Chapter 3
-----
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng nagbabarilan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog dahil parang malayo iyong tunog kahit galing lang naman iyon sa malapit.
Kumunot ang noo ko. Nasaan na ba ako?
Habang nakapikit pa rin ay dahan dahan akong nag-inat. May naramdaman akong matigas na tinamaan ng kamay ko pero hindi ko na lang pinansin. Napa-ungol ako nang maramdaman kong lumagutok ang mga buto ko sa katawan. Nagtaka ako kasi bakit parang pang dalawang tao iyong ungol ko? Parang ungol pa ng nasaktan ang narinig ko. Pero hindi ko na rin iyon pinagtuunan ng pansin. Nahiga ako nang maayos sa malambot na kinahihigaan ko.
"Gising ka na pala." Sabi ng isang naiinis pero mala-anghel na boses na ikinagulat ko. Marahas na naimulat ko ang aking mga mata na agad ko ring tinakluban dahil sa sobrang liwanag na kisame sa taas. Umuungot kong tinakpan ang mga mata ko na ikinatawa ng kung sino mang kasama ko ngayon. "Hey, are you alright?"
Kumunot ang noo ko. Sino ba 'tong kausap ko? Hindi ko pa rin maimulat iyong mga mata ko kasi sobrang liwanag naman!
"Oh, my bad."
Naramdaman ko siyang gumalaw at medyo humarang sa harapan ko dahil nabawasan iyong liwanag pero hindi naman nawala. Hinarangan niya lang talaga.
Kinusot ko iyong mga mata kong namamaga pa yata. Mas didiinan ko pa sana ang pag-kusot nang hilahin ng kasama ko ang mga kamay ko palayo sa mga mata ko.
"Don't do that. You will just end up hurting your eyes more." Mahinang saway nito sa akin. Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Sino ba 'to? Nasaan ba ako? Para masagot ang mga sarili kong tanong, na sa totoo lang ay nakaka-tanga naman din sa sarili talaga, ay iminulat ko na sa wakas ang mga mata ko.
Parang gusto kong mapa-english bigla. Kasi naman.
Oh my gosh.
Anghel ang nasa harapan ko. Walang duda. Hindi makatarungan iyong itsura niya. May perpektong mga kilay siya na bumagay sa hugis ng mga mata niya. Ilong na tama lang ang tangos. Mga labing kulay pink na hugis bow ni kupido na halos katulad ng akin pero mas plump iyong kanya. Natural na maputi at makinis na kutis. Ilegal ang maging ganiyan ka-gwapo kaya imposibleng tao ang nilalang na nasa harapan ko!
Nasa langit na ba ako? Nagtagumpay ba si Mr. Kho sa balak niya sa akin?
Napabangon ako bigla na ikinagulat ng anghel kaya napa-atras siya at muntik pang mapa-upo sa sahig na napansin ko ay ulap siguro dahil puting puti at mukhang malambot. Unti-unting bumalik sa isip ko ang mga nangyari bago ako nagising dito sa kung saan man itong kinaroroonan ko.
Pagkalabas ko sa unit nina Mr. Kho ay natulala ako saglit dahil hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Sa sobrang kaba na baka maabutan pa ako nito sa labas ay basta na lang ako nagtatakbo sa pasilyo na pinuntahan noong babaeng kasabay ko sa elevator kanina. Nalampasan ko iyong elevator at huli na ang lahat para bumalik pa ako sa direksyon nito dahil nakita ko na si Mr. Kho na lumabas mula sa unit nila. Nagtago ako sa likod ng isang malaking paso ng halaman hanggang sa nakita ko ang pinto ng isang unit na nakabukas. Hindi na ako nagdalawang isip at nagtatakbo na agad ako papasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mr. Kho na dadaan sa pasilyo ng pinto at parang may hinahanap kaya agad ko ring isinara ang pinto.
Naalala ko pa ang sarili kong dumausdos sa sahig at umiyak nang umiyak. Magkahalong takot, gulat at hindi pagkapaniwala sa mga nangyari ang naramdaman ko. Literal na nanlambot ulit ang mga tuhod ko. Naramdaman ko rin ang marahas na pagtaas baba ng mga balikat ko dahil sa sobrang pag-iyak. Umiiling iling pa akong gumapang palayo sa pinto dahil sa takot na baka bigla na lang itong bumukas at pumasok si Mr. Kho para hilahin ako palabas. Naalala ko ring sa gilid ako ng malaking sofa nagtago. Iyon na ang huling naalala ko.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...