Chapter 6

6.5K 256 93
                                    

Chapter 6

-----

Hindi na ako mapakali sa pag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa isla. Hindi ko alam kung anong dapat kong dalhin. Dapat pala nakinig na lang ako kay Miggy nong namili kami. Dapat dinampot ko na iyong mga pang-summer na damit sa mall! Hindi naman sa nahihirapan ako dahil walang damit na tama sa lugar. Marami, sa totoo lang. May mga t-shirts ako rito at mga short. Nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung alin ba dito iyong dapat kong dalhin!

Napasabunot na talaga ako sa sarili ko. Sinabihan kami ni Kal na meron lang kaming tatlong oras para ayusin ang mga dapat naming dalhin. Halos isang oras na akong paikot ikot dito, wala pa rin akong nailalagay sa bag, kahit isa!

Lumabas muna ako sa kwartong ipinahiram sa akin ni Kal dito sa unit nila. Tulugan daw ito nong katulong dapat nila pero dahil ayaw nilang pito nang may ibang kasama sa bahay, binigyan na lamang nila ng schedule iyong mga taga-linis nitong condo. Ito lang ang bakanteng kwarto rito kaya wala akong pagpipilian. Hindi na rin naman ako nag-reklamo. Sobra sobra na nga ito para sa akin.

Maliit lang iyong kwarto kung iku-kumpara sa mga kwarto nila. May isang kama, lamesa at upuan, cabinet at pahirabang salamin sa loob. Dinagdagan lang ni Kal ng ilang gamit tulad ng maliit na t.v at lampshade nong pinatira niya na ako dito. May aircon din at maliit na sariling banyo. Mas maganda pa nga itong kwartong ito kaysa sa sarili kong kwarto roon sa bahay nila tiya, eh! Lahat yata talaga rito, marangya. Kahit kwarto ng kasambahay.

Sa kusina ako dumiretso para uminom ng tubig at kalmahin ang sarili ko. Grabe! Na-stress ako kakapili ng damit kahit wala pa akong napipili talaga!

"Hello po, ate." Nakangiting bati sa akin ni Winter na pumasok din dito sa kusina. Binuksan niya iyong ref at kumuha ng bottled water bago niya iyon ininom. Habang nakatingin kay Winter ay napangiti ako.

"Baby Wints." Pagkuha ko sa atensyon niya. Lumingon naman agad sa akin si Winter.

"Bakit po?"

"Busy ka ba? Hindi ka ba nage-empake ngayon?" Tanong ko. Nakangiting umiling si Winter.

"Hindi naman po. Si Storm na po ang nagpa-pack ng clothes naming dalawa." Itinapon niya na sa basurahan iyong bote ng tubig. "Bakit po?"

Napalunok ako. Kaya mo 'yan, Starr! Maliit na pabor lang naman iyang hihingiin mo!

"Tulungan mo naman ako, oh. Hindi ko kasi alam kung anong mga dapat kong dalhin sa isla niyo."

"I'll help you."

Gulat na napalingon kami pareho ni Winter sa nagsalita. Ang naka-ngising mukha ni Demi ang bumungad sa amin. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa pulso.

"Ano pang hinihintay mo? Let's go!" Wala na akong nagawa kung hindi magpahila kay Demi. Sa kwarto ko kami dumiretso. Pa-dabog na binuksan ni Demi ang pinto. Napa-ngiwi ako dahil pakiramdam ko nabutas iyong bahagi ng pader na tinamaan nong doorknob. Kakapasok lang namin nang biglang dumating ang hinihingal pa na si Timothy. Hindi siya pumasok at nanatili lang sa labas habang puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Anong nangyari? Nakarinig ako ng lagabog. Nandito daw si Demi?" Sunod sunod na tanong nito. Tahimik na itinuro ko lang si Demi na naka-upo na sa sahig at kinakalkal na iyong bag, iniisa isa ang mga inilagay ko na doon.

"Praning ka talaga, T." Mataray na sabi ni Demi. "Nothing happened. Tutulungan ko lang sandali si Starr pumili ng damit. You go back there and get ready. Aalis na daw tayo mamaya sabi ni Kal."

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon