Act 22

112 7 0
                                    

Presents

ALTHEA's P.O.V
Lumabas na kami ni Lilian sa kainan at pinasakay ko siya kay Freddy.

Tahimik lang ang paglalakad namin. Hanggang sa makarinig kami ng isang iyak ng kabayo. "Althea?" Lumingon ako kay Freddy. Tumango ako at nagtungo kami sa pinanggalingan ng tunog.

Nanlaki ang mga mata namin ni Freddy. May isang pegasus na sinasaktan ng isang lalaki. "Ibaba mo muna si Lilian at ilang gamit natin. Ako na ang bahala." Tumango ako at kinuha si Lilian at ang mga regalo. Pagkababa ko sa mga gamit. Sumigaw si Freddy at lumipad.
Nagulat ang lalaki sa biglaang paglapag ni Freddy sa gitna. "H-Huh!?" Sigaw nito. "Wag mong subukang...humarang dito pegasus. Siguradong masasaktan ka." Itinaas na nito ang latigo.

Nag-aalala ako kay Freddy. Hindi ko pwedeng iwan dito si Lilian. Pati na rin ang mga regalo. Lumingon ako kay Lilian at ibinalik ang atensyon sa gitna. Iwinagayway na ng lalaki ang latigo at inihampas kay Freddy pero naka-ilag si Freddy.
Tumalon ang pegasus at sinipa ang lalaki sa mukha dahilan para tumalsik ito sa putik.

Tinawanan siya ng madla. Tumayo ang lalaki at napahawak sa kanyang balikat. Mukhang nabalian ito. "S-Sige! Sayo na ang pegasus ko. Basta't...wag mo na akong sasaktan!" Sabi nito sabay takbo. Tumayo ng tuwid si Freddy at nagpapogi sa mga tao. Na-inip na ang mga tao at nagsialisan.
Inakay ko si Lilian habang dala-dala ang mga regalo.

"Ang galing mo Freddy!" Niyakap ko siya. "Ako pa! Hahaha!" Inilagay ko na ang mga regalo sa likod niya. Napatingin ako sa pegasus na iniligtas ni Freddy. Matingkad na kayumanggi ito at may batik na puti ang kulay. May mga galos ito.

Lumapit ako dito at pinagmasdan. "Magiging maayos ba ang kalagayan niya?" Nag-aalalang tanong ni Freddy. Napakibit-balikat ako. "Mga galos lang naman ang natamo niya. Siguradong ayos lang siya." Hinimas-himas ko ang ulo nito. Iminulat na ng pegasus ang mata nito. Bigla itong tumayo. "S-Sino kayo?" Biglang nagsalita ang pegasus sa babaeng boses. Ibig sabihin babae ito. "I-iniligtas ka namin mula sa pagmamalupit ng lalaki kanina." Na-uutal na sabi ni Freddy. Hm...parang kakaiba ngayon ang inaakto ni Freddy. "Dapat hindi niyo na ako iniligtas. Kaya ko ang sarili ko." Tumalikod na ito sa amin. Akmang aalis na sana ang babaeng pegasus nang bigla itong tumumba. "A-aray." Lumapit sa kanya si Freddy. "A-Ayos ka lang ba?" Lumapit ako sa pegasus habang akay-akay si Lilian. "T-Teka lang...ako na ang titingin." Lumuhod si Lilian sa harap ng pegasus at tiningnan ang galos sa binti.

"May tela ba kayo dyan?" Tanong ni Lilian sa amin. Napa-iling kami ni Freddy. Huminga ng malalim si Lilian at pumunit ng tela mula sa kanyang palda dahilan para makita ang binti niya. "Lil---" Lumingon sa akin ang dalaga. "W-wala."

Binalot na niya ang galos ng pegasus sa pegasus. Tinulungan kong tumayo ang pegasus. "Kaya mo bang maglakad?" Lumingon sa akin ang pegasus at tumango. "May...titirhan ka ba?" Tanong ni Freddy. Umiling ang pegasus. Tumingin kami ni Freddy sa isa't isa.

"P-pwede ba?" Nagmamakaawang tanong ni Freddy. Ngumiti ako at tumango. "Siguradong magugustuhan siya ng prinsesa." Tumango si Freddy.
Tumingin ako sa pegasus. "Gusto..mo..sa palasyo ka na lang tumira." Nanlaki ang mga mata nito. "T-Talaga!? Matagal ko ng gustong pumasok doon sa palasyo. Simula pa noong ako'y maliit na pegasus pa." Napangiti ako at hinimas ang ulo nito. Isinakay ko na si Lilian sa likod ni Freddy at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa palasyo.

Medyo mahaba ang lakarin namin pero ayos lang. Ang mahalaga ay na-aalalayan namin ni Freddy ang dalawang babae. Sana magustuhan siya ng Prinsesa.

DOROTHY's P.O.V
Hinahanap ko ngayon si Althea. Di alam ng mga kaibigan niya kung saan siya pumunta. Huli nilang namataan si Althea na lumabas mula sa likod at pumunta sa stable.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon