Act 24

107 7 0
                                    

New year disaster

Third person's P.O.V
Oras na ng umagahan at tulog parin si Dorothy. Hindi siya makatulog kagabi dahil sa halik ni Althea.

"Althea?" Ipinikit na ni Dorothy ang kanyang mga mata. Napangiti si Althea. Pinikit na niya ang kanyang mata at hinawakan ang pisngi ng prinsesa. Kasabay non ang pagdampi ng labi niya kay Dorothy. Ramdam na ramdam ng prinsesa ang init ng pagmamahal ni Althea sa halik na iyon. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa puso niyang nagwawala. Ramdam ni Althea ang malakas na pagtibok ng puso ng prinsesa.

Makalipas ang ilang minuto. Iminulat na nila ang kanilang mga mata. Sabay silang napangiti. "Mahal kita Dorothy..." Bulong ni Althea at niyakap ang prinsesa.

Hinawakan ni Althea ang kamay ng prinsesa. "Tara na. Ihahatid na kita sa kwarto mo." Napatango na lang ang prinsesa at tila nawalan ng dila. Lumabas na sila mula sa kwarto ni Althea at nagtungo sa katabi na kwarto, ang kwarto ni Dorothy. "Sige...goodnight." Naningkit ang mga mata ni Althea. Napangiti na lang ulit ang prinsesa. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapagsalita dahil sa tuwa at kilig. Binuksan na ni Dorothy ang pinto at pumasok. Bago pa man niya isarado ang pinto, lumingon muna siya kay Althea. Nanatiling nakangiti ang dalaga sa kanya. Napangiti na lang si Dorothy at sinarado ang pinto.

Napahawak sa tapat ng puso ang prinsesa at pinakalma ang pusong nagwawala.

----
"Uy!" Sigaw ng isang binata. Lumingon sa likod si Althea. "Oh..Brent ano yon?" Nakalapit na sa kanya si Brent. "T-Teka l-la-lang." Sabi nito habang hinahabol ang paghinga. Nang mahimasmasan na ang binata tumayo ito ng maayos. "Ano nga pala ang sasabihin ko? Hm... Ay! Ito! Sino yung babae na nasa isang bakanteng kwarto?" Tanong ni Brent. Natandaan ni Althea na dinala niya nga pala dito si Lilian para hindi na ito saktan ng ina. "Ah..yun ba? Uhm...siya yung kaibigan ko na nakita ko sa palengke. S-Sugatan siya at hindi siya ligtas sa labas kaya dito ko siya dinala." Napatango-tango na lang si Brent. "Alam mo ba Althea?" Lumingon ang dalaga kay Brent. "Hindi pa." Napa-ubo-ubo muna si Brent bago magsalita. "May nagugustuhan akong dilag." Nakangiting sabi ni Brent. Bumungisngis si Althea. May nagugustuhan narin ang binatang mainitin ang ulo. Nagagalak siyang malaman kung sinong babae ang tinutukoy nito.

"Sino naman ang iyong napupusuang iyan?" Tanong ni Althea. Umakbay siya kay Brent. Napakamot si Brent sa kanyang ulo. "Yung dalagang...bumibisita dito..yung...kasing tangkad ng prinsesa." Namula si Brent habang si Althea naman ay napanganga. Di siya makapaniwala. May pagtingin si Brent sa kasintahan ni Michael...na si Jella.

"M-Masaya ako para sayo!" Na-utal na sabi ni Althea. Tila hindi napansin ni Brent na nautal si Althea dahil nakatitig si Brent sa bintana. Lumingon ang binata sa kay Althea at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Napangiti na lang si Althea.

"Sige...mamaya na lang! May gawain pa ako eh." Nakangiting sabi ni Brent at tumakbo palayo. Napahinga na lang ng malalim si Althea. Natandaan niyang...bibisitahin niya nga pala si Lilian.

ALTHEA's P.O.V
Nasa harapan na ako ng kwarto ni Lilian. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ng kaunti ang pinto. Sumilip ako sa loob. Nandoon ang dalaga, naka-upo at nakatitig sa bintana.

"Lilian?" Lumingon ang dalaga sa akin. Ngumiti ang dalaga. "Pasok." Alok nito. Tumango ako at pumasok. Sinarado ko na ang pintuan at lumapit sa kanya. "Kamusta na ang iyong kalagayan?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin. "A-Ayos lang a-ako." Sagot nito sa tanong ko. Napansin kong parang namumula siya. Hinawakan ko ang noo niya dahilan para mas lalo pa siyang mamula. "Sigurado ka ba?" Tanong ko ulit. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata at tumango. "Ok." Tipid kong sabi.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon