Act 3

314 20 0
                                    

Seperated

December 3, 1904
===============
Inihatid ni Althea si Dorothy sa balkonahe ng palasyo.Dahan dahan lumapag si Freddy at tinulungan ni Althea makababa si Dorothy sa pegasus."Ano nag saya ka ba?" Tinanong niya ang prinsesa habang nakatitig ito sa mga mata nito." Oo di ko  makakalimutan ang araw na ito, pangako" Ngumiti ito sa kanya.
"Kailangan ko ng umalis. Bukas na lang ulit." Sabay sumakay si Althea kay Freddy." Mag-ingat ka sa pag-uwi mo!" Sumigaw ng prinsesa sa dalawa habang lumilipad palayo.

Pumasok na si Dorothy sa loob.
Balak niyang sabihin sa ama niya na may kaibigan siya sa labas.

Mabagal lang ang paglipad nina Althea. Pinagmamasdan nila ang palasyo. "Freddy? Sa tingin mo, kaya mo bang lumipad ng mabilis, yung sobrang bilis?" Tanong ni Althea sa pegasus. Tumingin ang pegasus sa kanya at nagsalita na ikinagulat nito. "Oo naman bakit?" Sabi ni Freddy.
Napatakip ng bibig si Althea.
"Nagsasalita ka?! Eh bakit hindi ka nagsalita noong una palang kita nakita?" Gulat na tanong ni Althea. "Kasi...hindi pa ako marunong magsalita noon at kailangan ko pati ng tamang pana----" Di na natapos ni Freddy ang sasabihin. Dahil may narinig silang malakas na pagsabog sa palasyo.

Nanlaki ang mga mata ni Althea. "Dorothy!" Sigaw ni Althea. "Freddy, Dali!" Nanlaki ang mga mata ng pegasus. "T-Teka!? S-Sigurado k---" Di natapos ang sinasabi ni Freddy dahil nagsalita kaagad si Althea. "Oo sigurado ako at walang makakapigil sa akin. Nasa panganib ang kaibigan ko at hindi ko ito tatakbuhan!" Sumunod na lang ang pegasus. At lumipad papunta sa palasyo.

***
Tumatakbo si Dorothy sa mahabang pasilyo at iniiwasan ang mga nahuhulog na bato.

"Papa! Anong nangyayari? Mangiyak-ngiyak na sabi ni Dorothy at yumakap sa hari.
Lumapit ang isang sundalo at sumaludo. "Kamahalan! Sumusugod po ang mga rebelde! Kailangan nyo na pong tumakas!" Sigaw ng sundalo. Tumango ang hari. Lumuhod ang hari para maabot ang tangkad ng prinsesa. "Anak...tumakas na kayo ni Butler Mark. Sa tingin ko nasa labas na ang mama mo." Niyakap siya ng hari. "Pero paano po kayo?" Tanong ni Dorothy. "May gagawin lang ako anak. Mag-ingat kayo." Hinalikan ng hari ang noo ng prinsesa. Lumapit na si Butler Mark kay Dorothy. May katabaan ito at singkit ang mga mata.

"Mag-ingat din po kayo papa." Niyakap ulit ni Dorothy ang hari at sumunod sa butler.

***

Lumapag na si Freddy at lumundag naman si Althea pababa. "A-Althea!" Tumingin si Althea sa pegasus. "Mag-iingat ka." Lumapit si Althea kay Freddy at niyakap ito. "Wag kang mag-alala. Kaya ko toh." Bulong nito.
Bumitaw na sa pagkakayakap si Althea. Ngumiti siya sa pegasus at pumasok sa nagliliyab na palasyo.

Paikot ikot si Althea sa loob ng palasyo. Takbo dito, takbo doon hanggang sa makita na niya si Dorothy. "Dorothy!" Lumingon si Dorothy sa likod niya. Nagulat siya nang makita niya si Althea. Nagulat din ang butler dahil kilala ng bata ang prinsesa. "Althea!" Bumitaw sa pagkakahawak si Dorothy at tumakbo papalapit kay Althea.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Umiyak si Dorothy at nagpasalamat dahil nandito na ang kaibigan niya. Napaluha naman si Althea ng kaunti pero pinunasan niya ito kaagad nang makita niyang palapit sa kanila ang kasama ng prinsesa kanina.

"Kailangan na nating umalis. Lumalakas na po ang apoy at delekado na dito." Sabi ng butler.
Tumango si Althea.
Habang patakbo-takbo si Althea kanina sa mahabang pasilyo. Napansin niya ang isang bukas na pintuan at may kalesang naghihintay doon.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon