Chapter 26

5.4K 215 61
                                    

Chapter 26

-----

Nakasunod lang ako kay Kal buong duration ng airline visit niya. Lalapit lang ako kapag may kailangan siya katulad ng cellphone niya na hawak ko pati na rin iyong ilang reports na naka-record na sa files niya. I assisted him if he needed to be assisted but otherwise, I preferred to stay away from him as much as I could.

Kasi naman, si Kamahalan. Nanghalik na. Naalala ko iyong kwento ni Demi sa akin tungkol sa first kiss nila ni Timothy. Sabi niya, simula nong maka-isa si Timothy sa kanya nagsunod sunod na raw. Medyo kinabahan ako nong naalala ko 'yon kasi pano kung ganon din si Kal? Baka atakihin na ako sa puso kung bigla niya akong hahalikan.

But on the other, other, other side, my malandi side, I was waiting for it to happen. Kasi naman, sa totoo lang? Kung kasing gwapo ba naman ni Kal iyong malalaman mong may gusto sa 'yo, di mo ba gugustuhing ma-try halikan? Gaga ka kung oo. Ipokrita. Sinungaling.

Nahiling ko pa na sana ay bumagal ang oras kahit ngayon lang para mas tumagal bago kami maiwan ni Kamahalan, eh. Nine-nerbyos talaga ako, sa totoo lang. Parang tanga lang pero totoo!

"These are the results from last week's customer service survey." Paglalahad nong isang manager ng kanyang report kay Kal. Nasa isang maliit na conference room kami sa third floor nitong airline. Puro mga empleyado lang ang pwedeng makapasok sa third floor dahil nandito ang lahat ng opisina ng mga nagta-trabaho dito pati na rin iyong mga break rooms ng mga empleyado.

Nagpatuloy ang meeting. Wala akong ginawa kung hindi maupo sa tabi ni Kal habang nagte-take down ng mga importanteng detalye sa meeting. Baka kasi ako na naman iyong tanungin ni Louise kung anong nangyari sa meeting, nakakahiya kung mauulit iyong nangyari nong unang beses kong sumama kay Kal na wala man lang akong alam kasi di naman ako nakinig. Kaya ngayon ay focused talaga ako. Mas focused pa nga yata ako kaysa kay Kal, eh.

"Are you cold?" Tanong sa akin ni Kamahalan habang nagta-type ako sa notes ng iPad. "Tumataas balahibo mo sa balikat."

Lahat na ng balahibo ko tumaas dahil sa pinagsasasabi mo, bwisit ka!

Ngumiti ako nang matamis kay Kal, iyong nagbabanta.

"Okay lang po ako, sir." Nakangiti pero gigil na sabi ko. Kung may iba sigurong nakatingin ay hindi mapapansin ang talim ng tingin ko kay Kal. "Lubayan mo ang balikat ko."

Kal smirked at me. Inusod pa niya palapit sa kinau-upuan ko iyong upuan niya at sinadya pang dalihin ang braso ko. Spaghetti strapped na satin blouse ang suot ko, katulad ng mga damit ni Pepper. Iyong kapag nahanginan ay pwede nang liparin paalis sa katawan. Kaya balat ko talaga agad iyong nadadali ni Kal. The contact gave me goosebumps. Bwisit talaga 'to si Kal.

"Concerned lang naman ako." Nakangusong sabi ni Kal. Parang tuta na nagtatampo sa amo.

I scoffed. Now what? He's going to act cute?

"Sir, no teasing while working." Inilapit ko ang mukha ko kay Kal. Mabilis na hinawakan ko iyong baba niya at ipinaling ko pabalik sa unahan ang kanyang tingin. "Focus."

Kal grinned while looking at the presentation in front. Natatawang inalis ko na rin iyong kamay ko sa chin niya. Ang kulit! Parang bata!

Minutes passed by and I was almost shivering. Tama naman si Kal, malamig nga dito sa loob ng conference room. Manipis lang ang damit ko kaya hindi ko na napigil ang sarili ko na haplusin ang magkabila kong braso para naman kahit papaano ay uminit ang katawan ko dahil sa friction. I heard Kal click his tongue beside me but I payed him no mind. Kahit pa noong umusod ang upuan niya ay hindi ko na pinansin. Tutok ang atensyon ko sa presentation sa unahan pati na rin sa lamig na nararamdaman ko.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon