"Starr! Naku! Nasaan na naman ba ang batang iyon!"
Nagmamadali akong tumakbo papasok ng bahay.
"Nandito po ako!" Sabi ko sa tiyahin ko.
"Saan ka ba nagpunta?! Kanina pa kita hinahanap!" Galit na sigaw nya sa akin.
Baliw din tong si tyang. Pinabili ako ng toyo tapos itatanong kung saan ako nagpunta. Aba, iba din!
"Pinabili nyo po ako ng toyo. Kakabalik ko lang."
"Aba't! Sumasagot ka pa!"
Malamang! Tinanong eh!
"Tawag ka ng tiyo mo! Puntahan mo na nga doon sa likod at ako't nabu-bwisit na!" Sigaw nya sa akin. Hello, tiya magkaharap lang ho tayo.
Umalis na lang ako sa harapan nya at hinanap si tiyo sa likod. Nakita ko naman sya agad dahil hindi naman kalakihan itong bahay nila. Kahit medjo madilim ay alam ko na kung saan ako pupunta. Sanay na ako. Sinula kasi nang maulila ako ay ang tiyo at tiya ko na ang kumupkop sa akin. Mabait naman sila. Kaso ang tiyo ko, kung saan saang 'negosyo' nasasabit kaya imbis na makabayad sa mga utang, lalo lang lumulubog.
"Oo naman pare. Maganda itong pamangkin ko. Siguradong kikita tayo ng malaki. Sigiraduhin mo lang na malaki magbayad yang kliyente mo, ha?"
May kausap pa sa cellphone si tiyo kaya hindi ko muna sya inistorbo. Pagkatapos nyang makipag-usap ay nakita nya naman ako kaagad.
"Oh, Starr. Nandyan ka na pala." Humugot sya ng pera at piraso ng papel sa bulsa nya. "Pamasahe iyan. Magtaxi ka na para mas mabilis kang makapunta sa bahay ng kliyente mo. Nandyan ang address sa papel."
"Sige po, tiyo. Alis na ko." Nasabi ko na lang.
Hindi na ito bago sa akin. Madalas ay may mga kliyente ang tiyuhin ko na nagpa-patutor ng mga anak nila sa akin. Undergraduate kasi ako ng kursong elementary education. Ito na lang ang tulong ko sa kanilang mag-asawa. Ibinibigay ko sa kanila ang malaking percent ng kinikita ko.
Nagpalit ako ng disenteng damit bago nagpaalam kay tiya. Mamaya nyan pagalitan na naman ako.
"Tala! Saan ka pupunta?" Tanong ng kapitbahay namin. Si Greg. Napapagkamalan ng iba na sosyal ang pangalan nya. Gregory daw. Di nila alam, Gregoryo ang tunay na pangalan nya. Ilang beses na iyan nagtanong sa akin kung pwede daw ba nya akong ligawan. Ayako lang. Ewan! Bukod sa hindi ko sya type, pakiramdam ko may magagalit kapag nagpaligaw ako sa kanya!
Tsaka, ang layo nya sa ideal guy ko. Gusto ko yung gwapo, mabango tsaka mayaman! Wala namang mali kay Greg. May itsura nama sya tsaka mabait din. Feeling ko lang talaga di sya yung para sa akin kaya imbis na aksayahin namin ang oras ng isa't isa, di ko na lang sya hinahayaan manligaw.
"Tutoring lang." Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi naman naging sagabal iyong feelings nya para maging magkaibigan kami.
"Ah. Ingat ka ha? Teka, itatawag kita ng taxi." Tinawag ni Greg iyong driver nila para itawag ako ng taxi. Di ko alam kung tanga ba si Greg o ano eh. Itatawag nya daw ako ng taxi tapos inutos naman sa iba.
Dumating agad iyong taxi. Kilala kasi yung pamilya ni Greg dito. Sila kasi yung mayaman dito talaga. Ewan ko ba bakit dito nakatira iyong pamilya nya eh lugar ng mahihirap itong sa amin.
Pagkasakay ko sa taxi ay hinugot ko sa bulsa ko iyong papel kung saan nakasulat iyong address.
Empire Towers - 8th floor unit number 801
"Wow. Tunog pang mayaman." Sinabi ko sa taxi driver ang lugar. Agad naman nya akong inihatid doon. Medyo malayo sa lugar namin yung Empire Towers kaya medyo late na ako nakarating. Nasa Taguig kasi iyong lugar eh taga San Juan ako. Buti na lang pala maaga akong umalis sa bahay.
Hanggang sa may labas lang ako ng building naihatid. Hindi kasi nagpapapasok ng sasakyan sa drive way. May mga guard doon na naka-duty. Pansin ko ang dami nila tapos mga puro naka-itim. Ganto ba talaga? May mga kliyente ako sa mga condo din naman nakatira pero di ganto kahigpit iyong security. Naglalakad na ako papasok sa loob ng building nang mapahinto ako. May mga security kasi na nagkumpulan sa pinto. At dahil glass iyong pader ng building ay kitang kita ko ang pagparada ng isang mamahaling kotse sa drive way. Nilapitan ng mga guard iyong kotse.
Tumalikod na lang ako at dumiretso sa may elevator. Pinindot ko iyong buton para bumaba yung elevator sa first floor. Ilang saglit pa ay maramdaman akong mga papalapit na yabag. Nilingon ko at oh my gulay! Ang sarap nya naman! Este, ang gwapo pala!
"Sir, may ipapagawa pa po ba kayo?" Tanong nung isang guard na naka-itim.
"Wala na, Burr. Stand by na lang kayo baka anytime ay umuwi na rin sina Caspian." Sabi nung lalaking masarap. Nung lalaking gwapo. Ano ba, Starr!
Eh kasi naman! Ang gwapo nya! Naka-tuxedo pa sya at nagplump ng mga labi nyang kulay pink!
Sumakay iyong lalaki sa kabilang elevator. Pasara na iyon nang tawagin sya ng isa pang guard.
"Sir Ka--"
Hindi ko na narinig kung anong pangalan nung gwapo dahil sa pagtunog ng elevator. Sumara na ulit iyong pinto! Ano ba yan! Ang tanga ko talaga!
Starr, nakakita ka lang ng gwapo nawala ka na sa sarili mo!
*****
EZH Series #3: Kal 'the prince' Verano
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...