Feelings
ALTHEA's P.O.V
Naka-upo kami ngayon ni Dorothy sa ilalim ng puno. Bahagyang humahangin. Sumayaw ang mga dahon at damo. Tahimik lang kaming dalawa habang nilalasap ang masarap na hangin."Althea?" Tinawag ako ni Dorothy. "Hmm." Tumingin ako sa kanya. "Uhmmm....kasi..."
Bigla siyang namula. "M-masaya ako nang makita kang muli. Sa loob ng pitong taon, napuno ng poot at lungkot ang puso ko." Tumingin siya sa akin at ngumiti."Noong araw na nasusunog ang aming tahanan, iniligtas mo ako. Pinahanap ko ikaw sa ibang mga sundalo pero ang sabi nila wala daw. Biglang nanghina ang tuhod ko at nawalan ako ng malay." Tumingin siya sa langit.
"Alam kong impossible ka ng mahanap pero umaasa parin akong mahanap ka, patay man o buhay. Ilang beses na akong nagpasama sa mga ibang kasambahay para puntahan ang nasunog na palasyo pero hindi parin kita nakita. Naisipan ko namang pumunta sa bayan ng Gaias kung saan tayo madalas maglaro. Binabalikan ko din ang puno na ito, magbabakasakaling nandito ka ngunit wala ka pa rin.
Lumipas ang ilan taon. Napagod na ako kakahanap sa iyo. Iniisip ko na lang na isang araw ay darating ka rin, darating ka rin." Sumandal siya sa balikat ko."Noong araw ng kaarawan ko, humiling ako sa isang malaking bituin na sana'y makita kita sa aking kaarawan at hindi ako nabigo.
Dumating ka, dumating ka sa kaarawan ko. Kala ko hindi ikaw pero sa galaw mo palang ay nahahalata ko na ikaw. Kasi alam ko na hindi ka sanay magdamit ng mga palda." Napatawa siya."Noong naging guardia kita. Labis ang saya ko ng malaman ko iyon." Napangiti ako sa sinabi niya. "Nawawala ang lahat ng lungkot ko kapag nakikita kitang ngumiti." Hinawakan niya ang kamay ko. "Napakasaya ko talaga ng makita kitang muli."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin."Ikaw Althea? Anong nangyari sayo noong nagdaang pitong taon? Paano ka nakaligtas sa apoy?" Sunod-sunod nitong tanong. "Ako?...uhmm."
Napakamot ako sa ulo para matandaan ang nakaraan."Noong hindi ako makalabas sa palasyo. Naghanap ako ng ibang daan pero napansin ko na may tumutulong dugo mula sa balikat ko. Nabaril na pala ako.
Nanghina na ako pero hindi ako nawalan ng pag-asa humanap ako ng ibang lagusan para makita ka. Ngunit bigla na lang akong natumba at nanghina."
Tumingin ako kay Freddy na tulog na."Noong nasa binggit na ng kamatayan ang buhay ko. May lumigtas sa akin, kala ko ikaw pero iba pala. Natatandaan mo ba noong nasa bayan tayo ng Gaias? Yung babaeng kahel ang mata na kakwentuhan ko. Siya ang nagligtas sa akin."
Nanlaki ang mata ni Dorothy."Si Reychelle?" Tanong ni Dorothy. Tumango naman ako.
"Nang maligtas na niya ako. Dinala niya ako sa isang bahay. Kung saan nakilala ko sina Brent, Michael at Jan. Ang tatlong sundalo na nahikayat ng iyong ama." Ngumiti naman ang prinsesa. "Naging mabait sila sa akin at tinuring narin nila akong pamilya. " Tumingin ako kay Dorothy. "T-Teka lang, Althea. Ibig sabihin...si Reychelle ang mas importante kaysa sa akin?" Itinaas ko ang isa kong kilay. "Bakit naman?" Umiwas siya ng tingin sa akin.
"D-Dahil...siya ang nagligtas sayo tapos---" Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita. "Oo iniligtas nya nga ako. Pero ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Ikaw lang....at wala ng iba." Nakita kong namula si Dorothy. "Paano naman ang mga kaibigan mo?" Tanong nito. "Pangalwa." Tumingin siya sa akin. "Pwede ko na bang ituloy ang kwento ko?" Tumango lang si Dorothy at sumandal sa balikat ko."Alam mo, gabi-gabi na lang akong nananaginip. Ang babaeng nasa panaginip ko ay ikaw. Lahat ng alaala natin ay napapanaginipan ko. " Huminga ako ng malalim. "Noong gabi, bago ang kaarawan mo. Humiling ako sa panginoon na sana makita ko na ang babaeng napapanaginipan ko gabi-gabi.
Dumating ang araw ng kaarawan mo, nakita kita.
Di ko alam kung kilala mo ako.
Pero noong lumapit ako sayo at binati ka, tinanong mo ako kung nagkita na ba tayo. Naisip ko na wag na lang sabihin kasi baka mabigla ka. Kaya nagsinungaling na lang ako."
Tumayo na ako.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historical Fiction《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...