Alejandro
ALTHEA's P.O.V
Nasa kwarto ako ngayon nina Brent. Sinabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit ako malungkot. Pero...hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ano ba tong nararamdaman ko? Oo, ikakasal si Dorothy sa isang binata na hindi ko lubos na kilala. Di ko alam kung ano ang aking reaksyon kung magiging masaya ba ako...o hindi.
"Thea......................anong----" Natigil si Michael nang biglang dumating si Jan. "Tapos na ang trabaho ko! Kayo naman!" Sigaw ni Jan na pagod na pagod. Napahinga ng malalim sina Brent at nagpaalam sa akin. "Oh...Althea? Bakit ka nandito? Diba may trabaho ka?" Tanong ni Jan. Kumunot ang noo ko. "Ay....alam ko ang ibig sabihin niyan. May problema ka noh?" Hula ni Jan. Tumango ako. "Ano naman ang iyong problema?" Tanong ulit nito. Sinabi ko kung ano ang problema ko. Napatango-tango si Jan habang nakikinig.
"Ibig...sabihin..selos ka?" Napa-iling ako habang winawasiwas ang aking kamay. "Anong selos?! Bakit ako magseselos? Ehem!" Sigaw ko. Tinaasan ako ng kilay ni Jan. "Di daw...wag ako! Alam kong may---" Tinakpan ko ang bibig ni Jan. "Anong pinagsasabi mo? Kaibigan lang ang turing ko sa prinsesa." Kinagat niya ang kamay ko. "Aray!" Hinugot ko na ang aking kamay. "Kaibigan daw...baka ka-ibigan." Nakangiti nitong sabi sabay sagi-sagi sa aking balikat. "Che!" Tumalikod na ako sa kanya.
"U-Uy Teka lang! Tutulungan na lang kita para makilala mo pa si...uhm...yung..lalaking sinasabi mo." Tiningnan ko siya ng masama. "Sige." Sabi ko sabay ngiti. "Pero...tatangapin mo na may gusto ka kay Dorothy." Ngiti ni Jan. Siningkitan ko siya ng mata. "Kaibigan ko lang siya. Malinaw ba yun sayo?" Napa-urong ito at tumango.
Lumabas na kami ni Jan ng kwarto at nagtungo sa kinaroroonan nina Dorothy.
"Matangkad ba yung lalaki?" Tanong ni Jan. "Parang...kasing tangkad mo." Ang tangkad ni Jan ay hanggang tenga ko lamang kaya mas matangkad ako sa binata kanina.Malapit na kami sa main hall nang marinig ko ang pagtawag ng aking pangalan. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Butler Neil Jr. "May problema ba?" Tanong ko. "Wala naman po pero hinahanap ka ng prinsesa." Sabi nito. "Uh...n-nasaan siya?" Na-uutal kong sabi. "Nasa-hardin siya." Tumango ako at hinigit si Jan papunta sa hardin.
"Bakit kailangan mo pa akong isama?" Tanong ni Jan. Di ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglakad. "Thea?" Tawag nito pero hindi ko parin pinansin. Lumipas ang ilang minuto at hindi na niya ako tinawag.Nakarating na kami sa hardin. Nandoon si Dorothy at ang binata. "Althea!" Sigaw ni Dorothy at lumapit sa akin sabay yakap. Parang...nawala lahat ang aking...pagkabagabag nang yakapin niya ako. "Saan ka ba nanggaling...hinahanap kita eh." Sabi nito. Narinig kong napa-ehem si Jan. "Ah...uhm...ano nga pala ang mapaglilingkod..ko sayo princess?" Seryoso kong tanong. Bumitaw sa pagkakayakap si Dorothy at tumingala sa aking.
"Ipapakilala ko sana sayo si Alejandro kanina pero bigla ka nalang nawala eh." Sabi nito. Napatingin ako sa binatang nakatalikod na nasa likod ng isang kumpol ng damo. "Alejandro?" Tawag ni Dorothy. Humarap ang binata sa amin. Ang gwapo niya..oo gwapo. Naglakad na ito papalapit sa amin. Sa tingin ko isa siyang..Amerikanong hinaluan ng Espanyol..hula ko lang.
"Siya yung guardia na kasama mo kanina diba?" Tanong nito. Marunong pala siya magtagalog. Ngumiti si Dorothy at tumango.
Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay sabay hinalikan ito. "It's so nice to meet you, my lady Althea." Ngiti nito. Pawang napaso kong hinugot ang aking kamay at palihim na pinahid kay Jan. "Anu ba Althea? Napakababoy eh." Bulong nito sa akin. Sinagi ko ito para manahimik.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...