Act 14

115 13 0
                                    

The town of Gaias

DOROTHY's P.O.V
Naglilibot kami ngayon ni Althea sa bayan. Binabati ko ang mga tao habang kami ay naglalakad at sinusuklian naman nila ito ng mga ngiti. Napaka-aliwalas ng panahon. Hindi maaraw at hindi rin makulimlim

Ang mga tao dito ay masasaya't mukhang walang problema. Ang mga bata ay masiglang naglalaro sa daanan.

Seryoso ang mukha ngayon ni Althea. May problema kaya siya o may masamang nararamdaman. "Uhmm...Althea, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Opo, mahal na prinsesa."

Dahil sa sinabi niya, biglang gumaan ang loob ko. Tinapik tapik ko naman ang balikat niya.
Lumaki lalo ang mga ngiti niya, sa tingin ko nahawa na ako ng ngiti niya dahil napangiti na rin ako.

ALTHEA'S P.O.V.
May nararamdaman akong kakaiba dito sa bayan ng Gaias.
Bumibigat ang aking kalooban.
Di ko alam pero parang pakiramdam ko na nakapunta na ako dito noong bata pa ako....kasama ang isang batang babae na lagi kong sinusundo sa abandonadong parte ng palasyo.

Tumingin ako kay Dorothy na ngayon ay aliw na aliw sa mga nag-gagandahang mga bulaklak sa paligid. "Ang ganda dito." Nakangiting sabi ni Dorothy.
"Parang nakapunta na ako dito pero hindi ko lang maalala."
"Panaginip lang ata yun." Napahawak naman siya sa kanyang ulo. "P-Princess Dorothy. Ayos lang po ba kayo?"
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Oo ayos lang ako."
Napahinga na lang ako ng malalim. Sobra akong nag-alala dun ah. "Wag..nyo na pong isipin iyon. Nandito na tayo. Kaya...wag ka nang mag-isip ng mga problema. Magsaya ka na lang." Nakangiti kong sabi. Ngumiti siya sa akin at niyakap niya ako, na ikinagulat ko naman.

"Salamat. Masaya ako na ikaw ang naging guardia ko at mas masaya ako na makakasama na kita araw-araw." Bumitaw siya sa pagkakayakap at humawak sa baraso ko. "Tara na?" Tumango ako.

"Althea!" Tinawag ako ng prinsesa. Nasa tindahan kami ng mga alahas. Kanina pa kami dito, gusto kasi ni Dorothy regaluhan si Jella. Yun ba ang pangalan ng kaibigan niya? Kaarawan niya ata sa isang linggo. "Bagay kaya sa kanya ito?" Hawak niya ang isang kwintas na hugis dragon.
Tumango na lang ako at ngumiti siya.

"Princess, Alas-tres na po. Kailangan na nating bumalik."
Nakikipagkwentuhan siya ngayon
sa mga bata. "Oh..sa susunod na lang ulit mga bata. Kailangan ko ng bumalik. Salamat sa lahat."
Malambing niyang sabi.

Tumayo na siya at naglakad na kami sa kinaroroonan ng kalesa.
"Salama-" Di na natapos ng prinsesa ang sasabihin. May lalaking kumaripas ng takbo at nabunggo si Dorothy. Maigit nasalo ko ang prinsesa, napansin ko na may humahabol na babae sa likod nito. "Tulong! May magnanakaw!" Sigaw nung babae. Parang namumukhaan ko ang dalaga.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Ryza. "Ryza sayo muna ang prinsesa, ako na ang bahala." Iniwan ko sa kanya ang prinsesa at hinabol ang magnanakaw.

Mabilis ang takbo nito kaya hinugot ko ang baril ko at tinutok sa paanan nito. "TIGIL!" Sigaw ko pero hindi parin siya tumigil.
Pinutok ko na ang baril at tumama ito sa paa niya dahilan para matumba siya.

"Arggh!" Namimilipit na siya ngayon sa sakit. Nilapitan ko siya at tinutok ang baril. "Ibalik mo sa kanya ang ninakaw mo!"
Kinuha na niya ang isang kwintas na gawa sa ginto. "Bakit mo  ginawa yun?" He smirked.
"Wala kang pake-alam!" Sigaw nito sa akin. Sinubukan niyang tumayo pero hindi siya makatayo.

"Wala akong pake-alam? Nagnakaw ka at isang maling gawain iyon. AT! Nabunggo mo ang prinsesa!
Nabunggo mo ang kaisa-isang anak ng hari! Sa tingin mo mapapatawad kita! Alam mo namang---" Inerapan niya ako at biglang nagsalita. "Eh..Ano naman. Prinsesa lang naman siya ah. Ano naman ang pake ko kung anak siya ng hari!" Sigaw nito sa akin. Itinutok ko na ang baril ko sa kanya "Isang pang-iinsulto mo pa--" May humawak sa balikat ko.
"Itigil nyo na yan. Althea ibaba mo na ang baril mo at ikaw naman sabihin mo sa akin kung bakit ginawa mo ito?" Dumating si Dorothy at napayuko naman ang lalaki. "Wala kang pake!" Dumating na ang dalawang lalaki at binuhat ang kanilang kasamahan na binaril ko sa paa.
"P-Pasensya na po. Nagawa lang naman po niya iyon dahil...may sakit ang nanay namin." Sabi ng isang lalaking may balbas.

"Di tama ang ginawa nyo. Kailangan nyo magtrabaho. Ang pera ay hindi ninanakaw, ito ay pinaghihirapan. " Napatango na lang ang mga lalaki. "Dalhin nyo siya sa pagamutan. Ako na ang bahala sa pera. Sabihin nyo na lang na utos iyon ng prinsesa."
Tumango naman ang kalalakihan at dinala ang kanilang kasamahan.
Tiningnan ako ng matalim ng lalaki at parang may sinabi pero hindi ko na narinig.

"Salamat princess Dorothy at ginoo." Napatingin ako sa babae.
"Ang totoo kasi niyan..." Lumapit sa amin si Dorothy.
"Di ako lalaki/ Di siya lalaki."
Sabay naming sabi. Tumingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

"Ang totoo niyan binibini ay...babae ako...teka...parang kilala kita." Tumingin ako sa kanyang kahel na mga mata.
"T-....A-Althea?" S-Si....Reychelle.
"Reychelle?" Siya ang nagligtas sa akin noong nasusunog ang palasyo. Siya rin ang nagdala sa akin sa bahay nina Brent...kaya..uhm.. naging tibo ako.
"M-magkakilala kayo?"
Sumingit si Ryza. "K-kailan pa?"
Tanong muli nito. "Pitong taon na ang nakakalipas." Tinapik-tapik naman ako ni Reychelle sa balikat.

"Apat na taon tayong hindi nagkita. Sundalo ka na pala." Ngumiti ako. "Guardia....ng prinsesa." Tumingin ako kay Dorothy. "Hmm...parang..iba ang tingin mo sa kanya ha." Bulong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "A-Anong pinag---" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Dorothy.
"Kailangan na naming umalis."
Tumingin sa akin si Dorothy ng matalim na nakakakilabot.

"Sa susunod na lang ulit."
Nakangiting sabi ni Reychelle.
Tumango naman ako at sinundan sina Ryza na pabalik sa kalesa.

"Uhmm....sino siya?" Tanong ni Ryza sa akin. Nasa kalesa na kami ngayon pabalik sa palasyo. "Ah yung babae? Siya si Reychelle..kababata ko."
Tumingin sa akin si Dorothy. Nahuli ko siya, umiwas kaagad siya ng tingin.

DOROTHY's P.O.V
Ibig sabihin...hindi si Althea ang batang nakilala ko sa ilalim ng puno sa tabi ng dati naming palasyo. Ibig sabihin...iba ang nagligtas sa akin noong nasa trahedya ang buhay ko.
Pero bakit ganun? Bakit sa mukha palang niya, parang siya na iyon?

Madaming katanungan ang umiikot sa isipan ko. Maraming tanong na gusto kong masagot.
'Bakit...iba? Bakit ganun? Ang mga ngiti niya habang kinaka-usap ang babaeng iyon ay parang mga ngiti din niya kapag kinaka-usap ko siya. Teka lang...ano itong pinag-iisip ko? Magkaibigan lang naman kami ni Althea, diba?

Nang makarating kami sa palasyo, dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko pinansin si Althea kahit ilang beses niya akong tinawag. Di ko siya kinausap.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon