Chapter 9
-----
Dalawang linggo na kami dito sa isla at masasabi kong nage-enjoy naman ako sa mga ginagawa namin. Iyong mga bagay na hindi ko magagawa kung wala akong pera ay libre kong nagagawa dito dahil dinadamay rin naman ako nila Kal sa lahat ng gagawin nila. Nag-aalala na nga ako kung paano ba ako makaka-bayad. Siguro ay kakausapin ko na lang si Kal tungkol doon tutal siya naman talaga iyong parating nagbibigay ng final na desisyon.
"Your schedule must be really packed, huh?" Biro sa akin ni Kier habang naglalakad kami sa pathway papunta sa pool area. Parehas kaming naka-rash guard na dalawa. Ngayon ko lang kasi siya masasamahan na mag-swimming dahil ngayon lang ako nalibre. Hindi ko inasahan iyong mga plano nina Demi. "Mas mahirap ka pang hagilapin kaysa kay Dream."
Natawa kaming dalawa pareho. Nong isang araw ko pa kasi talaga dapat sasamahan si Kier lumangoy kaso ay kung saan saan ako hinihila nong mga babae. Kahit sa pagtulog ay magkaka-sama kami. Masasabi kong sila talaga iyong grupo na gusto talagang lagi silang magkakasama.
"Kaya nga sinabi ko sa 'yo, di ba? Magpa-schedule ka kaagad para maisingit kita. Busy kasi akong tao." Natatawa kong biro sa kanya.
Pagdating namin sa pool area ay nakaagaw kaagad ng pansin si Kier. Kaunti lang ang tao dito, kaming dalawa lang pati iyong ilang babae na nasa medyo malayong pool. Idagdag na iyong mga body guard ng magpipinsan na nagkalat sa paligid.
"Hindi ka ba naiilang kapag pinagtitinginan ka ng mga tao?" Tanong ko kay Kier bago ako lumusong sa tubig. Nilingon saglit ni Kier iyong mga babae bago niya ibinalik ang tingin sa akin.
"Hindi. Bakit ba mas affected ka? Eh ako naman iyong tinitingnan."
"Malamang affected ako! Nadadamay ako sa mga tingin nila sa 'yo, eh!" Sigaw ko bago ko sinabuyan ng tubig si Kier.
"Sanay ka rin naman sa ganyan. Bakit ka nagre-reklamo?" Taas kilay na tanong nito habang inaayos iyong suot niyang cap na pang-swimming.
"Hindi kaya ako sanay."
"Kalokohan." Palatak ni Kier. "Eh kasama mo lagi iyong mga tagapagmana ng Zero. Lagi rin namang sentro ng atensyon iyong mga 'yon."
"Basta!"
Hindi ko masabi kay Kier iyong sitwasyon ko at iyong dahilan kung bakit ba ako nasa poder ni Kal. Basta ang alam niya ay kaibigan nila ako. Hindi niya alam na may mas mahaba pang kwento sa likod noon. Hindi ko rin naman pwedeng i-kwento kay Kier dahil pinagbawalan din ako ni Kamahalan. Gets ko naman kung bakit at iyon ay dahil ayaw ni Kal na husgahan ako ng mga mayayaman. Mas alam ni Kal ang ugali ng mga mayayaman kaya nagtitiwala ako sa mga desisyon niya. Tsaka hindi ko pa alam kung gaano ba katotoong kaibigan si Kier. Ayokong maging dahilan kung bakit magkakaroon ng hindi magandang imahe na naka-dikit kina Kal.
Ini-abot sa akin ni Kier ang timer na dala niya bago isinuot ang kanyang goggles. Pumuwesto na siya at nagsimula nang lumangoy. Masasabi kong magaling talaga siya na swimmer. Halos hindi ko mai-alis ang tingin ko sa muscles niya na naka-display. Naka-ilang rounds siya sa pool bago siya lumapit sa akin na nakatayo lang dito sa huling baitang ng hagdan.
"Ang galing mo!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Nginitian niya ako pabalik. Grabe, ang gwapo rin talaga nito ni Kier. Pabirong sinabuyan ko siya ng tubig at gumanti naman siya. Itinulak niya ako kaya napa-atras ako nang bahagya. Inaantay ko na lang talaga na lumubog ako sa tubig dahil dumulas iyong paa ko sa baitang kaya nagulat ako dahil hindi ako lumubog. Hinawakan ako ni Kier sa magkabila kong balikat bago ako hinigit palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...