Chapter 31
-----
Kal Verano
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Pakiramdam ko sasabog iyong ulo ko sa tindi ng pagpintig nito sa inis. Inis sa mga nangyayari.
I want to be annoyed with my mom, too. But I couldn't. She's my mom and she've done everything to give me a good life, I wouldn't disrespect her no matter what.
Gusto ko na lang tuloy umiyak.
Sa inis.
Kasi sino ba dapat kong sisihin? Iyong sarili ko ba? O iyong timing?
Starr wasn't supposed to be at the company today! Sinadya ko nga na 'wag siyang sunduin o ipasundo, eh! Paanong nandito siya ngayon?!
"Magpapaliwanag ka ba o bubutasin mo ng titig iyang mesa mo?" Dad said, voice cold and collected.
Nag-angat ako ng tingin. Wala na ako sa tamang pag-iisip para alisin iyong talim ng tingin ko kaya pati si dad ay nasamaan ko na ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay.
"What's happening?" Takang tanong ni mommy. Naka-upo na siya ngayon sa sofa kasama si Euxas na blanko lang ang tingin sa akin. But I knew better. Mukha lang di affected iyang si Euxas pero alam kong nagpa-panic na 'yan sa loob niya. Bumaling si mommy kay dad nang maisip niya sigurong wala naman akong balak sumagot. "Klein?"
"Wag ako ang tanungin mo." Sabi ni dad. He crossed his arms on his chest. "Ask your son. Ano nga ba ang nangyari? Sino iyong hinabol mo?"
Lalong tumalim ang tingin ko kay dad. So he knew, huh? Alam niya na rin pala iyong tungkol kay Starr.
Magtataka pa ba ako? He's Klein Verano, for Pete's sake. Tuso rin 'yan katulad ni lolo.
"My secretary." Sagot ko na ikinangisi na ng ama ko.
Lumingon si dad kay mommy at ngumiti dito nang nakakaloko.
"Secretary niya raw, hon." Ibinalik niya ang tingin sa akin bago niya ako nginisian. "Secretary? Tapos kung habulin mo parang hawak niya ang buhay mo."
There's a taunting glint in my father's eyes. He playfully shrugged. I gritted my teeth and almost bit my tongue just to stop myself from saying anything. Alam kong kapag pinatulan ko siya, ako rin ang matatalo. I know that anything that would come out of my mouth could be used against me.
Para na rin akong inaresto at binasahan ng Miranda Doctrine.
"Because she does." Lakas loob na sabi ko. My mother gasped loudly. Napatingin ako sa aking ina na nanlalaki na ang mga mata dahil sa gulat. She looked so shocked I'm afraid she would faint.
"Y--you have a girlfriend?" Nanghihinang tanong ni mommy. Napatungo siya bago dahan dahang napailing. "You have a girlfriend. Then I said those things. She probably heard them!" Nag-angat ng tingin si mommy at paiyak nang tumitig sa akin. "I'm so sorry!"
Lumambot ang facial expression ko. Hindi ko kayang magalit sa ina ko nang matagal. Lalo pa't kaharap ko siya ngayon at umiiyak.
Ibinalik ko ang tingin ko kay dad nang maramdaman kong halos patayin na ako nong paraan niya nang pagtitig sa akin. Tingnan mo 'tong ama ko.
"Don't blame me." Inis na sabi ko kay dad. "This is your fault! You made your wife cry."
My father scoffed. Wow, ha!
"How is this my fault? Ikaw ang naglihim!" Sigaw ni daddy. Iyong totoo? Umiyak lang si mommy, galit na galit kaagad sa akin!
"You kept Starr as a secret, too!" Sigaw ko kay dad pabalik. "Alam mo na pala iyong tungkol sa kanya, bakit sinarili mo lang?"
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...