The Diary
ALTHEA's P.O.V
Binuklat-buklat ko pa ang nga pahina. Puro espanyol ang nilalaman nito. Walang naka-sulat na pangalan dito at wala ring nakalagay kung kailan niya ito isinulat.Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tuyong gumamela na nakadikit sa papel. Binasa ko naman ang nakasulat sa baba nito. "Un gumamela para usted mi amor. (A gumamela for you my love)" Napatingin ako sa gumamela na kulay lila(violet).
Sinara ko na ang taalarawan at inilagay ito sa katabi ng aking higaan. May nararamdaman talaga akong kakaiba sa taalarawan na iyon.
(=o=)
DOROTHY's P.O.V
Nagtungo muna ako sa hardin para pumitas ng gumamela. Ang pinaka-paborito ko sa lahat ay lila. Ang kwarto ko ay kulay lila pati kama. May mga ibong lumilipad na dumapo sa aking daliri. "Magandang umaga." Nakangiti kong sabi. Nagsi-awitan ang mga ibon. Napangiti na lang ako ng todo ng makita ko na masayang nagtatrabaho ang mga hardinero. Masaya silang nagkwekwentuhan habang ang iba naman ay nakangiti habang pinagmamasdan ang kanilang mga halaman.Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko.
Bago ako pumasok sa kwarto, napatingin ako sa pintuan ni Althea. Dahan-dahan akong lumapit dito at kumatok.Ilang beses na akong kumatok pero walang umimik. Binuksan ko na lang ang pintuan at dahang dahang pumasok sa loob. Naabutan kong tulog si Althea.
Mahimbing ang tulog niya at maaliwalas din ang mukha nito.Napansin ko ang lumang taalarawan na nasa tabi lamang ng kanyang kama. Hawak niya ito. Dahan-dahan kong kinuha yung diary at tinitigan ito. Bubuksan ko na sana ng biglang nagmulat ang mga mata ni Althea at biglang tumayo. "P-princess!
A-Ano po ang ginagawa niyo dito?" Napansin niya ata ang diary na hawak ko at nagpatingin tingin sa kaniyang paligid hanggang sa malaman niya na ang diary na hawak ko ay sa kanya."M-mahal na prinsesa. Yung taalarawan p-po?" Na-uutal nitong tanong. "A-.... Ito ba? Pasensya na kung pinake-alaman ko ang gamit mo." Inabot ko naman ang diary sa kanya. Nang magdikit ang aming daliri, may naramdaman akong kuryenteng lumibot sa aking katawan.
"A-Ayos lang iyon basta't hindi mo binuklat." Nakangiti nitong sabi habang nilagay niya ang lumang diary sa isang drawer.
"L-labas na ako. Mukhang nakaka-istorbo ata ako." Napa-iling naman si Althea at ngumiti sa akin. Nagbow siya sa akin bilang paggalang. Lumabas na ako ng pintuan at pumasok sa kwarto ko.
Napasandal na lang ako sa pinto at napahawak sa aking puso na malakas ang tibok. 'Ano itong nararamdaman ko? Nagdikit lang naman ang daliri namin, nagwawala na ang puso ko?'
ALTHEA's P.O.V
'Bakit kaya siya pumasok dito? Ano kaya ang pakay niya?' Napakamot na lang ako sa ulo ko't nag-ayos ng sarili. May pupuntahan mamaya ang mga magulang ni Dorothy sa isang malaking pagpupulong. Narinig ko lang kahapon sa usap-usapan ng ibang sundalo.Napatingin ako sa diary na nasa tabi ko. Marunong ako dati mag-espanyol pero nakalimutan ko na, sa tagal ko na nandito sa maliit na bansa na nagngangalang Apollious. Ito ay nasa Hilagang silangang bahagi ng Pilipinas.
Ang Apollious ay binubuo ng Limang lalawigan. May isang parte ng Apollious na puro kagubatan. At ang iba ay hindi 0a napupuntahan.
Ang Kromsen,kung saan kami nakatira nina Brent noong hindi pa kami naging mga sundalo, tinawag ding bayan ng musika ang Kromsen dahil dito nanggaling ang mga instrumento sa Apollious. Ang Herpo, kung saan maraming mga iba't ibang klase ng hayop. Ang Berdendo, kung saan maraming mga halaman. Ang Aguanto, kung saan pwede kang sumakay ng barko papunta sa Pilipinas o kaya sa iba pang bansa. Kadalasan ang mga naninirahan doon ay mga mangingisda. At ang huli, ang bayan ng Gaias. Ito ang sentro ng Apollious. Dito nakatayo ang palasyo nina Dorothy.
Sabi daw ng mga tao, ang totoo daw na palasyo ng mga Santiago ay nasa Kromsen. Tapos nasunog daw ito at lumipat sa isa pa nilang palasyo dito sa Gaias.
Ang mga karaniwang mga tao dito sa Apollious ay mga Espanyol, Amerikano, at mga Pilipino.
Ang pinakamababa ay mga Espanyol. Sumunod naman ang mga Pilipino at ang mga Amerikano naman ang may pinakamataas na tungkulin.
Katulad ni Haring Jasper ang ama ni Dorothy, siya ay isang Amerikano na ipinanganak na dito sa Apollious. Ang pakakasalan niya sana ay si Isabel na taga-Espanya pero umayaw siya't ang pinakasalan niya ay isang mayamang pamilya sa Pilipinas at ito ay si Rio na panganay sa magkakapatid sa. pamilyang Nicodemus.
Kilala ang pamilya ng Nicodemus sa kanilang malaking negosyo.
Di ko alam ang storya ng dalawa.
Sa tingin ko'y marami na silang pagsubok na dinaanan para lang maging silaTumayo na ako mula sa kama at dumiretso sa palikuran. Naligo ako't nagbihis. Napatingin ulit ako sa diary. "Saan ko ito itatago?"
Napatingin naman ako sa aparador. Binitbit ko na ang diary at inilagay ko ito sa loob ng aparador. Wala naman atang makiki-alam sa kwarto ko.Binuksan ko na ang pintuan at nagulat ako ng makita ko si Ryza na may hawak na bayong. "Ah.....uhmmm....sasama daw ang prinsesa sa akin. Mamamalengke ako ngayon para sa hapunan." Nagtaka naman ako. "Huh? P-pinayagan siyang lumabas?" Tanong ko kay Ryza. Tumango siya bilang sagot.
"Basta kasama ka." Napahinga naman ako ng malalim at tumango."Tara na?" Tanong ni Dorothy.
Nasa kalesa kami ngayon papunta sa bayan ng Gaias ang kapital ng Apollious. Mukhang sabik na sabik si Dorothy. "Manong ayos na po ang lahat. Pwede nyo na po patakbuhin ang kalesa." Sabi ni Ryza. Magkatabi kami ni Dorothy at si Ryza naman ay nasa harapan namin. Tumingin ako kay Dorothy. Ngumiti naman siya sa akin. May nararamdaman talaga akong masama."A-Althea ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Dorothy.
Malapit na kami sa bayan.
Maglilibot daw ang prinsesa sa bayan habang mamimili si Ryza para sa hapunan. "O-opo, mahal na prinsesa." Napatingin naman ako kay Ryza na nakapikit ngayon at nilalasap ang hangin. Tahimik lang siya't hindi masyadong maingay di katulad nina Ashley at Raciela."Nandito na tayo." Naka-idlip si Dorothy ng mga ilang minuto habang nasa byahe kami. Dati ay nililipad ko lang ito kasama si Freddy. Oo nga pala si Freddy ay nasa isang magandang stable, bilang pasasalamat. Binigyan din kami ng magagandang kagamitan para sa gera kung sakaling magkaroon pero sana walang mangyaring ganoon.
Ginising ko na ang prinsesa. "Huh?....nandito na tayo?"
Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.Tinulungan ko siyang bumaba sa kalesa. Napangiti ako nang sumilay sa mga labi ng prinsesa ang ngiti na gustong-gusto kong makita. "Mahal na prinsesa. Ako po'y mamamalengke na. Bumalik po kayo ng alas-tres ng hapon. Hihintayin na lang namin ang inyong pagbabalik sa kalesa. Magpakasaya po kayo."
Ngumiti si Ryza at umalis na.Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Ryza. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid kung may umaaligid na rebelde. Baka sakaling umatake sa amin.
Tumingin sa akin si Dorothy at ngumiti. Nginitian ko naman siya't nagsimula na kaming maglakad papunta sa plaza.
___________________________________
Well tungkol dun sa bansang Apollious at ang capital nitong Gaias ay mula sa pangalan na Apollo at Gaia yung mga greek gods at roman. Wala kasi akong ma-isip kaya kunting search at yun nakita ko ang dalawang pangalan na iyon. Tapos yung ibang mga pangalan, puro..kaek-ekan.Yung history, brought to you by Althea ay hindi totoo ha.
Tandaan ang istoryang ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may Akda.
Before that salamat nga pala sa pagbabasa nitong story!😄😄😶😀😁
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Fiksi Sejarah《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...