Chapter 38
-----
Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko nagawang lumabas ng building. Pansin ko ang ilang tingin ng mga empleyado na nagtataka sa mga nangyayari.
Mrs. Verano was standing outside her car, waiting patiently for me to reach her with a big smile on her face.
Siguro nagtataka iyong mga empleyado kung bakit. Di ko naman sila masisisi. Kung ako rin naman ang nasa posisyon nila baka na-curious na rin ako sa mga ganap dito sa company lalo na kung involved ang mga mismong may ari.
"Thank goodness pinalabas ka pa ng anak ko sa opisina niya." Natatawang sabi ni Mrs. Verano sa akin nang makalapit ako nang tuluyan sa kanya. "I really thought ipagdadamot ka niya sa akin."
Inabot ni Mrs. Verano ang kanang braso ko at ini-angkla iyon sa kanya. She held on me like a koala would to a tree and I couldn't stop myself to grin.
"Hindi naman po ako papayanang ganon." Pabirong sabi ko na ikinatawa ni Mrs. Verano.
"I like your attitude. Tama lang 'yan. Those men, aakalain mo lang na sila ang dapat lagi masusunod but once you get to know the power you have over them? Nako, you'll be u stoppable!"
Humagikhik kaming dalawa ni Mrs. Verano. Iyon ang eksenang naabutan ni Mr. Verano kaya naman kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa amin.
"Yani, what are you telling Starr?" Tanong ni sir Klein. "Baka bine-brainwash mo na 'yan, ha. Maawa ka sa anak mo."
Mrs. Verano chuckled wholeheartedly.
"Oh come on, hon. Para naman di mo na-enjoy pagpapa-alipin mo sa akin."
Mr. Verano just chuckled bago niya binuksan iyong pinto ng kotse para sa amin.
"Umalis na nga kayong dalawa." Kunyari ay naiinis nitong sabi.
Nauna na akong sumakay sa kotse. Binigyan muna ni Mrs. Verano ng mabilis na halik sa labi ang asawa niya bago siya sumakay.
Hindi ko tuloy napigilan iyong sarili ko na hilingin na sana pala, pumayag na ako sa sinabi ni Kal na ihahatid niya ako dito sa baba. Tinanggihan ko kasi nahihiya pa rin ako talaga! Plus, empleyado pa rin naman ako dito sa company. Ayoko namang maging bida bida at ipangalandakan pa sa ibang empleyado na girlfriend ako ng isa sa mga boss nila. Hindi naman na nila dapat pa masyadong makita iyon kasi sa relasyon naman namin ni Ka, kaming dalawa lang. Mas marami kasing tao ang nakakakita sa mga couple doing couple things, mas marami ang nagkakaroon ng kakayahan na magsalita about sa relationship. Kaya lowkey lang kami ni Kal dapat as much as possible. May pakiramdam din kasi ako na the moment na simulan ni Kal na itrato ako bilang girlfriend niya dito sa opisina, magsisimula na rin kaming pag-pyestahan ng mga tsismosa. Hangga't pwede ayoko na may masabi sila tungkol sa amin. Lalo pa't isa lang din naman akong empleyado, hindi naman ako mayaman katulad ng mga usually ay nakakatuluyan ng mga mayayaman na katulad nila.
Kaya hindi na ako pumayag na ihatid niya ako. Gusto ko kasi, kapag dito sa opisina, boss ko siya at empleyado niya ako. Sa ibang lugar at pagkakataon na lang siya magpaka-boyfriend sa akin. Buti na lang at matured enough si Kal para igalang at maintindihan ang desisyon ko. He even praised me after I told him that, saying that his dad would love how professional I am.
Bahagya akong umiling at inalis ang iba't ibang bagay na naiisip ko. Hindi ko dapat makalimutan na kasama ko si Mrs. Verano at dapat ay nagsasaya at nagre-relax lang kami ngayon.
"Ano pong gagawin natin?" Tanong ko kay Mrs. Verano nang matapos niya kausapin iyong driver. Nginitian ako ni Mrs. Verano nang matamis.
"I am thinking maybe dinner? At my restaurant later tonight pero before that, I want to pamper you. Dress you up and buy you stuff." Bahagyang tumagilid ng upo si Mrs. Verano para kahit papaano ay nakaharap siya sa akin. "You see, super excited kasi talaga ako magka-daughter in law so please don't be shocked at what lenghts I would go through just to pamper you."
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...