Chapter 1
-----
Warning: If you get uncomfortable with scenes wherein women get assaulted by men, when you see this: ###, proceed to the next chapter.
-----
"Condolence, iha."
Pangatlong araw.
"Starr, nakikiramay kami sayo."
Pangatlong araw na simula noong iwan ako nila Mama at Papa.
"Kayanin mo Starr. Magpakatatag ka."
Pangatlong araw na simula noong maulila ako nang tuluyan.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sina Mama at Papa na lang ang meron ako. Yes, meron akong Tito pero hindi kami close. Tsaka nasa Maynila sila, malayo dito sa amin sa Batangas. Saan na ako pupulutin nito?
"Starr." Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Si Tito Herbert na hindi ko naman talaga kadugo pero naging sobrang malapit sa pamilya namin. S'ya kasi ang business partner ni Papa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa puntod ng mga magulang ko. Bumuntong hininga si Tito Herbert. "Alam kong kakalibing lang ng mga magulang mo but you can't run away from this. Kailangan mong harapin ang responsibilidad bilang tagapag-mana ng negosyong ipinundar nila."
Tanging tango lang ang naisagot ko. Pakiramdam ko wala pa rin ako sa sarili kong tamang pag-iisip. Pakiramdam ko nananaginip ako. Panaginip na gustong gusto ko nang matigil.
Sa sobrang pagka-lutang ko siguro ay hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga nangyayari. Nakahiga ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame. Iniisa isa sa aking isip kung ano na ba ang mga nangyari sa buong araw na ito.
Pagkagising ko, gumayak ako para makipagkita sa abogado nina Papa. Pagkadating ko sa meeting place, nandoon na si Tito Herbert at ang asawa n'ya. Kinumbinsi nila ako na pirmahan ang mga dokumentong dala ng abogado. Sinabi nila na authorozation documents daw ang mga iyon na nagpapatunay na sila muna ang pwedeng mamahala sa negosyo nila Papa hangga't wala pa ako sa tamang edad. Hindi ako tanga. Alam kong kapag pumirma ako, tuluyan na akong mawawalan ng karapatan sa maliit na negosyo ng mga magulang ko. Pero pumirma na lang ako. Kasi, totoo naman. What can a nineteen year old girl like me do? Ako na walang alam sa negosyo. Kahit ang program ko sa college ay wala namang kinalaman sa negosyo. Malulugi lang sa pamamahala ko ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Kaya mas ayos na iyong iba ang namamahala. At least, hindi masasayang.
Pero hindi pala iyon ganoon kadali. Kasabay ng pagkawala ng kontrol ko sa negosyo ang pagka-ubos ng perang naiwan sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko na kayang bayaran lahat ng expenses noong bahay, kaya kinuha ito ng bangko. Hindi na ako makapag-bayad sa school, kaya kinailangan kong huminto. I was literally left with nothing but myself.
That was three years ago.
Ngayon, sa bahay na ng tiyo at tiya ako nakatira. Kapatid ng Mama ko si tiyo Jaime. Siya lang ang nag-iisang kamag-anak ni Mama na kilala ko, kaya sa kanila ako pumunta. Fortunately naman ay kinupkop nila ako. Pero may kapalit.
Letse. Wala na talagang libre sa panahon na 'to. Panahon ng mga mandurugas.
"Starr!"
"Po?!" Sigaw kong sagot sa pag-tawag ng aking tiya. Sumagot na ako kaagad kasi baka maputulan pa ng litid itong tiya ko sa kakatawag sa akin. Ganyan 'yan, eh. Kahit magkalapit lang naman kami kung maka-tawag akala mo nasa Batangas pa rin ako.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...