Act 31

81 7 0
                                    

Confession

ALTHEA's P.O.V
Nagulat ako nang makita ko ang reyna. "Oh...kamusta ka na?" Tanong niya at hinawakan ang aking mga kamay. "A-Ayos na po ako, salamat po sa pag-aalala."
Sabi ko at nagbow.
Umayos na ako ng tayo. "Pasok po kayo?" Aya ko sa kanya. Umiling ang reyna. "Balak ko sanang ayain ka papunta sa hardin para makalanghap ka ng sariwang hangin." Awtomatiko akong tumango at sumunod sa kanya. "Nakakalakad ka ba ng maayos o kailangan mo ng saklay?" Tanong nito, umiling ako at ngumiti. "H-Hindi na po..kaya ko pong maglakad, hindi naman po ako nabalian eh, sugat lang po sa beywang." Tumango siya at humakbang paatras para ako'y makalabas.

"Sabihin mo nga sa akin Leñor." Napalunok ako, baka may na laman siya tungkol sa amin ni Dorothy. "Bakit ba ang tangkad mo? Ano ang iyong sikreto?" Tanong nito. Napa-isip-isip ako ngunit walang pumasok sa utak ko. "H-Hindi ko po alam.." Sabi ko at ngumiti. Mas matangkad ako sa reyna, ang tangkad niya ay parang kasingtangkad lamang ni Ashley. Ngayon....alam ko na kung saan nagmana si Dorothy o...sadyang matangkad lang talaga ako.

Makalipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa hardin. May dalawang upuan na magkaharap at sa gitna nito ang isang maliit na mesa. Umupo ang reyna sa isang upuan. "Umupo ka." Ngumiti ang reyna at tinuro ang upuan sa tapat niya. Tumango ako at umupo sa harap niya. "Leñor...malapit na ang araw ng mga puso." Kinabahan ako. "Maaari mo bang sabihin sa akin..na.." Tumigil siya at nagpalingon lingon sa paligid. Tumingin ulit siya sa akin at huminga ng malalim. "Na...may gusto ka ba talaga kay Dorothy?" Nasamid ako ng sarili kong laway. "P-Po...uhm..p-pareho po kaming b-babae kaya paano kami---" Natigilan ako ng itaas ng reyna ang kamay niya. "Ang...pag-ibig ay hindi mapili Althea. Mapababae o mapalalaki man ang maging kasintahan mo. Ayos lang iyon, kaso lang...ang nagpipigil dito...ang mga tao sa paligid niyo. Pero...kung mahal niyo talaga ang isa't isa..hindi niyo hahayaan itong humadlang sa inyo, diba?" Sabi niya at kumindat. Napatango lang ako.

"Dati...nang malaman niyong dalawa ni Dorothy na ikakasal siya, kita ko sa inyong mga mata ang lungkot. Maslalo na kay Dorothy dahil ayaw niya kay Alejandro, kaya..napa-isip ako, sino ba ang gusto ng anak ko? Sino ang gusto niya na magpapasaya sa kanya?" Tumingin siya sa dalawang lilang gumamela na magkasamang tumutubo.

"Sino? Pero..nang malaman ni Dorothy na hindi siya ikakasal kay Alejandro, napakasaya niya, sobrang saya." Sabi ng reyna. Natandaan ko yung araw na iyon.
"Noong...nasugatan ka..hindi siya umalis sa tabi mo. Mahal ka ni Dorothy..hindi lang bilang kaibigan kundi bilang ka-ibigan. Nag-iba siya, simula ng dumating ka dito, naging masayahin siya, sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo, mamumula siya." Natawa ako ng kaunti.

"Noong nakaraang linggo..tinanong ko siya. Tanong ko sa kanya..'kung may gusto ka ba kay Leñor?' Bigla siyang namula at marahan na tumango. Syempre...nagulat ako nang una at inuga-uga siya. Tinanong ko ulit siya..'a-anak may lagnat ka ba? May gusto ka kay Leñor?' Tumingala siya sa'kin at yumakap sabay sabi nang 'mahal na mahal ko siya mama..'" Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko iyon.

Tumingin siya ulit sa akin. "Mahal mo ba si Dorothy?" Tanong nito sa akin. Namula ako at tinago ang mukha. "Leñor?" Huminga ako ng malalim at tumayo. "Opo..mahal ko po ang anak niyo. Mahal na mahal ko po siya." Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Ganun ba?" Tumango ako.

"A-Alam po ba ng hari?" Tanong ko. Umiling siya at tumawa ng marahan. "Wag kang mag-alala, hindi ito alam ng hari. Ako lang ang nakaka-alam." Ngumiti lang ako. Sakto namang dumating si Dorothy. "Althea!" Sigaw nito at yumakap sa akin. "Kala ko nawala ka na.." Sabi nito at siniksik ang sarili sa akin. Mukhang hindi niya napansin ang reyna. Narinig namin ang malumanay na tawa ng reyna dahilan para matauhan si Dorothy.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon