya. "Binigyan ko na siya ng lima." Tumango ako at kumagat sa mansanas ko. Sumandal ako sa balikat niya.
Kumagat ulit ako sa mansanas. Bago pa man ako bumitaw sa mansanas, inilapit ni Althea ang mukha niya sa akin at kumagat sa mansanas ko. "Hm..ang..tamis."
Sabi nito at marahan na ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko't namula ang mukha. Umiwas ako ng tingin sa kanya at palihim na kinagatan ang kagat niya sa aking mansanas
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...