Act 11

174 13 0
                                    

The Real Bodyguard

DOROTHY's P.O.V.
Gabi na ngayon.
Nagising ako na nasa kwarto at naka higa sa kama. Nakita ko sina Jella,Hannah, at mama sa tabi ng kama ko. Ang mga mukha nilang may bahid ng pag-alala at ligaya nang iminulat ko ang aking mga mata.

"Dorothy! Anak." Niyakap ako ni mama. "Kamusta na? Hindi na ba masakit?" Tanong nito at bumitaw sa pagkakayakap. "K-kunti na lang m-ma." Nagsinungaling ako. Mahapdi parin ang sugat ko sa baraso. Bahagya akong ngumiti para makita nila na ayos lang ako.

"Si papa?" Tanong ko kay mama. "Kinaka-usap niya ang iyong guardia." Nakangiting sabi ni Mama. "Si Althea? W-Wait! N-nasaan siya? Uhmm...K-kamusta siya? Hindi ba siya nasakta---" Napatigil ako nang mapansin ko na masyadong marami ata ang aking mga tanong. "Magpahinga ka muna at ikukuha kita ng pagkain. Nakangiting sabi ng reyna at lumabas ng kwarto.

Biglang napangiti sina Jella.
"Althea ba ang pangalan ng babaeng matangkad?" Tumango ako."Well...Siya ang nagdala sayo dito sa kwarto. Kitang-kita ko nga sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Nang maihatid ka na niya dito at inilapag sa kama. Tumingin siya sa amin at sinabing 'Alagaan niyo sya.' Tapos naglakad na siya papunta sa pinto. Pero bago pa man siya lumabas. Tiningnan ka muna niya ng matagal at lumabas." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman ko iyon. Tumili sina Jella. At parang mababasag ang aking tenga.

"May sugat siya sa may baywang. Daplis lang naman ito at ginamot na iyon ng kasambahay na nagngangalang Ashley." Sabi ni Hannah. Napahinga ako ng malalim at gumaan ang aking pakiramdam nang marinig kong ginamot na siya. "At....Alam mo ba? Ang gwapo nung sundalo na may salamin na kasama ni...Ale---.
Teka lang ano nga ulit ang pangalan nung babae?" Napahimas-himas si Jella sa kanyang baba.

"Althea" Natawa ako sa kanya.
"Ah..Althea pala." Napakamot siya sa ulo. "Ikaw talaga Jella. Ang bilis mo makalimot." Sabi ni Hannah. Bigla na lang kaming natawa.

"Oh..Dorothy. Ito na ang pagkain. Kumain ka para lumakas ka." Nakangiting sabi ni Mama at inilapag sa lamesa ang aking pagkain. "Oh sige na Dorothy. Kailangan na naming umuwi." Yumakap sa akin ang magkapatid. "Sige mag-ingat kayo ha." Tumango sila at nagpaalam.

Naiwan kaming dalawa ni mama sa loob. "Ma?" Tumingin siya sa akin. "Nasaan po si Papa at si Althea?" Tanong ko sa kanya. "Nasa may fountain sila anak. Oh siya..kumain ka na't matulog. Para malakas ka bukas." Ngumiti ako at tumango. Hinalikan niya muna ang noo ko, saka nagpaalam at lumabas.

Napahawak ako sa baraso ko. "Tek.. ang sakit." Ang hapdi parin nito at nagdurugo.

Naisipan ko munang maglakad at hindi muna kumain. Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin. Kanina kasi puro usok.
Gusto ko rin masilip kung ano ang ginagawa ni papa at Althea sa hardin. Kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Nakarating na ako sa hardin. Nandun si Althea at ang hari. Nakatayo ng tuwid si Althea at parang may sinasabi sa kanya si ama. Lumapit ako ng kaunti at nagtago sa isang poste para hindi nila ako makita.

"Salamat Althea. Dahil sayo nahuli natin ang may pakana ng pag-atake sa ating palasyo." Nakangiting sabi ni papa. "Ginawa ko lang po iyon para maprotektahan kayo at...ang anak niyo." Nagulat ako sa kakaibang pintig ng puso ko. Bigla na lang itong bumilis nang sabihin ni Althea ang mga salitang iyon. Umupo ang hari sa upuan.

"Kasalanan ko itong lahat. Dapat hindi ko siya pinagkatiwalaan. Noong una ko palang siyang nakita at naka-usap, may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Ang pakiramdam na iyon ay dapat hindi ko ipinagpaliban. Kasalanan ko ito. Maraming nasugatan at kasama na doon ang aking anak." Umupo si Althea sa tabi ng hari at tinapik tapik ang balikat nito. "Wala po kayong kasalanan. Lahat naman po ng tao nagkakamali,diba?" Tumingin sa kanya si papa. "Napakabait na bata. Bagay ka nga maging guardia sa aking minamahal na anak. Matanong ko lang. Ikaw ba ang bumaril sa rebelde kanina?"
Tumango si Althea at ngumiti.

"Aba'y..magaling ka. Napakagaling." Tumayo ang hari at tumayo na rin si Althea. "Binabasbasan kita. Ikaw na ang magiging guardia ng anak ko. Ipangako mong poprotektahan mo siya, gagabayan at iingatan."
Tumango si Althea at inilagay ang kanyang kamay sa kaliwa niyang dibdib.

"Pangako!" Ngumiti ang hari at hinawakan ang ulo ni Althea. "Sige...bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga." Ngumiti si Althea at nagbigay galang bago umalis.

Napakasaya ko ngayon. Si Althea ang aking guardia. Makakasama ko na siya araw-araw. Kahit saan man. Nasasabik na ako para bukas. Iyong ang unang araw ni Althea.

Umalis na si Ama at malapit narin si Althea sa akin. Sa tingin ko, kailangan ko nang magpakita.

"P-Princess?" Nagulat si Althea ng bigla akong lumabas. "A-Ano pong ginagawa niyo dito? Hindi na po ba masakit ang sugat niyo? Nakakain na po ba kayo?" Sunod sunod nitong tanong. Napangiti ako at humawak sa kanyang baraso.

"Ihatid mo na lang ako sa kwarto ko." Nakangiti kong sabi. Tumango siya at napansin ko rin na namumula siya.

"Magpahinga po kayo princess para malakas po kayo bukas." Nasaharapan na kami ngayon ng kwarto ko. Binuksan ko na ang pintuan. "Good..night. Althea." Ngumiti lang siya. Sinarado ko na ang pintuan at nagtatatalon.

Iwinagayway ko ang aking dalwang baraso.
Di hadlang ang sugat ko. Napakasaya ko talaga. Tumalon ako sa kama at naglulundag.
'BALIW NA ATA AKO!' Sigaw ko sa isipan ko.

Kumain na ako ng aking hapunan at naglinis. Humiga na ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha, saka sumigaw ng "THANK YOU LORD!"

ALTHEA's P.O.V
Maaga akong nagising. Inayos ang higaan, naghilamos, at dumiretso sa kusina para magtinapay at kape.

'Panibagong umaga! Panibagong buhay!' Paulit-ulit na sabi ng isipan ko habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Natigil lang ito nang makarating na ako sa kusina.

"Magandang umaga!" Bati sa akin ng isang kulot na babae. Siya ata si Raciela. Ngumiti lang ako at kumuha ng kape at tinapay.

Naupo na ako. At nagsimula ng kumain. Biglang umupo sa harapan ko ang dalaga. "Hmm..." Tinititigan niya ako. Biglang uminit ang pisngi ko. "M-may d-dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya at ngumuti.

"Sabihin mo sa akin! May nangyari sayo na maganda diba? Bukod sa naging guardia ka na ng prinsesa. May----" Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Ashley.
"Raciela!" Si Raciela nga. "Bumalik ka na nga sa gawain mo." Napahingang malalim si Raciela at tumango. "Opo..."

Umupo si Ashley sa tabi ko at bumalik naman si Raciela sa kanyang gawain. Ang pagluluto ng ulam. 

"Ganyan talaga yan. Maingay na uwak." Bulong sa akin ni Ashley. "Ano iyon!?" Sigaw nito na nagpatindig ng balahibo ko.
"Wala...sinabi ko lang kay Althea na napakaganda mo." Inerapan niya lang kami. "Che! Gisingin nyo na nga lang ang prinsesa!" Bigla ako napangiti. Ang taray niya pala pero agaw pansin din ang kanyang kagandahan.

"Tara na nga!" Hinigit ako ni Ashley. "T-Teka lang! Yung kape ko." Tumingin sa akin si Ashley. "Oh...oo nga pala. Inumin mo na kapag hindi mo na naubos akin na lang." Nakangiti nitong sabi. Kinuha ko na ang kape ko at ininom ito. Naubos na ang kape. "Oh ayan tapos na! Lets go!" Sigaw ni Ashley at hinigit ako napakalakas nitong babaeng toh!

"T-Teka lang! Hindi pa ako nakakapagbihis!" Hindi niya ako nilingon. "Magbihis ka muna bago natin gisingin ang prinsesa." Sagot nito. Napakamot ako sa ulo. Oo nga noh...bakit hindi ko iyon inisip.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon