Chapter 17

5.2K 212 46
                                    

Chapter 17

-----

"Ano bang motif ang gusto mo?" Tanong ni Kal. Kanina pa kaming dalawa nagpa-plano ng 'kasal' daw namin. Kung magpo-propose raw kasi si Asher ano mang araw simula ngayon, paniguradong magsisimula na rin daw ang wedding preparations kahit wala pa naman daw date ang kasal. "H'wag black, ah."

Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi ni Kal. Sumunod din siyang tumawa bago mahinang pinalo iyong hita ko. Kal and I were talking comfortably. Nakahiga ako sa sofa habang nakaupo naman siya. Nakapatong iyong mga paa ko sa kandungan niya at maya't maya niyang minamasahe iyong kaliwang hita ko kung nasaan iyong cast.

I can really get used to this. Iyong nag-uusap lang kami. Magaan lang. Parang walang mali. Parang walang problema.

"Bakit naman black? Kasal tapos black?" Tanong ko. "Anong tingin mo sa akin? Mangkukulam?"

Kal shrugged.

"Demi wanted her wedding gown to be black. Katakot takot na pagkumbinsi ang ginawa ni T doon para lang pumayag siya sa rose gold na kulay." Sabi naman ni Kal.

"Bakit hindi puti iyong gown niya?" Nagtataka kong tanong. Kasi ang normal na alam ko kapag kasal ay dapat kulay puti.

"Demi isn't a virgin anymore noong ikinasal sila ni T." Balewalang sabi ni Kal. "It is believed that white gowns are only for pure brides and those stuff."

"Eh? May ganon pa pala? Iba talaga mga yamanin." I said with a giggle. Ang dami palang keme keme kapag mayaman. Eh doon nga sa amin, kahit buntis na iyong bride kulay puti pa rin ang wedding gown.

Ikinuwento sa akin ni Kal iyong naging kasal nina Demi at Timothy. One week after lang noong kasal tsaka kami nagkakilala kaya hindi ako naka-attend. Pinakita pa sa akin ni Kal iyong mga pictures nila doon sa kasal.

"Ang gaganda naman noong mga suot ng mga abay." Sabi ko habang nakasandal na iyong katawan ko kay Kal. Pansin ko ang touchy namin ngayong gabi sa isa't isa talaga. Masaya ako sa ganito kaya hindi ko na muna iisipin masyado. Basta ie-enjoy ko na lang muna. Moment namin ito ni Kamahalan. Kal kept on swiping his phone to show me more photos.

Doon lang sa mga nangyari sa kasal nina Demi at T umikot iyong pag-uusap namin. Para kaming mga baliw kasi pinlano na talaga namin iyong kasal daw namin. Ako pa iyong mismong nag-type sa notes sa cellphone ni Kamahalan ng mga bagay na gusto ko sa kasal.

Nagyaya na si Kal na matulog. Doon kami sa kama ng mga magulang niya. Hindi kasi namin mabubuksan iyong ibang kwarto kasi mga naka-lock. Iyong kwarto lang ng parents niya iyong may susi si Kal. Inalalayan niya akong pumwesto sa side ko sa kama. Ako sa left side at sa right side naman siya. Nagharang din kami ng unan sa gitna.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa kisame kasi hindi ako makatulog. Sinisilip ko si Kal sa side niya at mukhang kanina pa siya tulog. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko rin sigurado. I rolled to my side, facing the pillow between us. Niyakap ko iyong unan at hirap na idinantay doon iyong hita ko. Biglang bumangon nang bahagya si Kal at sinilip ako.

"Okay ka lang?" He asked. "Sumasakit ba? Gusto mo ng pain killer?"

Umiling lang ako bilang sagot bago ako tipid na ngumiti.

"Hindi lang ako talaga makatulog." Mahina ang boses na sabi ko. "Di ako sanay na may katabing lalake."

"I can sleep on the couch if you want." Tatayo na sana si Kal nang pigilan ko siya.

"H'wag na! Okay lang naman!" Inabot ko iyong braso niya at hinigit siya pabalik doon sa pwesto niya. "Nakatulog kasi ako kanina kaya siguro hindi pa rin ako inaantok ngayon."

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon