Buying Gifts
ALTHEA's P.O.V.
Ika-25 ng Disyembre. Ngayon ang araw ng pasko. Malamig na ang simoy ng hangin.Naglalakad ako ngayon sa pasilyo papunta sa kusina kung saan ibibigay ang aming suweldo. "Oh! Althea. Yung sayo nga pala ay ibibigay ng reyna." Inakbayan ako ni Brent. Kala ko naman ay sa kusina. Ano ba yan!? "Magkano ang sahod niyo?" Tanong ko sa kanila. "Mga sampung libong Olious." Nakangiting sabi ni Jan. Ang Olious ang tawag sa pera sa Apollious. Iyon ang papel at ang barya ay Selum. Ang katumbas ng isang Olious ay 5 pesos. At ang Selum naman ay 1 piso sa Pilipinas.
"Pumunta ka na doon sa hardin. May gusto daw kasing sabihin sayo ang reyna." Dumating si Michael. Napatango naman ako at umalis.
Pagdating ko sa hardin nakita ko ang reyna na naka-upo at nag-tatahi. "Oh! Nandyan ka na pala. Umupo ka muna. Baka mapahaba kasi ang sasabihin ko sayo." Umupo ako sa harapan ng reyna. Binigay niya sa akin ang isang kahon. Binuksan ko ito at nagulat ako sa laman nito. Isang gintong singsing.
"T-Teka lang p-po....uhmm....baka po singsing niyo po ito." Natawa naman ang reyna. "Di...regalo ko iyan sa iyo." Di ko inaasahan na bibigyan niya ako ng regalo. "Nang dahil sayo. Bumalik ang dati naming masiglang anak, si Dorothy. Noong nakaraang pitong taon.
Napakalungkot niya. Matamlay siya, tapos paggabi...naririnig ko siyang humihikbi ng mahina." Di sinabi sa akin ni Dorothy na umiiyak siya tuwing gabi."Salamat sa iyo, bumalik na siya sa dati." Niyakap niya ako.
Napatingin ako sa tinatahi niya. Ito'y isang gumamela. Natandaan ko si Dorothy dahilan para mamula ako. "Oh...bakit ka namumula?" Nata-uhan ako nang iwagayway ng reyna ang kamay niya sa aking mukha."W-Wala po." Umiwas ako ng tingin. "Weh...may napupusuan ka na ba?" Tanong nito at pinisil-pisil ang pisngi ko. "W-wala po." Binitawan na niya ang pisngi ko.
"Oh sya...masama naman na pilitin kita. Oo nga pala! Hinihintay ka ng aking asawa na sa kanya ang sweldo mo." Ngumiti ako. Tumayo na ako at nagbigay galang sa kanya bago umalis.Bago ako makalayo, narinig ko ang reyna. "Nasa kwarto siya ngayon!" Lumingon ako't ngumiti. "Sige po!" Nginitian naman niya ako pabalik.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ng hari't reyna. Nang matagpuan ko na ito. Nakaramdam ako ng kunting kaba. Nang mawala na ang aking kaba. Kumatok na ako't dahan dahang binuksan ang pinto.
"K-King Jasper?.." Nakita ko siyang nagbabasa ng isang libro. "Oh! Althea. Wag ka ng mahiya. Dali pasok." Nakangiti nitong sabi. Pumasok ako sa loob at nagbigay galang.
"Oh..ito." Binigay niya sa akin ang isang sobre na naglalaman ng pera."Maligayang pasko Althea." Nakangiti nitong sabi. Ngumiti ako at nagpasalamat. Lumabas na ako ng kwarto at binilang ang pera. Balak kong bigyan ng regalo ang mga kaibigan ko.
"Limangpu't limang libong Olious. Ayos!" Sapat na ito para mabilhan ko na sila. Pati ang babaeng nakabihag ng puso ko.
Binigyan kami ng pahinga ngayong araw kaya pwede kaming maglibot kung saan.Pumunta ako sa stable para gisingin ang tulog na pegasus. "Freddy gising na." Nagising na ito. Binigay ko sa kanya ang isang sakong mansanas. "Maligayang pasko." Nanlaki ang mga mata nito at nagtatatalon habang sinisigaw ang salitang 'salamat'
Sinubsob ni Freddy ang mukha niya sa sako at kumuha ng limang mansanas na nakakapagtaka dahil nagkasya ito sa kanyang bibig. "Uy..Freddy...Hinay-hinay lang sa pagkain. May pupuntahan tayo mamaya."
Nakangiti kong sabi at kumuha ng isang mansanas mula sa sako.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...