Chapter 32

5.1K 201 118
                                    

Chapter 32

-----

Huminga ako nang malalim habang pinapagmasdan ko ang pamilyar na kalye papunta sa looban kung saan ako dating nakatira kasama sina tiyo at tiya. Parang noon lang.

I was nineteen back then, standing on this very same spot. Looking lost and scared.

Only this time di naman ako takot.

Confused lang.

Huminga ako ulit nang malalim, paulit ulit hanggang sa makalma ko iyong sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kasi uuwi lang naman ako. Sa dati naming bahay. Sa lugar na malayong malayo sa estado ng lugar na ipinaranas sa akin ni Kal.

Siguro iyon talaga ang ikina-katakot ko. Kaya hindi ko magawang humakbang papasok sa pamilyar na eskinita ng lugar namin. Takot ako na hindi na ako makalabas. Baka kapag pumasok ako, tuluyan na akong bumalik sa buhay ko noon. Sa buhay na ako lang. Na sina tiya lang ang nasa likod ko. Takot ako na baka pag bumalik ako sa amin, hindi na ako makabalik sa buhay na nakasanayan ko na.

Hindi naman iyong luho ang mahalaga sa akin. Damn, I would even come back here if Kal was with me. Siguro kung kasama ko siya dito ngayon, hindi ako magdadalawang isip na pumasok na. Kasi alam ko na lalabas akong kasama siya.

I wasn't even sure if all my metaphorical thoughts were making any sense at all.

Pero di ba nga kaya mo 'to ginagawa, Starr? Para kung darating man iyong panahon na kailangan mo na talaga bumalik, kaya mo na iyong sarili mo. Hindi ka na matatakot nang ganyan.

Tipid na napangiti ako dahil sa naisip kong iyon. Tama. Kaya ko nga pala ginagawa 'to dahil para rin sa sarili ko. Dapat hindi ko muna intindihin iyong bukas. Iyong ngayon muna. Ito, iyong nangyayari ngayon, ito muna iyong mas mahalaga.

Iyong sarili ko muna.

Mabilis akong tumawid ng kalsada at pumasok sa kalye namin. Sa bungad pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga kapitbahay namin. Marami sa kanila iyong nagtataka, para bang di sila makapaniwala na babalik pa ako dito sa lugar namin.

"Starr, kamusta ka na? Ang tagal mo ring hindi umuwi dito, ah!" Malaki ang ngiti ng isa sa mga kumare ni tiya, si Aling Salome. Nginitian ko siya nang tipid bago ako bahagyang tumango.

"Oo nga po."

"Mas gumada ka." Singit naman ng isa pang kapitbahay namin. Agad sumimangot si Aling Salome. Isa kasi sa mga tsismosa dito si Alisa. Ka-edad ko lang siya halos pero madalas siya makikita sa kumpulan ng mga ka-edad ni tiya kasama iyong nanay niya na isa ring pasimuno ng tsismisan dito sa lugar namin.

Sa tagal ko nang tumura dito sa lugar namin, natutunan ko na iyong umiwas sa mga taong katulad nila. Iyong halos lahat na lang ng gawin mo, bibigyan ng ibang kahulugan.

Hindi na ako sumagot at tumango na lang sa kanila. Mahirap na, baka may masabi pa ako na baliktarin ni Alisa ang dating o ibig sabihin. Magaling siya doon, eh. She could twist any people's words the way she wanted them to mean. Para siyang mahirap na version ni Nia.

Binigyan ako ni Aling Salome ng nakaka-intinding tingin. Alam niya na, sa susunod na lang kami mag-kamustahan kapag wala nang ibang nakikisawsaw. Kaunti lang naman kasi talaga iyong katulad niya na may pakialam sa 'kin sa lugar na 'to, eh. Mabait lang naman iyong iba sa akin kasi maganda raw ako.

"Ay teka naman, Starr!" Pigil sa akin ni Alisa nang hahakbang na sana ako palayo sa kanila. Hinawakan pa nito ang maleta ko para makasigurado na hindi ako makakawala sa kanya. "Bakit aalis ka na agad? Mag-usap muna tayo!"

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon