Chapter 43

5K 196 103
                                    

Chapter 43

-----

Seryoso pala talaga si Kal noong nag-decide siya na sa bahay ko, na bahay niya talaga, siya titira. Pinayagan ko naman siya kasi naiintindihan ko iyong nararamdaman niya pero kasi may maliit na part sa akin na pumayag kasi naisip ko di naman tatagal si Kal sa lugar namin.

Kasi burgis siya. Iyong lugar namin, dating squatter's area. Well... technically ay squatter's area pa rin naman kasi nakikitayo kami ng bahay sa lupa na hindi naman sa amin. Sina Aling Delia lang naman iyong may bahay dito na legal, eh. Sadyang pusong mamon lang din talaga si Kal kaya di niya pinapaalis iyong mga tao dito.

Akala ko hindi talaga siya tatagal pero... grabe? Hiyang na hiyang siya dito? I can't believe?

"Aling Delia." Pagtawag ko sa atensyon ni Aling Delia na busy sa pagzu-zumba sa sala. Malakas ang volume noong video na nagpe-play sa malaking t.v na naka-connect pa sa wifi kaya super zumba talaga itong si Aling Delia dito parati. "Nasaan ho si Kal?"

Nagising na lang kasi ako kanina na wala si Kal sa bahay. Inantay ko kasi baka may binili lang sa labas pero hanggang ngayon wala pa. Nasa garahe naman iyong kotse nilang dalawa ni Greg kaya imposible na umalis silang dalawa. Pwera na lang kung nag-byahe ang dalawa. Grabe na talaga 'yon.

"Aba ay hindi ko alam!" Sigaw ni Aling Delia. Ang lakas kasi talaga nong volume ng t.v. "Lumabas kanina pa eh, kasama si Greg bibili raw sila ng itlog para sa pandesal!"

"Anong oras pa ho ba sila umalis?!" Sigaw ko na rin. Nasa exciting na part na kasi iyong tugtog at nagsimula nang lumundag lundag si Aling Delia habang tinataas baba ang mga kamay niya katulad noong sa sumasayaw sa video.

"Kanina pa 'yon, ala-syete pa yata!"

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng bintana. Eight thirty na. Bibili lang ng itlog, inabot na nang isa't kalahating oras? Ni hindi pa nga nakakabalik. Ano ba 'yon, huhulihin pa lang iyong manok na mangingitlog?

"Saan ho kaya sila bumili?!" Pasigaw na tanong ko pa rin. Agang aga, punit na agad lalamunan ko.

"Aba'y ewan ko! 'Wag mo nga akong tanungin, hindi ako makasabay!" Naiinis na sabi ni Aling Delia. Ako pa ang sinisi! Kaya hindi siya makasabay kasi medyo nasa healthy side siya kaya hinihingal siya diyan sa pinaggagagawa niya!

"Sinisi mo pa si Starr." Napalingon kaming dalawa ni Aling Delia kay Lolo Ireneo na nakapasok na pala dito sa sala na hindi man lang namin namamalayan. Nagpupunas pa ito ng pawis at halatang kakagaling lang sa kanyang daily early run. "Kaya ka hindi makasabay diyan sa sinasayaw mo kasi matanda ka na."

"Wow ha!" Palatak na sabi ni Aling Delia. "Sa inyo pa ho talaga nanggaling!"

"Siyang tunay!" Sagot ni Lolo Irineo. Inirapan niya si Aling Delia bago siya bumaling sa akin. "Nandoon si Kal sa basketball court, nahila noong mga kabataang tambay diyan sa labas. Isinali sa laro nila. Kung pupuntahan mo iyon don ngayon ay baka naman abutan mo pa nang buo."

Lolo Ireneo waved at me dismissively. Dumaan ito sa gilid at nilampasan ako. Nakasunod ang tingin ko sa kanya.

"Ano pong ibig niyo sabihin, Lolo?" Kunot noong tanong ko. Sumunod ako kay Lolo na sa kusina nagpunta.

"Pinag paparte partehan na ng mga babae doon iyong apo ko." Sabi ni Lolo, hindi man lang bothered at tuloy lang sa pagpili ng inumin sa ref. "Nagkakasundo na sila kung aling parte ng katawan ni Kal ang iu-uwi nila."

Mabilis na kumunot lalo ang noo ko, hindi na dahil sa nagtataka ako lung hindi dahil sa kaunting inis na bigla ko na lang naramdaman.

Ewan ko. Basta nainis ako doon sa narinig ko.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon