Act 36

271 10 0
                                    

Goodbye

Third person's P.O.V
Nagising na si Althea. Nakayakap siya kay Dorothy na mahimbing ang tulog. Napangiti na lang siya at hinalikan ang noo.

Tumayo na siya at umunat. Lumingon muna siya kay Dorothy bago lumabas. Umalis na siya sa kwarto at nagpunta sa kusina.

Nakita niya doon si Raciela kasama ang dalagang sugatan kahapon. Di pa niya kilala ang dalaga kaya umupo ito sa tabi nito.

"Oh Althea...ang aga mo ah." Nakangiting sabi ni Raciela. Binigyan siya ni Raciela ng tinapay. Ngumiti lang si Althea at kumagat sa tinapay. Tumingin siya sa dalagang sugatan. "Uh...kamusta na ang sugat mo?" Tumingin sa kanya ang dalaga. "A-Ayos na po ako." Marahan itong ngumiti. "Ayiiiieee! Si Charieza, umiibig na." Pinalo ni Raciela ang balikat nito. "A-Aray!" Hiyaw nito. "Ssst!" May sumitsit sa may pinto. Lumingon ang lahat, nakita nila si Reychelle. "Magandang umaga...mga dalaga." Nakangiti nitong sabi at pumasok sa loob. "Reychelle...kamusta na si Lilian?" Tanong ni Leñor sa kanya. Lumingon siya sa dito at naningkit ang mga mata. "Ayos lang naman. Bakit mo tinatanong?" Napakagat na lang sa tinapay si Althea at hindi nilingon si Reychelle. "Uy..sagutin mo ang tanong ko." Huminga ng malalim si Leñor at pinikit ang mga mata. "Wala lang." Tumayo na ang dalaga at lumisan sa kusina.

Nagtungo na siya sa kwarto ni Reychelle kung saan nandoon si Lilian. Pumasok na siya sa nasabing lugar na hindi manlamang kumakatok. "A-Althea?" Gulat na sabi ni Lilian. "Kamusta na?" Lumapit si Althea sa dalaga. Umupo siya sa tabi ng dalaga. "A-Ayos lang ako. Medyo masakit pero ayos lang ako." Umiwas ng tingin si Lilian at sinubukang tumayo. Hindi ito makalakad dahil may gasgas siya sa talampakan. "A-Aray ko.." May namumuong luha sa mata ng dalaga.

Na-alerto kaagad si Althea at tinulungan si Lilian. Pinasan niya si Lilian, kahit alam niyang mabigat ito. "A-Ay...Leñor! Nakakahiya naman." Namula ang pisngi ni Lilian. "D-Di. Ayos lang. Basta't kumapit ka lang..Lilian." Nakangiting sabi ni Althea at lumabas sa nasabing lugar.

Pasan-pasan niya si Lilian habang bumababa sa hagdanan. Nang makababa sila, inilapag ni Althea si Lilian sa isang kahoy na upuan. "Salamat." Namula ang pisngi ni Lilian at hinimas-himas ang baraso. Ngumiti si Althea umupo sa tabi nito. "Walang anuman. Nais mo na bang kumain?" Tanong ni Althea. Biglang pumasok ang tatlong binata may dala itong mga punong kahoy.
"Ito na ang mga gatong Reychelle!" Hiyaw ni Brent. Lumabas mula sa kusina si Reychelle at piningot ang tenga ni Brent. "Wag ka ngang maingay may natutulog pa sa itaas." Bulyaw nito sa binata. Tumango si Brent at tahimik silang pumasok sa kusina.

"Sige...gigisingin ko na sina Ryza at Ashley." Kumaripas ng takbo si Reychelle pataas sa hagdanan. Nagtinginan si Althea at Lilian. "Althea! Ang prinsesa gising na!" Hiyaw ni Reychelle mula sa itaas. Huminga ng malalim si Leñor. "Sige...tataas muna ako." Tumango lang si Lilian.

Nagtungo na si Althea sa kwarto nila. Naabutan niyang umuunat si Dorothy. Parehong nakataas ang kamay ng prinsesa kaya nagkaroon ng pagkakataon si Althea na mayakap ito sa likuran.
Nanlaki ang mga mata ni Dorothy nang maramdaman niya ang mga barasong pumulupot sa kanya. "Magandang umaga...Princess Dorothy." Nakangiting sabi ni Althea. "Nais mo na bamg kumain?" Tanong nito at bumitaw sa pagkakayakap. Marahan na tumango lang si Dorothy. Hinawakan na ni Althea ang kamay ng prinsesa at hinigit palabas.

Pina-upo na muna ni Althea si Dorothy sa tabi ni Lilian dahil sikip na sa kusina. "Luto na!" Sigaw ni Reychelle mula sa kusina. Tumingin si Althea sa nasabing lugar at tumayo. "Sige...ikukuha ko muna kayo ng pagkain." Nakangiti nitong sabi para mapagaan ang pakiramdam ng dalawang dalaga.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon