Act 6

185 15 1
                                    

Getting to know each other


DOROTHY's P.O.V
Nasa kalesa na kami ngayon. Magkatabi kami ng dalaga. Kamukha niya talaga si Althea. Berdeng mata....at ang kwintas.

"Magkano kaya ang ibibigay sa atin ng hari?" Nagsalita ang isang lalaki na may asul na mata. "Shh! Wag kang ma-ingay." Nanahimik ang lalaki. Tumingin ako sa dalaga na ngayon ay nakatingin sa akin. "U-uhm.." Bago pa man ako makapagsalita, umiwas siya ng tingin at tumingin sa bintana.

May kumislap na kulay pula sa mata niya. Baka imahinasyon ko lang. Umiwas ako ng tingin baka mahuli pa ako na nakatitig sa kanya. Baka kung anong isipin niya.

"Dyan na muna kayo." Kinulong kami. Sa loob nitong kwarto, may palikuran, isang maliit na bintana na mukhang hindi ako magkakasya at isang......higaan.

"Dadalhan na lang namin kayo ng damit na pamalit at pagkain." Sinarado na ng lalaki ang pinto. Tumingin ako sa dalaga na sumilip sa pintuan.

"Palabasin nyo kami dito! HOY! Ano ba ang ginawa namin sa inyo!?" Muling kumislap ang pulang kulay sa mata niya. Lumipas ang ilang minuto. Napagod at na-upo siya sa sahig.

Napako ako sa aking kinakatayuan nang tumayo't naglakad siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa pisngi ko. "Princess...may sugat ka." Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman ko na humapdi toh.

"A-Aray." Pina-upo niya muna ako sa kama. "T-Teka lang ha." Pumasok siya sa banyo at bumalik na may dalang twalya't tabo. "A-Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko. "Lilinisan ang sugat mo. Baka kasi ma-impeksyon." Dahan dahan niya itong idinampi sa pisngi ko. Nakita ko ang sugat niya sa baraso. Bakit inuna nya pa ako bago ang kanyang sarili?

"D-Da---" Di ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan. May dalwang lalaki na may dalang pagkain at damit.

"Oh..eto. Kumain kayo't magbihis." Lumabas na ang dalawang lalaki. "Gutom ka na ba?" Tinanong ko ang dalaga. "H-hindi pa. Ikaw ba princess Dorothy?" Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

"K-Kaunti...uhmm...A-Ano nga pala ang pangalan mo?" Ngumiti ang dalaga. "Ako nga pala si Althea Leñor. Tawagin mo na lang akong Althea." Nanlaki ang mga mata ko. Baka siya nga ang totoong Althea! T-teka baka kapangalan lang niya. Baka...hindi siya toh. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang pinggan na may kanin at...uhm..a-ano toh.

Napansin niya ata ang aking pagtataka. "Ah..ngayon ka lang ba nakakita niyan?" Tumango ako. "Iyan ay Adobong manok. Masarap iyan, tikman mo." Tumabi siya sa akin. "S-sige."

Kumuha ako ng kutsara at sumandok. Inamoy ko muna ito. Mabango ito at kaakit-akit talagang kainin kaya isinubo ko kaagad ito. "Mhmmm....Ang sarap!" Nakita ko siyang ngumiti. "Di ba? Ang sarap." Tumango ako't sumubo pa.

ALTHEA's P.O.V
Di ako makapaniwala na ngayon lang nakakain ng adobong manok ang prinsesa. Sabagay....prinsesa naman siya't madalang lang ang pagkaing pinoy na nakakain niya.

"Uhmm....princess..magbibihis lang ako sa banyo. Magbihis na rin po kayo. Mukhang mainit po kasi ang damit nyo." Ngumiti lang ang prinsesa at tumango.

Pumasok na ako sa banyo. Nagulat ako nang makita ko ang damit. Panlalaki ito. Sanay naman ako magsuot ng damit ng panlalaki dahil ang kasama ko sa bahay ay mga lalaki. Minsan napagkakamalan akong lalaki sa daanan. 

"Hay..naku...naman." Napahinga na lang ako ng malalim at isinuot ang damit. Nang binuksan ko na ang pintuan, nakita ko ang prinsesa na walang pang-itaas. Nanlaki ang mata ko't biglang uminit ang mukha.

*BLAG!* "Althea?" Napahawak ako sa aking puso na malakas ang tibok. Pinagpapawisan na rin ako. Ngayon lang ako nakakita ng ibang katawan ng babae. Puro lalaki kasi...ang kasama.......ko...maliban sa isang babae na nakasama ko din sa bahay kaso...madalang lang siya doon.

"A-Althea ayos ka lang ba dyan?" Binuksan ko na ang pintuan at ngumiti sa prinsesa. "O-Opo." Napansin ko na nakatitig siya sa akin. "Parang hindi eh. May dugo ka sa ilong." Hinawakan ko ang ilong ko. May nahawakan akong basa. Tumingin ako sa kamay ko at nakita ko ang kaunting bahid ng dugo.

"A-Althea?" Lumapit siya sa akin at may dalang twalya. "P-princess....uhmm.. wala lang ito." Mukhang hindi ko pa siya nakumbinse dahil dinampi niya sa ilong ko ang twalya. "Dorothy...Ah---este...princess. W-Wala lang toh. Ang sugat mo sa pisngi ang dapat natin bigyan ng pansin. " Tumingin siya sa baraso ko. "A----...uhmm.. paano iyan?" Hinawakan niya ang sugat ko.

"K-kaya ko naman ito. Mas maigi na linisan natin ang sugat mo." Ang sabi ng prinsesa. Napatango na lang ako't sumunod sa kanya. Nang idinampi na nita ang twalya. Parang napaso kong hinigit ang baraso ko. "Althea!?"

Kinuha ni Dorothy ang baraso ko at malakas na idinampi ang twalya. "A-Aray!" Kinurot niya ang tenga ko. "Tiisin mo na lang." Nanahimik na lang ako at sinunod ang prinsesa.

------

"Ayan tapos na." Ibinalot na niya ang twalya sa sugat ko na agad ko naman tinabunan ng manggas na hanggang siko. "S-salamat. Yung sugat mo nga pala?" Tiningnan ko ang mukha niya. "Hindi na mahapdi. Salamat ha." Ngumiti ang prinsesa at humikab.

"Mukhang inaantok ka na." Umiling siya. "H-hindi pa...*yawns*" Napangiti ako. "Hehehe...baka masira ang iyong kagandahang taglay. Matulog ka na." Ngumiti si Dorothy at humiga sa kama.

"Goodnight..." Ang sabi nito sabay pikit ng mata. "Goodnight...princess."
Napangiti na naman ako. 'Kay gandang dilag----t-teka ano tong iniisip ko?' Bigla akong namula. Tumayo na ako at pumunta sa may bintana.

May nakita akong isang pigura sa ilalim ng puno. Nakita ko ang dilaw nitong mata na agad-agad ko namang nakilala. Si Freddy.

"Psst! Freddy!" Pabulong kong tawag sa kanya. Nakita kong tumayo si Freddy at lumapit sa akin. "A-Ano na? Tatakas na ba kayo?" Tanong nito. Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Dorothy. "Mukhang kailangan ko pang makahanap ng tyempo. Hintayin mo na lang ang sipol ko." Tumango ang pegasus. "Sige...bukas na lang." Sabi ni Freddy.

Ngumiti ako at tumango. Naglakad na ako pabalik sa kama. Mahimbing na ang tulog ni Dorothy at..uhm..nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Humiga na ako sa kama. Nang makahiga na ako. May naramdaman akong bigat sa tyan ko. Tiningnan ko kung ano iyon at laking gulat ko nang makita ang kamay ni Dorothy. "P-putik." Bulong ko. Umiinit na ang mukha ko.

Siguradong magagalit ang prinsesa kapag ginulo ko siya kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.

Siguradong magagalit ang prinsesa kapag ginulo ko siya kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon