Chapter 14
-----
Sinimulan namin ni Kal gawin iyong customized mugs at bowls. Iyon pala ang negosyo ni Caryl. Café ito na pwede ka ring mag-order ng mugs, cups or bowls na gusto mong pinturahan o kung gusto ng customer ay ipalagay ang picture niya doon sa mug.
Nag-order si Kamahalan ng dalawang mugs at bowls. Isa raw sa akin at isa sa kanya. Kinuha niya ang isang lapis at mug.
"I'll draw your's. You do mine." Nakangising utos ni Kamahalan, hinahamon ako. Sumandal pa siya sa kanyang kinauupuan at nagde-kwatro. Parang gusto niyang ipamukha sa akin na artistic siya. Ngumisi ako sa kanya pabalik. Akala niya naman, aatrasan ko siya! Kahit naman hindi ako magaling mag-drawing ay resourceful naman ako!
Dinampot ko iyong mga stickers at namili doon. Hindi ko pala napansin ang mga 'to kanina.
"Kamahalan, pano 'to gamitin?" Tanong ko. Nag-angat siya ng tingin at inabot ang hawak ko para matingnan niya iyon.
"Ah, this one. Gupitin mo iyong gilid ng drawing na gusto mo then peel off the plastic from it then idikit mo sa surface nong baso." Ginupit ni Kamahalan iyong drawing ng chibi na lalakeng hawak ko kanina. Cute iyong drawing, naka-suot ng pantalon at puting polo na may prints na palm trees. Nakasuot din ito ng baligtad na cap at sneakers. Ang kyuti at parang si Kamahalan talaga. Parehas sila ng buhok at hugis ng mukha. Habang itinuturo sa akin ni Kamahalan kung anong dapat gawin ay ginagawa niya rin iyon. Para talaga siyang teacher at ako iyong studyante niya. "Then basain mo nang kaunti. Didikit na nang kusa iyong drawing sa baso."
Inabot niya sa akin iyong mug kung kailan tapos niya na idikit. Siya na rin ang gumawa. Minsan nakaka-inis 'yong mga ganong tao, eh. Tuturuan ka raw pero sila na rin naman ang gumagawa!
"Ah. Katulad lang pala nong mga tattoo na binibili namin nong elementary. Iyong kasama ng bubble gum." Humagikhik ako at inabot na iyong baso. Kumunot ang noo ni Kamahalan, halatang naguluhan sa sinabi ko.
"Parang wala naman akong nabiling ganoon nong elementary ako?" Patanong na sabi niya, nalakunot na ang noo at nakatagilid ang ulo sa kaliwa. Natawa ako. Ang kyuti nito ni Kamahalan, halatang sa mga ganitong bagay ay ignorante talaga siya.
"Saan ka ba kasi pumasok noon?" Tanong ko. Kahit pa halos alam ko na ang sagot ay itinanong ko pa rin. Wala lang. Para siguro alam ko at mas masiguro ko iyong kaibahan ng estado namin sa buhay.
"Sa international school." Sabi niya bago ibinaba iyong lapis at inabot iyong kulay puting liquid na pambura. "Doon ako nag-elementary at high school. Noong college ay tinuruan na kami ng mga magulang namin na makihalubilo sa mga middle class na tao."
Tumango tango ako bago hinipan iyong sticker na si Kamahalan na rin ang nagdikit kanina.
"Wala ka talagang mabibili na ganong bubble gum sa school mo. Pangmahirap iyon, eh." Kumbinsido kong sagot.
Tumawa nang pagak si Kal. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang umiiling.
"Maybe that's true. Those bubble gums are probably filled with fake sugar and cancerous food coloring." Nagpatuloy na siyang mag-drawing. "Aabot sa international school's ang mga produktong ganoon kung willing lang ang mga producers na gawing safe edibles ang kanilang produkto. Kung hindi nila tinipid sa budget ang ingredients."
"Ano bang alam ko sa ganyan? Basta nginuya ko iyong mga bubble gum at dinikit ko sa braso ko iyong mga stickers!" Naiinis kong sabi. "At least, tinangkilik ko ang sariling atin!"
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...