"Malapit na ang alas dose. Umuwi ka na. Baka kapag nawala ulit ang memorya mo ay magtaka ka kung bakit ka nandito," masuyong sabi ni Kevin kay Kiara. Paano ay grabe kung makakapit na ito sa kanya. Parang wala na itong balak bumitaw at umuwi.
Wala na. Wala na ang usapan nila na tatanggapin na lang nila kung ano ang mangyayari dahil ito na ang kapalaran nila, na pasalamat na lang nila at pinagbigyan ulit sila ng langit na magkasama kahit papaano. Mukhang sadya na kinalimutan na ni Kiara.
"Ayoko, Kevin." Mas hinigpitan pa ni Kiara ang pagkapit sa braso niya kaysa ang sundin siya.
"Ate Kiara, huwag kang mag-alala kahit bumalik ka na sa bago mong pagkatao ay hindi kami lalayo sa 'yo. Kayo pa rin ni Kuya Kevin anuman ang mangyari. Magtiwala ka sa amin, Ate," sabi rin ni Bubong. Nakabantay rin sila ni Teroy at kasama na si puting anghel na hindi nila nakikita.
Kiara didn't speak. Instead, she nestled closer to Kevin's chest. Ayaw na niya. Binabawi na niya ang usapan. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang mawalay pa kay Kevin.
Napailing na napapabuntong-hininga naman si Kevin. Hinagud-hagod niya ang likod ng nobya tapos ay napasulyap siya sa wall clock.
11:30 na ng gabi.
Kanina, nilibang nila si Kiara sa pamamasyal at ibinilhan ng cake. Pa-advance birthday nila rito dahil naisip nilang baka huling araw na na maaalala sila. Ngunit sa halip na maging masaya si Kiara, lumalim pa ang pangamba nito.
"I-check niyo muna ang mga baboy," utos ni Kevin sa dalawang tauhan upang makapagsarili sila ni Kiara. Muli niya itong kakausapin.
"Kiara, listen to me." Pinilit niyang inihiwalay ang sarili sa dalaga nang sinunod siya nina Teroy at Bubong. Hinawakan niya si Kiara sa magkabilang balikat at matamang tinitigan.
Kiara bit her lower lip. Lumuluha na naman at sisinghot-singhot na nagyuko ng ulo. Ayaw siyang tingnan.
"Makinig ka please at isapuso mo ang sasabihin ko," sumamo niya.
Dahan-dahan ay itinaas na nga nito ang tingin. Nanginginig ang mga labi habang patuloy sa pagtulo ang mga luha na pinakatitigan na siya.
"Kiara, I love you so much," panimula ni Kevin. "I've always been grateful for the precious moments we've shared in the past, and specially now of course. Masuwerte pa rin tayo dahil pinagbigyan tayo ng langit na magmahalan kahit saglit lang na oras o panahon. At sa dami na nating nalagpasan mula noong unang buhay mo, wala ka pa rin bang tiwala sa Diyos?" Ngumiti muna siya at masuyong pinunas ang mga luha ni Kiara bago nagpatuloy sa sinasabi. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Ipinapangako ko na kahit makalimutan mo ulit ako ay sisiguraduhin ko pa rin na tayo ang magkakatuluyan kahit na ano'ng mangyari. Susuyuin kita hangga't magawa mo akong mahalin ulit. Magtiwala ka lang sa akin, Kiara."
Sisinghot-singhot si Kiara nang mag-angat ito ng ulo. "Promise?"
"Promise."
Lalong rumagasa ang mga luha ng dalaga. At ito naman ang napasulyap sa wall clock.
11:37 na ng gabi.
Mas dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Kiara. Sa kakaiyak ay wala siyang masabi. Yumakap na lang siya ulit kay Kevin. Nagtitiwala naman siya, kaya lang...
Basta natatakot kasi siya. Sobra ang takot niya.
Hindi na rin nagsalita pa si Kevin. Ginantihan na lamang niya ng yakap ang dalaga.
Si puting anghel ang napapailing sa nangyayari sa dalawa. Panay rin ang palatak nito dahil parang pinahirapan pa nito ang damdamin ng dalawa sa ginawa nito. Dapat pala ay hindi na lang nito ibinalik ang memorya ni Kiara. Mas nasasaktan tuloy sila ngayon. Patawarin sana siya ng dalawa.
11:45 ng gabi.
Napapapikit na ng mga mata si Kiara at mas humihigpit pa ang yakap niya kay Kevin. Rumagasa na lalo ang mga luha niya.
"Kevin, no. Ayoko pala na makalimutan ka. Ayoko pala." Ang kanyang pag-iyak ay mas lalo pang tumindi.
Buong pagmamahal na halik sa noo ang itinugon ni Kevin.
"Kuya, may tao." Mayamaya ay sulpot ni Bubong sa may pinto. Nasa likod nito si Mang Ben.
Nagkatinginan sina Kevin at Mang Ben. Ang tingin ni Kevin ay tinging nagpapaunawa. Naluluha na rin siya. Nag-iigting ang mga panga niya, nagngingitngit ang mga ngipin niya kasi wala siyang magawa.
Tumango naman si Mang Ben para ipabatid sa binata na naiintindihan nito ang sitwasyon.
"Kiara," pagkuwan ay tawag nito sa anak. "Kiara, tatagan mo ang sarili mo. Hindi bale at tutupad kami sa pangako namin sa 'yo."
Narinig iyon ni Kiara, pero hindi niya pinansin ang kanyang ama.
11:50 ng gabi.
Kahit si Kevin ay napaluha na. Niyakap na rin niya si Kiara nang sobrang higpit. Isinubsob niya ang ulo niya sa balikat ni Kiara. Doon itinago ang mahihina niyang mga hikbi. Hindi na niya napigilan ang damdamin. Wala pa man ay sobrang nasasaktan na rin siya. Diyos ko, mahal na mahal niya ang babaeng ito.
"Kevin, mahal kita." Dahil sa mga singhot ni Kevin ay mas nag-iiyak pa si Kiara.
Napatungo na lamang ng ulo sina Bubong at Mang Ben. Si puting anghel ang siyang nagtaas ng tingin dahil nadadala na ito sa pag-iyak ng dalawa.
11:55 ng gabi.
"Kevin..." Namalisbis pa ang mga luha ni Kiara. Grabe na ang yakapan nila ni Kevin.
"Kiara, mas mahal kita," sabi rin ni Kevin na halos pabulong na.
12:00 AM.
Nagdikit na nga ang dalawang kamay ng orasan.
Debut na ni Kiara.
Sa isang iglap, tila ba nabuhusan ng malamig na tubig ang mainit na yakap ni Kiara kay Kevin. Naramdaman na ni Kevin ang pagluwag ng mga yakap nito. Nanghinang hinintay na lamang ang gagawin ni Kiara.
"Who the hell are you?! Bakit mo ako yakap?!" saglit ay piksi na nga ni Kiara sabay tayo. Diring-diri na itinulak na nito si Kevin nang marahas. Galit na galit din ang hitsura nito.
"Bastos ka! Pervert!" singhal pa ni Kiara kasabay ng malutong nitong pagsampal kay Kevin.
![](https://img.wattpad.com/cover/67145956-288-k297288.jpg)
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...