Chapter 33
-----
"Lolo, good morning po." Nakangiting bati ko kay lolo Ireneo na humihikab hikab pa habang nag-iinat. "Kain na po kayo."
Tumango-tango lang si lolo bago siya lumabas ng bagong bahay nila tiya. Halatang bagong ligo at fresh na fresh si lolo ngayong umaga. Natatawa ko siyang sinundan ng tingin.
Halos hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nadatnan ko dito pag-uwi ko nong nakaraang araw. Parang ang daming nagbago kahit ilang bwan lang naman akong hindi umuwi dito.
May bago na kaming bahay. May tsismis tungkol sa akin. Dumating si lolo Ireneo, na sa hindi ko malamang dahilan ay ipinagpipilitan na may karapatan din siyang tumira sa bahay ni tiya.
Hindi naman sa ipinagdadamot ko iyong bahay. It's just... weird. Kamag-anak ba namin siya? Bakit di ko alam? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Parang wala naman kasing nabanggit si tiya na may buhay pa kaming matanda na kamag-anak. Lalo iyong galing sa ibang bansa. Tsaka ang layo layo naman ng physical attributes ni lolo Ireneo sa akin.
He was naturally mestizo and tall. His skin was not a typical Pinoy's. Halatang may lahi. And I was sure as hell na wala naman akong lahing kung ano. I am a pure Filipina. Purong dugong Filipino, may pusong cheese cake.
At isa pa, as far as I know, my lolo's and lola's from both sides were long deceased. Kaya nga halos wala akong mapuntahan noong namatay ang mga magulang ko, eh. Kasi halos wala naman na kaming kamag-anak talaga.
Weird, but that was my life.
Hindi masyadong nagkwento sa akin ang mga magulang ko noon tungkol sa mga pamilya nila. They eloped. Parehong ayaw ng mga magulang nila sa kanila para sa isa't isa kaya nagdesisyon sila na magtanan at tulyan nang kalimutan ang mga pamilya nila.
Yes, people were capable of doing that.
Sobra sigurong nasakal ang mga magulang ko noon kaya nagawa nilang kalimutan na may pamilya silang kinalakihan. Kahit ang ipakilala ako sa mga lolo at lola ko ay hindi nila ginawa. Talagang nagkataon lang na nagkita si tiya at si mommy noon sa Batangas kaya nalaman ko na may tiya pala ako na kapatid ni mommy.
Siguro para sa ibang tao, masama iyong ginawa ng mga magulang ko. Kasi tinanggalan nila ako ng karapatan na makilala ang mga pinagmulan ko. Pero di ko masisisi sina daddy. Kasi ibinigay naman nila sa akin lahat. Pagmamahal, magandang buhay, seguridad.
Hindi naman nila ako pinagkaitan ng mga pangangailangan ko. Kaya kahit nahirapan talaga ako nong nawala sila, hindi ako nagalit. Kasi alam ko naman na hindi nila ako ilalayo sa mga pamilya nila kung maayos ang pakikitungo sa kanila mga 'yon, eh.
"Nasaan na si Don Ireneo, Starr?" Tanong ni Aling Delia na kakalabas lang sa spare room nitong bahay. Sa hindi ko rin alam na dahilan ay Don Ireneo ang tawag ni Aling Delia kay lolo. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Tipid na ngumiti ako at pilit inalis sa isip ko iyong mga pamilya ng mga magulang ko.
Ibinalik ko sa kasalukuyan iyong sarili ko. The present was this. This house. These people.
Pero bongga talaga, may dalawa na rin kaming guest room. Parang sinadya talagang ilagay para sa maramihang tao. Handa na iyong bahay kung may gusto man na mag-overnight dito.
Lima kasi iyong kama don sa bawat kwarto, eh. Di ko alam anong pinapatunayan ni Kal. Siya na may pangbili ng kama.
"Lumabas na ho, tiya." I glanced at my wrist watch. May isang oras pa ako para bumyahe papuntang opisina. Tinapos ko nang mabilis iyong pagkain ko bago ako tumayo. "Alis na rin ho ako."
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...