Chapter 23

5.3K 255 97
                                    

Chapter 23

-----

Katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng opisina. Ang una kong napansin ay sina Hope at Caspian na napatayo pa talaga pagkakita nila sa akin. Pansin kong mga naka-casual clothes lang sila, iyong sinusuot nila sa school dahil wala naman silang uniform na required isuot doon. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may pasok sila at wala dapat sila dito ngayon. Patunay lang na totoo iyong sinabi ni Louise na napagalitan din ni Kal itong dalawa. Pansin ko rin si Jareth na naka-crossed arms. Nakanguso ito at mukhang may ikina-kagalit. Parang si Jasper lang kapag nagta-tantrums. Tipid akong ngumiti sa side nila. Humakbang palapit sa akin sina Caspian at Hope.

"Saan ka galing?" Malakas ang boses na tanong ni Caspian. Hinawakan pa ako nito sa balikat na parang naninigurado siya na hindi ako tatakbo.

"We're sorry, Starr. Nakalimutan namin na sunduin ka kahapon." Sabi naman ni Hope. Buti na lang at kahit sabay silang nagsalita ay naintindihan ko naman iyong mga sinabi nila. Kaso sila yata iyong hindi okay. Masama ang tingin nila sa isa't isa nang marinig na sabay silang nagsalita. Meron na namang hindi pinagkasunduan 'tong dalawa na 'to.

"Okay lang, may sumundo naman sa akin." Tipid ang ngiti na sabi ko sa kanila. Naglakad kami papunta sa mga sofa at naupo doon. Habang naglalakad ay nakatingin ako kay Kamahalan na naka-upo lang sa swivel chair niya at nakatitig sa screen ng laptop niya. Ang isang siko ay nakasandal sa arm rest ng kanyang swivel chair habang nakatukod ang kanyang mga daliri sa kanyang noo. Tutok na tutok ang atensyon niya doon sa laptop, nakakunot ang kanyang noo at mukha pa ring galit. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko nina Hope at Caspian nang maka-upo na kami. Mas lalo ko lang napansin si Jareth na nakasimangot habang naka-halukipkip. "Sa estate ng mga Montellado ako natulog. Sinamahan ko si Demi doon."

"Ah. Okay, 'wag mo na ikwento." Mabilis na pagputol ni Caspian sa pagsasalita ko. Inilapit niya sa tenga ko iyong labi niya at bumulong. "Gets na namin. Lalo mo lang gagalitin si kuya kapag idinetalye mo pa."

Nagtaka ako dahil hindi na siya nagtanong pa.

"Ayaw mo ba malaman kung sino sumundo sa akin?" Kumunot ang noo ko. Mabilis na itinaas ni Hope ang mga kamay niya at itinakip iyon sa bibig ko. Marahas ang pag-iling ni Caspian sa kabilang gilid ko.

"Nope, we don't." Pilit ang ngiti na sabi ni Hope.

"More like ayaw niyong mabugbog." Bulong ni Jareth, masama pa rin ang facial expression. "Kapag nalaman ni kuya kung sino kasama niyan ni Starr magdamag, doon kayo matutulog sa underground ni kuya T! Itatali kayo ni kuya sa kisame non."

"Shut it!" Caspian hissed. Inirapan siya ni Jareth. Ngayon ko lang napansin na halos nagbubulungan pala kami. I guess, pare-parehas kaming takot mapagalitan ng mahal na prinsipeng may regla yata sa mga oras na 'to.

Nanahimik kami pagkatapos. Hindi alam ang susunod na gagawin. Tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanila na doon na sa station ko pupwesto.

Pasulyap sulyap ako kay Kal habang inaayos ang imaginary gulo sa mesa ko. May nakapatong na na mga papeles na kailangan ko munang ayusin pero hindi ko kaagad maharap ang mga iyon. Kinakabahan pa rin ako. Bakit ang tahimik ni Kal? Bakit hindi niya ako kinakausap?

Mas maayos pa siguro kung sisigawan niya ako. At least kung ganoon, malalaman ko kung ano ba iyong kasalanan ko na ikinagalit niya, kung meron man. Meron nga ba? Ano bang ginawa ko? Wala naman, ah.

Ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok sa pinto. Bumukas agad iyon kahit hindi pa naman nagsasabi si Kal na pwede nang pumasok iyong kumakatok. Tatayo sana ako para pigilan iyong papasok sana kaso ay napa-upo rin ako kaagad nang makita ko kung sino iyon. Kung pwede nga lang na sa sahig na ako umupo ay gagawin ko, 'wag lang akong mapansin ng bagong dating.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon