Chapter 18

5.1K 174 36
                                    

Chapter 18

-----

Days after Asher and Miggy's engagement passed by in a fast blur. Balik kami ni Kal sa kompanya para harapin iyong mga trabaho namin. Balik school iyong newly engaged couple. Halos normal na ulit lahat. Halos.

Napapansin ko kasing parang may nag-iba kay Demi. Hindi ko matukoy kung ano, pero may nag-iba talaga. Hindi na siya masyadong mabilis magdesisyon. Hindi na ganoong katigas ang ulo niya. Hindi niya na masyadong pinapahirapan si Timothy. Pero naging sobrang iyakin naman niya. Gawa siguro noong pagbubuntis niya lalo pa't nalaman naming kambal pala iyong dinadala ni Demi.

Masyadong halata iyon na kahit si Kal ay napapansin na rin.

"Have you noticed something different from your wife?" Tanong ni Kal kay Timothy. Tapos na si Kal sa trabaho niya para ngayong araw kaya nagdesisyon siya na isang magandang idea na puntahan si Timothy sa opisina nito para lang manusot. Isinama niya ako dahil gagawin ako niyan na shield kapag sasapakin na siya ni Timothy. Gago 'yan, eh. Palibasa alam na magagalit si Demi kapag nalaman na may ginawa si Timothy na hindi maganda tapos ako iyong napuruhan. "I know she's weird already kasi may babae ba naman tayo sa buhay natin na hindi weird, wala naman, di ba?"

Napairap ako dahil sa laki ng ngisi ni Kamahalan. Para siyang prinsipe na naka-dekwatro pa habang nakaupo sa mahabang leather sofa sa isang gilid nitong opisina. Napabuntong hininga na lang si Timothy. Nasanay na siguro. Pang ilang araw na rin kasi ngayon ng daily panunusot ni Kal sa kanya. Feeling ko nga kaya inspired si Kamahalan na magtrabaho at tapusin ng maaga iyong mga gawain niya ay para may oras pa siyang asarin si Timothy.

"Si Euxas, kuya. Hindi siya weird, am I wrong?" Sagot naman ni Timothy na ikinabura ng mayabang na ngisi ni Kal. Sumimangot si Kamahalan. Oh ano? Nakuha mo.

Medyo nakuha noong sinabi ni Timothy iyong atensyon ko. Kilala niya rin pala si Euxas. Sabagay, silang dalawa naman ni Kal iyong mag-classmate simula kinder hanggang college, eh. Kaya nga kahit ilag iyong mga mas bata sa kanila na sagarin si Timothy, si Kal ay kakaiba. Walang pakialam iyan sa galit ni Timothy, eh.

Hindi na rin talaga nakakapagtaka na kilala ni Timothy si Euxas.

"Ah, oo nga pala. Pati di ba iyong babaeng almost mo mukhang hindi rin baliw? O hindi lang talaga natin napapansin?" Sabi naman ni Kamahalan. He was teasing but there's a dangerous tint in his voice. Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko dahil doon.

Biglang napatigil si Timothy sa pagta-type doon sa laptop na gamit niya. Nag-angat siya ng tingin at halos kilabutan ako sa takot sa paraan ng pagtingin niya kay Kal.

"Don't even go there, kuya." Timothy spat. Halatang halata ang pigil na galit sa pagkakasabi niya noon. Ang dami ko talagang nalalaman sa mga ganitong pagsasagutan nilang dalawa. May mga secrets sila na napapansin ko pero hindi ko maintindihan talaga kasi mga puro pahapyaw lang iyong sinasabi nila. Basta nagkakaintindihan sila at alam na nila iyong mas malalim na meaning nong mga sinasabi nilang dalawa. Naiintriga ako, syempre. Hindi lang ako makapagtanong talaga kasi labas naman na ako doon.

Kal just scoffed and shrugged. Tumayo na siya at namulsa kaya tumayo na rin ako. Napatingin sa akin sandali si Kal na para bang ngayon niya lang naalala na kasama niya pala ako. Ganyan 'yan. Bwisit na tunay.

Walang paalam na tumalikod si Kal at naglakad palabas. Ako na iyong humarap kay Timothy para magsabi na aalis na kami.

"Alis na kami." Mahinang sabi ko. Tumango lang si Timothy at hindi na sumagot pa. Lumabas na rin lang ako at lakad takbong hinabol si Kamahalan. Hayop na 'yon, alam namang kakagaling lang sa sprain ng paa ko tapos paghahabulin pa ako!

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon