Chapter 44
-----
Things between Kal and I was going smoothly as it should be. Hindi kami masyadong nag-aaway talaga kasi as much as possible, gusto namin ayos kaming dalawa dahil na rin palapit na nang palapit iyong araw ng flight niya.
We've talked about it before. Aalis siya para mag-aral at maiiwan ako dito sa Pilipinas para naman ipagpatuloy iyong sarili kong pag-aaral. Enrolled na ako sa Empire University as a fourth year Bachelor of Elementary Education student. Si Tita Sandy mismo ang nag-ayos ng mga requirements ko. Nalaman ko na lang na nakuha na pala nila sa Batangas iyong mga records ko doon.
Tapos na rin ang therapy sessions ko sa psychiatrist kasi maayos na raw ako. Hindi na ako takot mapag-isa at sa kung ano ano pang mga simpleng bagay na kinatakutan ko dahil sa ginawa sa akin ni Mr. Kho. The mere thought of him doesn't cause chills run down my spine anymore. Isa na lang siyang parte ng nakaraan ko na tumakot sa akin pero hindi na kayang saktan pa ako ngayon. Mabilis lang ang naging recovery ko dahil na rin daw sa constant na support ng pamilya ni Kal sa akin. They made me feel safe and that was stronger than the fear Mr. Kho made me feel.
At dahil nga aalis si Kal, sobrang hectic sa opisina. Si Mr. Verano na kasi ulit ang mamamahala doon though doon pa rin siya sa main office magta-trabaho at hindi sa opisina ni Kal. For the mean time ay kami munang dalawa ni Louise ang gagamit noong opisina, mainly dahil kaming dalawa naman ang mga secretaries ni Kal. Noong una ay gusto pa ni Kal na mag-focus na lang ako sa pag-aaral pero nagpumilit ako. Mas gusto ko pang marami akong ginagawa kasi panigurado magiging madali na lang iyong pag-aaral ko dahil halos last year ko na rin naman. Kaunti na lang iyong mga subjects na kailangan kong i-take para maka-graduate ako dahil credited naman iyong mga nakuha ko nang courses sa Batangas noon. Ngayon ako nagpapasalamat na pinilit kong mag-overload noon sa dati kong college dahil sobrang luwag ng schedule ko sa EU ngayon.
Isa pa, kaya mas gusto ko pa ring magtrabaho ay alam kong mas mami-miss ko lang si Kal kapag wala akong ginagawa. Sandali lang naman si Kal sa states, mostly three years lang, pero para sa akin ay matagal na rin iyon. Kailangan occupied ako parati para hindi ko siya maisip parati. Baka araw araw akong umiyak for three years kapag hindi dahil sa sobrang pagka-miss ko kay Kamahalan.
Life was good, at least for the two of us kasi obviously, things between Demi and Timothy was spiraling down the drain faster than we could imagine.
"Ma'am Starr!" Pagtawag sa akin ni Gino. Papasok na sana ako ulit sa building galing sa kulungan ni Guisseppe, iyong aso na inampon ni Winter na hindi namin maipasok sa loob ng condo dahil sa hika ng isa doon. Kakatapos ko lang pakainin iyong tuta. Nilingon ko si Gino.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Lakad takbo itong lumakad sa akin dala dala ang isang long brown envelope.
"May nagpadala po." Inabot sa akin ni Gino ang envelope. Tinanggap ko iyon.
"Para kanino raw? At kanino galing?" Sunod sunod na tanong ko. Nahawa na talaga ako kay Kal na medyo paranoid sa mga package na ipinapadala sa kanila.
"Kay Sir Timothy po, Ma'am." Napakamot siya sa kanyang batok. "Hindi po sinabi nong courier kung sino ang sender, eh. Wala rin pong nakalagay na return address. Basta ang sabi lang ay importante raw po iyan. Urgent delivery."
Tumango na lang ako at pinasalamatan si Gino. Hindi naman siguro delikado ang laman ng envelope. Mukha ngang papeles ang laman, eh. Kibit balikat akong sumakay ng elevator at bumalik sa condo.
Pagpasok ko sa loob ay agad na nakita ko si Timothy, naka-upo sa sofa at mukhang tulog pero nakamulat naman. Nilapitan ko siya.
"Oh, delivery raw." Walang emosyon kong sabi bago ko inihagis iyong envelope sa kanya. Napangisi ako dahil sa itsuara niyang nagulat. Mabilis na tumalikod na rin ako at lumayo. Naiinis pa rin kasi talaga ako kay Timothy. Bahala siya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...