Act 33

98 6 0
                                    

Date
Part II

ALTHEA's P.O.V
Tumigil na ang kalesa sa harapan ng isang bahay, ang panciteria. "Nandito na po tayo." Narinig kong sabi ng matanda. Tiningnan ko si Dorothy...mukhang naka-idlip siya. Inuga-uga ko ang prinsesa, minulat na niya ang kanyang mga mata. "Nandito na tayo princess." Nakangiti kong sabi. Tumango si Dorothy, binuksan ko na ang pinto at tinulungan na makababa ang prinsesa.

Kumuha ako ng sampung Olious at ibinigay sa matanda. Lumisan na ito nang maibulsa na niya ang pera. Tumingin sa akin si Dorothy. "Althea...baka wala ka ng pera." Sabi nito. Napangiti ako. "Marami pa naman ako. May mga ipon pa ako sa palasyo...kaya wag kang mag-alala." Umiwas siya ng tingin, narinig ko ang pagsabi niya ng 'ok'.

Humawak siya sa baraso. "Tara na sa loob." Sabi ko at pumasok sa loob. Medyo maraming tao ngayon, karamihan ay mga magkasintahan. Naramdaman ko ang pagsagi ni Dorothy sa akin. Lumingon siya sa akin, nakasuot na nga pala siya ng sombrero niya para hindi siya makilala.

"Dito ba tayo kakain?" Tanong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti. "Hindi. Sa isang espesyal na lugar tayo kakain...para lang sa ating dalawa." Tumango siya. Pumila na kami sa isang maikling pila. Hindi humiwalay sa akin ang prinsesa, may napapansin akong mga kahinahinalang lalaki na nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin dahil kami na ang kasunod.

Nang kami na ang kasunod may isang lalaki ang lumapit sa amin at nagtutok ng isang rebolber. "Sasama ka sa amin.." Nakangiti nitong sabi. Hinarap ko siya. Higit na masmatangkad ito sa akin...sobra. May kasama rin siyang dalawang lalaki. "Matapang huh..." Sabi nito at dumila sa kanyang labi. "Gusto ko yan..." Sabi nito. Nagngalit ako at hinawakan ang aking balisong. Lumabas ang mga tao sa loob at pawang kami lang ang tao.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw ni Dorothy. May isa pa pala silang kasamang lalaki at nakahawak ito ngayon sa prinsesa. Umurong ako ng kaunti at palihim na nilabas ang balisong. Sinaksak ko ito sa tyan ng lalaki. "Ackkh!" Sigaw ng lalaking nakahawak kay Dorothy. Nabitawan niya ang prinsesa at hinawakan ang kanyang tyan.

Lumingon ako sa tatlo. Halatang nangingilig ang dalawang lalaki sa likod ng kanilang pinuno. "Ah..ganun pala..." Sabi ng kanilang pinuno. Tinutok niya ang baril sa akin at pinutok. Agad naman akong naka-iwas at binuhat si Dorothy. "A-Althea!" Sigaw nito. Tumalon ako sa isang lamesa at sinipa ang isang lalaki.

"Gaa!!!" Sigaw ng lalaki at tumakbo palabas. Nangingilig namang humarap sa akin ang isang lalaki at sinubukan akong suntukin. Natamaan ako sa pisngi dahilan para umurong ako. Huminga ako ng malalim at tinutok ang balisong sa kanyang binti. Tinapon ko ito, direktan tumama ang balisong sa binti niya. Napa-hiyaw ang lalaki at lumabas.

Lumingon ako sa pinuno nila at napansin ko na natatakot siya base sa mukha niya na pinapawisan na. Itinikom niya ang kanyang kamao at sinugod ako. Sinipa ko ang isang bote ng alak na natapakan niya dahilan para bumagsak siya. Nagtawanan ang mga tao sa loob. "Ayaw..ko kayong...makita dito na nang..gugulo ng tao!" Sigaw ko. Napatango ang lalaki. Binaba ko na ang prinsesa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, tumango siya at yumakap sa akin. "Mabuhay! Napaalis niya ang mga Trenduso." Sigaw ng isang matanda. "Horrah!" Sigaw naman ng iba. Lumapit sa kanila ang isang matabang lalaki. "Salamat sa tulong mo...napa-alis mo ang grupo na Trenduso. Lagi na lang sila nandito, sana hindi sila bumalik." Ngumiti ako at tumango. "Ano nga pala ang maipaglilingkod ko?" Tanong ng matabang lalaki. "Hmm...kahit pancit lang po...masaya na kami doon." Nakangiti kong sabi. Tumango ang lalaki at nagkuha ng dalawang malaking supot na naglalaman ng pancit. Inabot niya ito sa akin.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon