Chapter 24
-----
Hindi kami maka-alis ni Kal sa emergency exit. I was still crying intensely. Siya iyong umalo sa akin hanggang sa makahinga na ako ulit ng maayos at hanggang sa tumigil sa pagtulo iyong mga luha ko. He was here, hugging me until I calmed down completely.
"Are you feeling better?" Tanong ni Kal bago niya inagaw sa akin iyong panyo niya na ginagamit ko para punasan iyong mga naiwang luha sa pisngi ko. Suminghot ako bago tumango.
"Thank you." Mahinang sabi ko. My voice was hoarse from all the crying that I did.
Kal bit the insides of his cheeks. Nagmukha siyang squirrel pero imbis na matawa ako sa kanya ay napasinok ako. Seryoso pa rin ang facial expression ni Kal pero imbis na galit ay frustration na ang ipinapakita niya. Tinanggal niya sa pagkaka-tiklop ang puti niyang panyo bago niya ulit iyon itinupi pabaliktad para iyong kabilang side naman ang nasa labas. Ibinigay niya iyon sa akin bago siya bumuntong hininga at tumingin sa harapan. Sinuklay niya iyong buhok niyang humahaba na paatras gamit iyong kamay niya bago niya iyon pinagsiklop sa isa niya pang kamay. He then rested his elbows on his thighs, his legs parted a bit.
"I'm sorry, Starr." He said breathily. Puno ng sincerity at pagsisisi ang pagkakasabi niya noon na parang tinutunaw iyong puso ko. Katulad na lang noong mga unang beses na pinangunahan niya akong mag-desisyon para sa sarili ko. I knew Kal didn't want to do that. Kal was a man of many good principles. Ayaw na ayaw niyang nababali ang mga iyon. Isa na doon ang respeto para sa kapwa. Pero sa hindi malamang dahilan, nagagawa niya.
Kal was confused and obviously regretting everything that he did. Doon ay medyo naiintindihan ko siya. Parehas lang kami na nadala ng mga emosyon namin. Siya ng galit, ako ng takot.
Alam ko kung anong kinakatakot ko pero malaking tanong pa rin talaga sa akin kung ano ba iyong kinakagalit niya.
And I thought I would literally die from all the confusions. I need answers. And I need them now.
"Bakit ka ba kasi galit na galit?" Hindi na mapigilang tanong ko. Humihikbi pa ako nang paunti unti dahil hindi pa rin talaga maayos iyong paghinga ko. "Bakit parang may nagawa ako? Ano bang kasalanan ko?"
Kal's gaze softened. He, again, wiped my tears using his thumb. Marahan ang pagpunas niya kaya ramdam na ramdam ko doon ang pagiging maalaga ni Kal.
Bumuntong hininga si Kal matapos niyang punasan ang magkabilang pisngi ko. He then avoided looking at my face. Napatungo siya at inilagay sa batok niya iyong mga kamay niya. It was as if he's contemplating about what to say.
"Hindi ko rin alam, sa totoo lang." Mahinang sabi ni Kal. Ito na naman. Hindi na naman malinaw ang sagot. Ayoko nang ganyan. I need real answers.
"'Wag ka nang magpaligoy ligoy!" Pati ako ay nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Naiinis na rin kasi ako. Dahil diyan sa pagiging hindi niya sigurado kaya mas naguguluhan ako! Gumagawa siya ng mga bagay na madali ko lang ma-misinterpret na sana ay kaya niya namang itama iyong maling naiisip ko pero hindi niya rin magawa kasi hindi rin siya sigurado.
Bahagyang nanlaki iyong mga mata ni Kal habang naguguluhang nakatingin sa akin.
"Did you just shout at me?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Yes! I did! Sinigawan kita! Sinigawan mo rin naman ako kanina at tinakot mo ako!" Sa hindi malamang dahilan ay lumakas ang loob ko na sigaw sigawan siya. Ito na iyong pagkakataon kong ilabas lahat. Lahat lahat. Pati ang tingin ko sa kanya ay matalim na rin. Umawang ang labi ni Kal.
"Starr... I-- I said I'm sorry. Fuck I am sorry---"
"Hindi ko kailangan iyang mga sorry mo, Kal!" Sa puntong ito ay ramdam ko na naman ang pag-uunahan ng mga luha sa pagbagsak galing sa mga tear ducts ko. Magulo kasi, eh. Sobrang gulo na. Gusto ko lang naman ayusin. Gusto ko lang malinawan. Para hindi na ako magta-tanong nang magta-tanong kung bakit ba siya ganyan. Ipinaliwanag niya na iyon sa akin sa isla dati. Pero hindi na ako kuntento doon sa paliwanag niya, eh. Kasi pakiramdam ko meron pa siyang hindi nasasabi. Pakiramdam ko meron pa akong dapat malaman para mas maintindihan ko siya. I need to know that now para sa ikatatahimik ng kaluluwa sa loob ko. "Rason mo ang kailangan ko! Isang solid at concrete na sagot lang naman, eh. Bakit ipinagdadamot mo pa?"
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanficHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...