Act 12

172 13 0
                                    

The Real first day of being a Bodyguard.

DOROTHY's P.O.V
Nagising ako ng maaga-aga ilang minuto na lang ay alas syete na ng umaga. Ngayon ako'y nagbabasa ng isang nobela. Napapangiti ako sa tuwing nagsasama ang dalawang bida.

"Sana ganoon din kasaya ang aking mararamdaman kapag nakasama ko na ang taong magmamahal sa akin ng tunay. Yung mahal ka parin kahit..malayo sa isa't isa." Bulong ko sa sarili ko. *knock knock*

May biglang kumatok sa aking pintuan. Tumayo ako para buksan at nagulat ako dahil si Althea ang kumatok. Hindi niya trabaho na gisingin ako. Mga kasambahay lang ang pwedeng gumawa nito at hindi mga sundalo. O...baka may..iba siyang pakay.

"M-mahal na prinsesa, Oras na po para sa umagahan n'yo." Nagbow siya para magbigay galang. Minsan ayaw ko matawag ng mahal na prinsesa. Nginitian ko siya. "Pakisabi na mag-aayos lang ako bago bumaba." Tumango naman siya't sinarado na niya ang pintuan.

ALTHEA's P.O.V
Ngayo'y di na mapigil ang bilis ng tibok ng puso. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit?

Lumapit ako kay Ashley na nakangisi. "Oh, Ano daw ang sabi?" Tanong niya. "Mag-aayos lang daw muna siya." Aalis na sana ako pero biglang hinawakan niya ang aking kamay. "Wag ka munang umalis. Ihahatid mo pa ang prinsesa." Sabay ngiti ng nakakaloko ang dalaga. Napahinga na lang ako ng malalim at naghintay sa tabi ng pintuan ng prinsesa. Lumabas sa pintuan ang prinsesa at mukhang bagong ligo ito at pormang-porma rin siya ngayon. May okasyon ba?


"Tara na." Naglakad na siya't ako'y nasa likod niya. "Althea." Tumingin ako sa kanya. "Ano po iyon?" Tumigil siya sa paglakad.
Humarap siya sa akin na may ngiting napaka tamis. "Kamusta ang unang araw mo?" Tumingin ako sa kanyang mga mata. "A-Ayos lang." Lalong lumaki ang ngiti niya sa labi. "Mabuti naman." Tumalikod na siya at nagpatuloy mag-lakad. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at..bumilis ang tibok ng puso. Ano ang dahilan nito? Ang mga ngiti niya ba?

Nakarating na kami sa isang mahabang mesa kung saan naka-upo ang hari't reyna. "Dorothy, halika na, maupo ka na sa tabi ng ama mo." Sumunod naman si Dorothy at umupo.

Biglang dumating ang heneral at may binigay sa akin na mga armas. "Haring Jasper, paumanhin po.
May ibinigay lang ako sa guardia ng anak niyo." Umalis na ang heneral sa kinakatayuan niya. Sinuot ko na ang sinturon na may mga armas. Tama nga ang sabi ni Ashley. Mas maraming dalang armas ang guardia kaysa sa sundalo. Napansin kong nakatingin sa akin ang prinsesa. Lumingon ako sa kanya, nakatingin nga siya sa akin. Agad na iniwas ni Dorothy ang kanyang tingin sa akin at bumalik sa pag-kain.

Matapos ang agahan. Sinamahan ko siya sa hardin na punong puno ng mga iba't ibang bulaklak. "Althea, halika umupo ka sa tabi ko." Tinapik-tapik niya ang bangko sa tabi niya. "P-pero--"
Di ko pa natatapos ang aking sinasabi nang bigla siyang nagsalita. "Dali na Althea, don't be shy." Wala akong magawa kung di sumunod at umupo sa tabi ni Dorothy. Napatingin ako sa kanyang baraso na may balot. "Kamusta na po ang sugat niyo?" Tumingin siya sa akin.
"Ayos na. May kaunting hapdi pa pero..ayos lang naman. Ayos lang ako." Tugon nito sa aking tanong.

May binuklat siyang isang libro at nagsimula na siyang magbasa. "Doro-- Ah mahal na prinsesa,tungkol saan po ang iyong binabasa?" Tumingin siya sa akin at ibinalik muli niya ang kanyang atensyon sa libro.
"Ito ba? Ang librong ito ay tungkol sa binata at dalaga na nagmamahalan. Magkalaban ang kanilang dalawang pamilya.
Nagmahalan silang dalawa kahit hindi sila maaring magsama habambuhay. Ang babae ang una't huling pag-ibig ng lalake, ganon din ang babae. Kahit magkalayo man sila, alam nilang mahal nila ang isa't isa." Kwento ng prinsesa.

"Ah! Oo nga pala, ano ang pamagat ng librong binabasa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Romeo.....and Juliet. Isinulat ito ni William Shakespear na
taga kanluran." Tumango na lang ulit ako.

Mabilis na lumipas ang oras. Ngayon ay palubog na ang araw.
Hinatid ko na ang prinsesa sa kanyang kwarto dahil may importante daw siyang gagawin.

Pagkatapos ko siya ihatid, bumaba ako't nakisabay sa mga sundalong kumakain sa kusina. "Oh Althea! Dito!" Tawag nila Brent at pina-upo ako sa tabi nila.
"Ang dami mong armas." Nakangangang sabi ni Michael. "Oo nga eh." Apat ang dalang armas ng guardia. Isang ispada, isang maliit na kutsilyo, at dalawang baril, isang maliit at malaki. Ang mga sundalo ay dalawa lang. Ispada at mahabang baril.

"Kamusta ang iyong unang araw?" Tanong sa akin ni Michael. "A-Ayos lang." Sagot ko kay Michael. "Kayo..kamusta?" Humingang malalim si Brent. "Nagkahiwalay kami. Pang-umaga sina Jan at Michael at ako..naman ay pang-gabi." Humigop ng kape si Brent. "Pero...nagpapalit naman kada buwan." Seryosong sabi ni Brent.

Napansin kong tinititigan ako ni Jan. Nakaka-ilang. "Jan? May...problema ba?" Tanong ko sa kanya. "Hmm...." Hinimas-himas ni Jan ang kanyang baba. "SABI NA NGA BA EH!" Sigaw nito dahilan para pagtinginan kami ng mga ilang sundalo at kasambahay. "Jan...ano ba?" Piningot ni Brent ang tenga ng binata.

"Pasensya na ha. Pero, Althea! May gusto ka sa kanya ano?" Nanlaki ang mata ko at biglang uminit ang pisngi dahil sa kanyang tanong. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, ang prinsesa. "Anong pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Brent. "Basta!" Ngumiti si Jan ng nakakaloko. Di ko na lang siya pinatulan at nanahimik. 'May gusto ba talaga ako sa kanya? O baka...yun lang ang tingin nila at ang totoo ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya.' Sabi ko sa sarili.

Tinapos ko kaagad ang pagkain at umakyat sa kwarto ko. 'Ano itong nararamdaman ko?'
Tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa buwan na bilog ngayon. Napatingin naman ako sa aparador. Hindi ako mapakali...parang may kailangan akong hanapin o kaya...hmm... o kaya...intindihin.

Lumapit ako sa aparador at binuksan ito. Maraming damit dito at luwag sa akin. Napansin ko dati ang isang kahon noong binuksan ni Ashley ang aparador.
Gabi-gabi akong binabagabag nito.

Napatingin ako sa pinakadulo ng aparador. Nakita ko ang isang maliit na kahon. Kinuha ko ito at nilinis. "A-Ano ito?" May emblem siya na pegasus sa gitna. Binuksan ko ito at nakita ko ang lumang baril at isang maliit na taalarawan. "S-Sino kaya ang may-ari nito?" Binuksan ko na yung taalarawan. Nakasulat dito ang lenggwaheng Espanyol. Parang kailangangan ko itong intindihin.

Makapag-aral nga ng lenggwaheng Espanyol. Dati...marunong ako ngunit mabilis ko itong nakalimutan. Dulot ng isang trahedyang nangyari sa buhay ko.

'Mi princesa, mi amor. Voy a ser leales a usted incluso las estrellas se han ido, incluso el mundo final,
estoy aquí para usted para siempre. Mi princesa te amo.'
(My Princess, my love. I'll be loyal to you even the stars are gone, even the world ends. I'm here for you forever. My princess, I love you.)

Napatitig ako sa nakasulat sa maliit na taalarawan. Sabi ni Ashley, ang mga gumamit daw ng kwartong ito ay mga guardia noong nagdaan ang panahon at natigil lang ito dahil sa lolo ni Haring Jasper. Kahit hindi ko maintindihan ang taalarawan, alam kong may kakaiba sa taalarawan na ito.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon