Act 23

112 8 0
                                    

Warm Christmas with you

DOROTHY's P.O.V
Humarap ako kay Althea na nasa likod ko. "A-Althea! K-kanina ka pa ba dyan?" Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong makita niya akong namumula. "Oo...kanina pa ako." Sagot nito. Bigla akong napatingin sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Oo nga pala...pwede ka ba mamayang gabi?" Tanong niya sa akin. Napatango ako at napatitig sa kanya. Hindi siya naka-uniporme kaya makikita ang magandang hubog ng katawan niya. May pagkalaki ang kanyang mga bisig dahil ata sa kanilang pag-eehersisiyo tuwing umaga. Nagmumukhang lalaki lang si Althea dahil sa uniporme niyang luwag.

Tiningnan ko siya mula sa itaas hanggang sa ibaba. Higit na mas matangkad siya sa akin. May pagkakulot ng kaunti ang buhok niya at yon ang bagay na gusto ko sa kanya. Di lang yon ang gusto ko sa kanya, mabait at magalang siya. Bumabagay din ang kwintas niya sa kanya. "Princess?" Napatingin ako sa kanya at tumitig sa kanyang berde na mga mata. Kapag tumititig sa akin si Althea parang natutunaw ako...mas lalo na kapag ngumiti siya, kyahh!!

"Princess?" Tawag ulit niya sa akin at iwinagayway ang kanyang kamay sa harap ko. "M-May sakit ka ba princess?" Lumapit siya sa akin at idinikit ang noo sa noo ko dahilan para mamula ako ng sobra. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi. "Mukhang---" Di natapos ni Althea ang sasabihin niya dahil tumakbo ako papunta sa kwarto ko't sinarado ang pinto. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakalma ko ang puso kong nagwawala.

Nakarinig ako ng katok. Dali-dali akong tumayo at binuksan ito. Tumumbad sa harap ko si Althea na nakasimangot. Napalunok ako dahil sa talim ng titig nito. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil berde parin ang mga mata niya at hindi pula.
Huminga ng malalim si Althea at ngumiti. "Maaari ba akong pumasok?" Mahinahon na sabi nito. Napatango na lang ako at hindi makapagsalita.

Sinundan ko siya ng tingin. Perpektong perpekto ang mga paggalaw ng katawan niya. Ang buhok niya na sumasabay kada yapak. Ang tunog ng sapatos niya habang naglalakad. Perpektong perpekto. Lumingon siya sa akin. Ang ilang mga hibla ng buhok ay sumabay sa pag-ikot nito. Jusko po! Anong nangyayari sa akin?!

"Dorothy?" Ang boses niya ay mababa at pawang namamaos. Natauhan ako at umiwas ng tingin. Sinarado ko na ang pinto at lumapit sa kanya. "Pasensya ka na kanina. Hindi ko nasagot ang tanong mo." Umiling siya. "Ayos lang yon. Naisip ko na baka masama lang ang pakiramdam mo kaya hindi mo nasagot ang aking tanong." Ngumiti ako. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil mukhang hindi niya napansin na nakasilip ako sa kanyang kwarto.

"H-hindi masama ang pakiramdam ko...ah kase...natandaan ko kas----" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Althea ang kamay ko. Ang init ng kanyang kamay. Tumingala ako sa kanya. Nakangiti siya "Kung hindi masama ang pakiramdam mo, ibig sabihin pwede ka mamayang gabi?" Ngumiti ako at tumango. "T-Talaga? Salamat." Niyakap niya ako. Parang natunaw ang puso ko nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Niyakap ko siya pabalik at ipinikit ang mata.

"P-Princess?" Minulat ko na ang aking mata. Nakabitaw na si Althea sa pagkakayakap samantalang ako naman ay nakayakap parin sa kanya. "A-A-Ah....Pasensya na." Aalisin ko na sana ang aking kamay sa kanyang likod nang hawakan niya ang likod ko at niyakap ng mahigpit. Ilang minuto kaming ganon. Nagpapakiramdaman. Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya. Rinig niya rin ba sa akin?

Bumitaw na siya. Naalala ko nga pala ang kanyang regalo ko sa kanya. "T-Teka lang...wag ka munang umalis." Napatango si Althea. Dali-dali akong pumunta sa aparador at kinuha ang isang malaking kahon. Nahirapan akong buhatin ito kaya hinila ko na lang. "A-Ano iyan?" Tanong nito. Ngumiti ako at nagpunas ng kaunting pawis. "R-Regalo ko para sayo." Nanlaki ang mga mata nito. Gumuhit ang isang malaking ngiti mula sa kanyang labi. Lumapit siya sa kahon at binuksan ito. May mga lapis at mga ilang kagamitan pa para sa pangguhit ang nasaloob. Mas lalong lumaki ang kanyang mga ngiti. "Salamat, Dorothy!" Niyakap niya ako. Dahil sa kanyang saya nabuhat niya ako. Nagulat ako, di ko aakalaing kaya pala ako ni Althea. Iminulat na ni Althea ang kanyang mga mata. "Ah-Ah....P-Pasensya na. D-Di ko sinasadya." Ibinaba na niya ako. Palihim na lang akong natawa. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa kahon.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon