Chapter 42
-----
"Seryoso ka na diyan sa desisyon mo sa buhay na 'yan?" Taas kilay na tanong ko kay Kal.
"Oo naman." Sagot nito, ni hindi man lang ako nilingon para tingnan. Sobrang busy siya diyan sa ginagawa niya.
"Paano ang mga bata?" Tanong ko pa. I crossed my arms on my chest. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya talaga iyong naging desisyon niya.
Kasi... paano ba?
All his life, his had taken care of his friends. Ni hindi nga siya makatulog kapag hindi pa nakaka-uwi ang kahit isa doon sa anim na tukmol dati, eh.
Tapos ngayon, nage-empake na siya ng mga damit.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Kal. Humarap na siya sa akin nang buo at kitang kita ko ang malalim na kunot sa noo niya. "Hindi naman ako lalayo?"
"Sabi ko nga." Medyo pahiya na sabi ko. Lumabas na lang ako ng kwarto niya kasi baka may masabi pa ako na maka-offend kay Kamahalan.
Nakakahiya naman kasi sa kanya.
Dumiretso ako sa kusina para uminom. Naabutan ko si Winter na nagsasalin ng Delight sa isang baso.
"Hi, Ate." Winter greeted me with a smile. Tinakpan niya iyong malaking bote ng Delight. "Gusto mo po?"
Tiningnan ko iyong hawak ni Winter na inumin. I could never understand how she could drink Delight everyday. Sure, okay naman iyong lasa pero... araw araw talaga?
I guess rich people does have the weirdest quirks.
"Sige." Nakangiting sabi ko. I'm here to get something to drink anyway. Kahit ano para lang hindi ko mailabas sa bibig ko iyong inis ko kay Kal.
At sa totoo lang, mas gugustuhin ko na uminom ng Delight kaysa doon sa strawberry drink ni Miggy. Iyon lang kasi ang mga available sa ref nila ngayon kasi nga nagkakagulo pa, wala pa sila sa huwisyo magpa-grocery kasi hindi na rin naman sila halos dito sa condo tumitigil. Kaya rin siguro gustong umalis muna ni Kal dito kasi hindi naman dito natutulog iyong iba these days.
Winter, being the sweet child that she was, served me with her favorite drink. Naupo kaming dalawa sa mga island stools at nag-kwentuhan habang umiinom ng Delight. Magkaharap kami kaya kitang kita ko bawat pagbabago sa maganda at maliit na mukha ni Winter.
"How's school, Wints?" Tanong ko kay Winter pagkatapos naming pagtawanan ang isang kwento ko tungkol sa isa naming kapitbahay. "Kanina pa ako nagku-kwento. Ikaw naman."
Tipid na ngumiti sa akin si Winter bago siya tumingin sa kanyang baso na nakapatong sa island counter. She sighed. Kumunot ang noo ko.
"May problema ka ba sa school?" Naga-alala kong tanong. Has she been having troubles? Hindi ko mapigilan iyong surge of protectiveness na naramdaman ko para sa bata.
Winter's just too fragile for this world. Naiintindihan ko nga kung bakit sobrang protective sa kanya ng mga kuya niya. She just... she has this aura that could make people want to protect her.
Mabilis nag-angat ng tingin si Winter sa akin. Her wide, doe eyes stared at me like a startled deer.
Kamukha na siya ni Storm sa totoo lang. Totoo ba na kapag parati mong kasama, nagiging kamukha mo na? Kasi sa kanilang dalawa, parang oo, eh.
"Wala po, ate!" Winter frantically said. Tumaas ang kilay ko. Sa reaksyon niya na 'yan, pakiramdam ko kabaligtaran nong sinabi niya ang totoo.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...