Learning Spanish
DOROTHY's P.O.V
Di ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hinalikan ako ni Althea, sa labi!Napahawak ako sa labi ko. Ang lambot ng labi niya....parang gus----- t-teka! B-bakit ako nag-iisip ng ganito? Nababaliw na ata ako.
"Princess?" May kumatok sa pintuan ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan. "Magandang umaga po. Ito nga po pala ang pagkain niyo. Pinapadala po ng reyna dahil hindi ka po bumaba."
Nakangiting sabi ni Ashley.
"Salamat." Kinuha ko ang mga pagkain at nginitian siya."May nangyari po ba sa inyo? Parang may kakaiba sa ngiti mo." Nanlaki ang mga mata ko.
Ang sabi ni Althea sa akin kahapon na ilihim ang nangyari sa amin. (Huwag kayo mag-isip ng masama! Walang nangyari sa amin. Sinabi lang ni Althea ang kanyang nararamdaman at hinalikan niya ako. YUN LANG!)"Wala....nasiyahan lang ako sa binabasa kong libro." Mukhang nakumbinse ko na siya. "Sige po.
Kumain na po kayo." Isinara niya ang pinto.Napahinga na lang ako ng malalim. Inilapag ko na ang pagkain sa lamesa. Magsisimula na sana kumain nang may kumatok sa pintuan ko.
"Princess Dorothy?" Parang pamilyar sa akin yung boses na iyon ah. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at nakita ko si Althea na hawak-hawak ang taalarawan.
"Magandang umaga." Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko naman siya at pinapasok sa loob.
Sa una ayaw niya pero pumasok din."Ano ang iyong sadya?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. "Pasensya na sa abala, Princess Dorothy. Nais ko lang magpaturo sa iyo mag-espanyol." Napahimas-himas siya sa batok niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sige...hintayin mo na lang ako sa labas ng kwarto ko." Hinalikan ko siya sa pisngi na siyang ikinagulat niya.
"D-doro---" Di na niya natapos ang sasabihin niya. "Sumunod ka na lang." Pulang pula na siya ngayon. Napatango siya at ngumiti.ALTHEA's P.O.V
Lumabas na ako ng kwarto ni Dorothy. Nagulat ako...nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi.
Maigit hindi pa siya kumakain kundi mangangamoy ulam ako..hehheh.Dalawampu't dalawang minuto ako naghintay sa kanya at sa wakas lumabas na rin siya.
"Tara na?" Lumapit siya sa akin.
Tumango naman ako't ngumiti."Princess? Uhmmm.....saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Sa silid aklatan baka may diksyonaryo doon ng espanyol."
Napatango na lang ako.
Malayo ang silid aklatan mula sa kwarto ni Dorothy kaya mahaba---- este medyo....medyo mahaba lang."Oh Althea! At magandang umaga rin po Princess Dorothy." Gulat na sabi ni Ryza at nagbow siya. Nakasalubong namin siya, may dala-dala siyang mga libro.
"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko sa kanya. "Ah eto ba? Nagpadala ang reyna ng mga libro. Gusto daw niya magbasa."
Nakangiti niyang sabi. Nagpaalam na siya sa amin at ipinagpatuloy ang paglalakad.Nakarating na kami sa silid aklatan. Ngumiti sa akin si Dorothy at binuksan na ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakalaking silid-aklatan. "Ang daming aklat dito!" Nakita kong nakatitig sa akin si Dorothy. "Dorothy?" Umiwas siya ng tingin."T-tara na." Nilagpasan na niya ako.
"Althea?" Tinawag niya ako. "O---p-papunta na po!" Lumapit ako sa kanya. "Kaya mong abutin iyon?" Tinuro niya ang libro na nasa ikatlong baitang ng aparador. "May hagdanan ata. Teka lang hahanapin ko lang."
Napatingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko ang isang maliit na hagdanan sa dulo, malapit sa bintana. Pumunta ako doon at kinuha ang hagdanan. Inilapag ko ito sa harapan ng libro na tinuro ni Dorothy."Yung kulay asul Althea" Tumango ako at sinubukan na kuhain ang asul na aklat ngunit hindi ko maabot. "Abot mo ba?"
Tanong ni Dorothy. Napailing naman ako. Bumaba muna ako ng hagdan."Ah! Alam ko na. Althea...buhatin mo kaya ako.
Baka maabot na natin."
Nakangiting sabi ni Dorothy.
"Uhmm......s-sigurado ka ba?"
Tumango si Dorothy. "S-sige."Binuhat ko na si Dorothy at umakyat na ng hagdan. "Althea...m-malapit ko na maabot." Hindi ko makita ang ginagawa niya dahil nakatabon ang kanyang palda. "I-ito na."
Nakuha na niya ang libro.Bababa na sana ako ng hagdan nang matapakan ko ang libro na nahulog kanina noong sinubukan kong kuhain yung libro. "G-gyahh!!!" Natumba kaming dalawa.
Ako'y nasababa at si Dorothy naman ay nasaitaas. Mataas ang pinaghulugan namin kaya medyo masakit ang likod ko. Napatayo ang prinsesa at tinulungan akong tumayo. "A-Althea. Ayos ka lang?" Nagpagpag ako ng damit ko. "Oo ayos lang ako." Ngumiti ako sa kanya. "Sigurado ka ba?"
Tanong ulit nito. "Pagnakikita ko pa lang ang mukha mo, nawawala na kaagad ang sakit."
Biglang namula si Dorothy at tinalikuran ako. "C-Che! Tumahimik ka na lang. Baka hindi kita turuan diyan eh."
Aba! Tinatarayan ako."Pasensya na. Alam na biro lang." Umupo ako sa tabi niya.
"Hmmph! Mag-aral ka na nga."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako lang. Iiwanan mo ako dito? Mag-isa?" Tumingin sa akin si Dorothy. "Pag ako napuno. Siguradong iiwanan kita."
Nanahimik na lang ako. Mukhang seryoso na siya eh.Dalawang oras akong tinuruan ni Dorothy ng lengwaheng espanyol.
Natuto na rin ako mag-espanyol at sinubukan ko ng basahin ang diary. "Ok...kung may hindi ka maintindihan sa taalarawan. Pumunta ka lang dito sa silid-aklatan at magbasa ka." Salamat sa kanya dahil na-iintindihan ko na ito ngayon. "Gracias mi prinsesa. (Thank you my princess.)" Niyakap ko siya.
"Your Welcome." Nakangiti niyang sabi. Nang bumitaw ako sa pagkakayakap, hinalikan niya ako sa pisngi."D-Dorothy?" Tumayo na siya at lumabas ng pintuan. Naiwan naman ako sa loob ng silid aklatan na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Di pa niya inaamin na mahal niya rin ako pero kahit hindi niya ito sabihin. Ramdam ko naman ito sa halik niya kanina....at kahapon.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historische Romane《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...