Chapter 35

5.4K 187 136
                                    

Chapter 35

-----

"Ang saya mo na naman." Mula sa plato ko ng pagkain ay napabaling ako ng tingin kay lolo Ireneo na nakataas ang kilay habang pinagmamasdan pala ako. "Minsan nakakatakot ka na. Malungkot ka lang nong isang araw tapos ngayon para kang nanalo sa lotto."

Natawa ako nang malakas dahil sa sinabi ni lolo. Hindi naman as in nakakatawa iyong sinabi niya pero sobrang saya ko lang din siguro talaga these past few days kaya ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko lahat ng sinasabi sa akin nakakatawa kasi di ko talaga mapigilan iyong sarili ko na ngumiti.

"Kayo naman po, lolo. Sakto lang." Umingos si lolo Ireneo sa akin bago niya ibinaling ang tingin kay Aling Delia.

"Humanap ka nga ng albularyo at ipatawas mo itong si Starr." Itinuro pa ako ng matanda. "Baka kinulam na iyan ni Alisa, hindi pa natin alam. Baka mamaya kagatin na lang tayo niyan bigla."

Aling Delia chocked on her food. Kunot ang noo sa inis na inabot niya iyong baso ng tubig at mabilis na uminom siya doon.

"Ikaw ipapatawas ko, Don Ireneo." Sabi ni Aling Delia na umuubo ubo pa. "Kung ano anong sinasabi mo. Matanda ka na talaga."

"Wala kang respeto, alam mo 'yon?" Inirapan ni lolo Ireneo si Aling Delia. "Ako na nga itong concerned."

"Hindi niyo naman po kailangang mag-alala dito kay Tala, lolo." Natatawang sabi ni Greg. Inilapit niya iyong mukha niya kay lolo at umakto siya na may ibu-bulong sa matanda. "In love po kasi 'yan kaya ganyan."

Ako naman iyong nabilaukan.

Napaayos nang upo si lolo Ireneo bigla, naging interesado sa sinabi ni Greg.

"Talaga? Kanino?" Tanong ni lolo Ireneo na sa akin na nakaharap.

"Nako, lo, 'wag ka po maniwala diyan." Piandilatan ko si Greg. Ngumisi lang siya nang pabiro sa akin.

"Bakit? Totoo naman, ah? Kinausap pa nga ako ni Kal na kung pwede 'wag na kitang sunduin sa company niyo para siya na maghahatid sa 'yo pauwi, eh." Greg wiggled his eyebrows, halatang nang-aasar. "Bakit naman kasi ayaw mo pang papuntahin dito."

"Di ko pa siya napapatawad sa pagbili niya dito sa lupa ng lugar natin pati na rin sa pagpapagawa niya dito sa bahay ni tiya nang hindi ko alam!" Halos sigaw ko na. Kainis 'to si Greg!

"Kal pala, ha." Mapang-asar na ring sabi ni lolo Ireneo. I huffed, clearly frustrated with these annoying men.

Para silang sina Jareth mang-asar sa totoo lang!

Nagiging ordinaryo na sa akin 'yong ganitong routine. Kakain kaming apat nang sabay sa umaga bago kami aalis ni Greg papunta sa mga trabaho namin habang uuwi naman si Aling Delia sa kanila para i-manage iyong tindahan nila ng construction supplies. Si lolo Ireneo naman, gagala lang kung saan.

Routine na rin iyong pagre-reklamo sa akin ni Kal kung bakit ba ayaw kong magpa-hatid sundo sa kanya.

"Bye, Greg. Ingat ka." Isinara ko ang pinto ng kotse ni Greg bago ako humakbang palayo doon. Wala limang segundo ay nasa tabi ko na si Kal. Sabay naming pinanood ang papalayong kotse ni Greg na naghatid sa akin dito sa opisina.

"Tsk. Bakit kasi ayaw pa sa akin magpasundo." Bubulong bulong na sabi ni Kal. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Naglakad na kami papasok sa building.

"Eh kasi po, Kamahalan, malayo ang San Juan dito sa opisina." Naiiling na sabi ko.

"May kotse ako." Kal said grumpily. Sumakay kami sa executive's lift at padabog niyang pinindot iyong button ng floor namin. "Full tank ang gasolina parati."

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon