No conversation
ALTHEA's P.O.V
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Dorothy, since nung nakita ko si Reychelle sa bayan ng Gaias.Nagtatampo ba siya sa akin? May ginawa ba akong masama? Baka may nalaman siyang sikreto sa akin?!
"Hoy!!" May humawak sa balikat ko. "P*TA!" Napamura ako sa gulat. "A-Althea, k-kalma lang."
Napahinga ako ng malalim ng makita ko na si Raciela lang pala."Anong ginagawa mo dito?"
Napahimas siya sa kanyang batok. "Oras na ng pahinga namin kaya naisipan ko muna maglakad lakad." Tumingin naman ako sa kanya. "Iniisip mo si Princess Dorothy, ano?" Tanong niya. Tumango naman ako."Uhmm....may problema ba? Ilang araw ko na kasing nakikitang matamlay ang prinsesa." Tumingin ako sa langit. "Wag mong sabihin na ikaw ang may kasalanan kung bakit naging ganun ang prinsesa." Napailing naman ako.
Naramdaman ko siyang lumapit sa akin."Alam mo, sa tingin ko ikaw ang magpapagaan ng pakiramdam ng prinsesa." Tumingin ako sa kanya. "Paano mo naman iyan na sabi, Raciela?" Ngumiti siya sa akin. "Kasi mukhang matalik kayong magkaibigan. Sa mga ngiti niyo palang sa isa't isa, parang matagal na kayong magkakilala."
Tinapik-tapik niya ako sa balikat at umalis. Naiwan naman ako na maraming katanungan sa isipan.
"Siya ba talaga?"___________________________________
Third person's P.O.V
Lumipas ang isang linggo, hindi parin pinapansin ni Dorothy si Althea.Kaarawan ngayon ng kaibigan ni Dorothy na si Jella. Mamayang Alas kwatro(4:00) sila pupunta sa bahay ni Jella. Alas dos(2:00) pa lang ngayon at naghahanda ang prinsesa habang si Althea naman ay nakatulala sa kanyang balkonahe.
"Di parin niya ako pinapansin..." Napahinga ng malalim si Althea at nagtungo sa kanyang kama at kinuha ang diary. Binuklat niya ito, may napansin siyang punit na pahina ng Diary. Tiningnan tingnan niya ang mga ibang pahina.
Ang naunang pahina, ang petsa nito ay Pebrero 19, 1842 at ang nasa sumunod naman ay Pebrero 23, 1842.
Binasa ni Althea ang pahina na ang petsa ay Pebrero 19,1842.
"Mi amor, ya hace tiempo que me hablaba. Realmente deseo que puedo ver de nuevo. Mi amor por ti es para siempre.
Te amo. (My love, it's been a while since you talked to me.
I wish that I can see you again.
My love for you is forever. I love you)" Napakamot na lang si Althea sa ulo. Tanging 'Te amo' lang ang kanyang naiintindihan.Sunod namang binasa ni Althea ang pahina na may petsang Pebrero 23, 1842.
"Que me encontré, me encontré,
debajo de un árbol. Parace que la espera de alguien. Podría ser!? Es a mí? Comencé a caminar, pero veo a un hombre
Acercarse a usted y le abrazó.Mi corazón dolores, mis rodillas
están temblando. "Estoy demasiado tarde?" Le pedí a mi auto como yo te veía con otro hombre. (I found you, I found you, under a tree. Looks like your waiting for someone. Could it be!? Is it me? I started walking to you but I notice a man getting closer to you and hugged you.My heart aches, my knees trembling. "Am I too late?"
I asked myself as I watched you with another man)"
Napahinga ng malalim si Althea at sinarado ang taalarawan. 'Takte naman oh...dapat sinulat na lang niya ito sa lenggwaheng Filipino.'
Sabi ni Althea sa kanyang isipanTumayo't dumiretso sa aparador si Althea upang magbihis.
Si Dorothy naman ay inaayusan nina Ashley at Ryza. Si Raciela naman ay sasama sa prinsesa dahil utos ito ng hari. May dalawa ring sundalo ang kasama, swerte! Sina Brent at Michael ang makakasama para may kasama rin si Althea.
___________________________________
Alas kwatro na at tapos na ring mag-ayos ang prinsesa. Hinihintay ni Althea si Dorothy sa labas. Lumabas na si Dorothy at diretsong pumasok sa karwahe.
Di niya pinansin si Althea. Napahinga na lang si Althea ng malalim at pumasok sa karwahe.Magkasama silang dalawa sa isang kalesa at yung tatlo naman ay sa isang kalesa. Hindi makatingin ng diretso si Althea kay Dorothy, ganun din ang prinsesa.
"Althea" Tumingin naman si Althea kay Dorothy. "Dala mo ba yung regalo ko para kay Jella?" Nakaramdam ng saya si Althea nang marinig niya ang boses ni Dorothy.
Kinuha ni Althea ang isang box na katabi niya at ibinigay sa prinsesa. "H-heto po." Nauutal na sabi ni Althea.Inabot na ni Althea ang box. Kukuhain na sana ni Dorothy ang box nang biglang magdait ang kanilang dalire. "Uh...uhmmm...s-salamat."
Napaiwas naman ng tingin si Dorothy pero nanatili paring nakatitig si Althea sa kanya.Hindi kumibo si Althea at nakatitig parin kay Dorothy.
Mukhang napansin na ng prinsesa na kanina pa nakatitig ka sa kanya ang guardia niya."B-bakit ka nakatitig sa a-akin?"
Namumula na ngayon si Dorothy.
Natauhan si Althea at umiwas ng tingin. "W-wala p-po, mahal na prinsesa." Tumingin na lang si Althea sa bintana at pinagmasdan ang mga palayan. Magtatakip silim na at malapit na rin silang makarating sa kanilang destinasyon."P-princess Dorothy, nandito na po tayo." Naunang bumaba si Althea at inilahad ang kanyang palad para tulungan ang prinsesa.
Tinanggap naman nito ito at inilagay ng prinsesa ang palad niya sa kamay na nakatapat sa kanya.Nadulas ang prinsesa at nahulog kay Althea. Maigit hindi natumba ang dalawa dahil maayos ang pagkabalanse ni Althea.
Napakalapit na ng mukha ni Dorothy kay Althea. Biglang namula ang kanilang mga pisngi.
"A-Althea!? P-Princess!? A-Ano po ang nangyari." Napa-ayos naman ng tayo ang prinsesa at napa-ehem at diretsong lumakad papasok sa malaking bahay ng mga Bernabe.Naiwan naman si Althea na nakatulala at hindi makapaniwala sa nangyari.
Sa pangyayaring iyon, biglang nakaramdam si Althea ng kakaibang kiliti sa kanyang tyan at ang di malamang pintig ng puso niya.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Ficción histórica《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...