Chapter 5
-----
"Tell me again why the two of you decided to tag along?" Nakataas kilay na tanong ni Kal sa dalawang kasama namin ngayon sa elevator.
As usual, nag-desisyon na naman si Kamahalan nang siya lang mag-isa. Ni hindi man lang tinanong kung gusto ko ba iyong mga naiisip niya. Hindi naman sa nagfi-feeling important ako, sa katunayan lang talaga kasi ay ako talaga iyong kasali sa mga desisyon niya kaya may karapatan siguro akong mag-reklamo? Kagaya ngayon! Isasama ako sa kung saan dahil bibili daw kami ng mga gagamitin kong damit sa isla! As if hindi pa sapat iyong mga binili niya sa akin nong nakaraan eh sobrang dami na non! Hindi ko pa nga nasusuot iyong iba!
"I don't have an idea too, hyung. Iyang babae na iyan ang tanungin mo." Masungit na sabi ni Asher na ang tinutukoy ay ang girlfriend niyang naka-lingkis ang braso sa akin.
At eto pa, may bonus. Gustong sumama nitong dalawa. Hindi ko alam kung bakit kasi kanina naman okay lang sila. May pinag-awayan silang sobrang liit na bagay tapos itong si Miggy bigla na lang gustong sumama sa amin para makalayo kay Asher. Tapos itong si Asher naman, dakilang patay na patay kay Miggy, hindi rin nakatiis na kaya sumama rin.
Hindi pinansin ni Miggy iyong boyfriend niyang kanina pa irap nang irap. Itong si Asher attitude rin talaga, eh.
Pagkalabas namin ng elevator ay bigla na lang akong hinila ni Miggy. Nilampasan namin iyong mga kotse kaya sinigawan na kami nong dalawa.
"Hoy Bansot! Saan ka pupunta?!" Gigil na sigaw ni Asher na kasabay ng "Nandito iyong kotse!" Ni Kal na parehas hindi pinansin ni Miggy.
"Ah, Miggy. Anong ginagawa natin?" Alanganin kong tanong. Naka-simangot kasi si Miggy at naka-todo ang pagka-suplada ng kanyang mukha. Nilingon ako nito bago siya ngumiti nang matamis. Imbis na matuwa ay parang mas natakot ang sistema ko dahil sa ngiti niya.
"Mag-byahe tayo, Starr." Sweet nitong sabi sa akin na ikina-lunok ko. Nakakapanibago naman kasi!
Ibang iba ang ugali ni Miggy sa karamihan. Siya lang iyong babaeng nakilala ko na halos wala talagang paki-alam sa paligid niya. Kahit hindi pa kami ganoon katagal magkakilala ay malinaw na malinaw na sa akin na hindi si Miggy iyong tipo na palangiti. Lagi lang seryoso iyong mukha niya, ngingiti lang kapag may sinabi o kaya ginawa si Asher na nakakapag-pangiti sa kanya talaga. Kaya walang pwedeng sumisi sa akin kung bakit ako nagugulat nang ganito!
Nilakad namin ni Miggy hanggang doon sa may sign na 'tamang sakayan at babaan'. Iyong dalawang lalake halatang hindi sanay sa mga ganito. Dumiretso ba naman sa unahan! Nilampasan lang nila talaga iyon pila! Iyong mga nakapila, ni hindi man lang nag-reklamo. Nadala na nong dalawa sa mga itsura nila. Ayan! Ganyan tayong marurupok, eh! Makakita lang ng gwapo handa nang ibigay lahat! Kahit iyong pwesto mo sa pila sa sakayan!
Bumalik lang iyong dalawa sa dulo kung saan kami naka-pila ni Miggy nang mapansin nilang hindi na nila kami kasama.
"Mga nagmamagaling kasi." Bubulong bulong na sabi ni Miggy. Para siyang bubuyog diyan sa ginagawa niya. Ang kyuti naman nito ni Miggy mainis!
"Nang-iiwan naman kasi." Ganting bulong naman ni Asher na naka-iwas lang ang tingin pero namumula na iyong gilid ng mga mata.
Napatungo si Miggy dahil sa sinabi ni Asher. Napanguso ito at dahan dahang bumitaw sa akin bago siya umatras at kumapit sa laylayan ng t-shirt ni Asher. Tinanggal naman ni Asher iyong pagkakahawak ni Miggy sa t-shirt niya bago pinagsiklop iyong mga kamay nila. Naka-iwas pa rin iyong tingin ni Asher at si Miggy ay naka-yuko pa rin, parehas sila nag-iiwasan ng tingin pero pansin namang ang higpit ng hawak nila sa kamay ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...