Chapter 22

4.8K 196 80
                                    

Chapter 22

-----

Isang malakas na busina ang pumutol sa sandaling katahimikan na namagitan sa aming dalawa ni Kier. Nagulat ako habang napa-buntong hininga lang si Kier bago siya umayos ng upo at nagsuot ulit ng seatbelt.

Tumigil pala kami sa gitna ng kalsada.

Dahil iyan sa katangahan mo, Starr!

Sinaway ko na iyong sarili ko.

Iyan ang napapala mo dahil paki-alamera ka!

Kier cleared his throat before he resumed driving. Wala sa amin ang nagsalita pagkatapos. Parehas yata kaming nagulat dahil doon sa sinabi niya.

Naguluhan na naman tuloy ako. Ano bang ibig niyang sabihin doon? Ipaliwanag niya man lang sana! Para kasing pinaparating niya na gusto niya ako pero hindi niya naman nililinaw! Agang aga, ha!

Sa dami kong iniisip, halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang mag-ring iyong cellphone ko. Nagmamadaling kinuha ko iyon sa akin sling bag. Louise's name flashed on the screen. Hindi ko alam pero kinabahan ako. Louise never called. Mostly ay email siya kung magpadala ng message sa akin dahil karamihan naman sa mga iyon ay mga files na kailangan kong pagsunod sunorin bago ibigay kay Kal.

Kahit nagtataka ako talaga ay sinagot ko na lang iyong tawag. Hindi ko pa naididikit sa tenga ko iyong cellphone ay rinig ko na iyong nagpa-panic na sigaw ni Louise mula sa kabilang linya.

"Starr! Nasaan ka na ba?!" Tili ni Louise sa kabilang linya. Napangiwi ako dahil pati si Kier ay napasulyap na rin sa akin. Bahagya akong tumalikod kay Kier para kahit papaano ay magkaroon ako ng privacy.

"Papunta ako sa unit. Magpapalit ako ng damit tapos di-diretso na rin ako sa company." Kalmadong sabi ko. "Bakit?"

"Dito ka na sa company dumiretso!"

"Bakit? Hindi pa ako bihis."

"Kung alam mo lang ang nangyari dito, hindi iyang damit mo ang uunahin mo talaga. I'm only saying this again once, dito ka na dumiretso."

Hindi pa ako nakakasagot ay ibinaba na ni Louise iyong tawag. Ilang segundo ko munang tinitigan iyong cellphone. Para kasing ang bilis? Parang walang phone call na nangyari. Para lang siyang nag-'hi' sa akin tapos iyon na, tapos na.

"Kier," Humarap ako ulit kay Kier pagkatapos kong i-lock ang cellphone ko. "Sa company mo na pala ako ihatid. Kailangan na yata ako doon, eh."

Walang imik na nagmaneho lang si Kier. Alam kong papunta na kami sa Empire Zero dahil alam ko ang daan papunta doon. Hindi ko na tuloy alam iyong dapat gawin ko.

Ang awkward lang.

Kasi, ano ba? Magsalita ba dapat ako? Kakausapin ko ba dapat siya ulit? Pero anong topic?

Kagat kagat iyong lower lip ko habang nakatingin sa mga kamay kong magka-siklop sa aking kandungan. Ano na naman ba 'tong napasukan ko. Sa mga ganitong pagkakataon ko nahihiling na sana ay nandito si tiya para sisihin ako sa mga kagagahan ko.

Dahil sa naisip ko ay napangiti ako nang tipid. Kamusta na kaya si tiya? Maayos lang kaya siya ngayon doon sa Batangas?

Nang tanggihan kasi ni tiya ang alok ni Kal na doon muna siya sa mansyon ng mga Verano ay nag-offer sa kanya si Kal kung gusto niya sa Batangas ay may rest house sila doon. Si tiya na ngayon ang nagsisilbing mayordoma doon sa rest house. Pabor iyon sa aming dalawa kasi at least, alam kong ligtas si tiya doon. Private property raw iyong rest house nila Kal doon. I made a mental note to visit her there. Hindi ko na kasi siya talaga nakikita dahil ang layo ko naman doon. Nakaka-miss din kasi iyong pagbubunganga niya.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon