Chapter 25

5.8K 221 81
                                    

Chapter 25

-----

Mabilis na natapos ang araw na 'yon na puro irap lang ang ginagawa ni Kal kapag nagkakatinginan kaming dalawa. Ngingitian ko siya ng matamis tapos iirapan niya ako.

Parang tanga lang. So feeling niya kasalanan ko kung bakit siya nahihiya hiya ngayon?

Pero ang saya saya ko. Ang saya ko talaga. Kasi ngayon, lahat ng napapansin ko hindi na pagkalito iyong dala sa akin. Pwede na rin akong kiligin talaga kasi parang may karapatan na ako. Parang dahil umamin naman na si Kal na gusto niya na ako, pwede na akong kiligin anytime. Hindi ko na kailangan na i-overthink iyong mga kilos niya kasi finally, naiintindihan ko na.

"Bakit ba ganyan na naman suot mo?" Inis na tanong ni Kamahalan habang nagda-drive siya. Papunta na kami sa company para magtrabaho. Isang oras na nga kaming late. "Nausuhan ka pa ni Pepper ng style niya sa pananamit punta ka kasi ng punta doon sa estate nila."

Tinawanan ko ng malakas iyong sinabi ni Kal bago ako ulit kumagat sa hawak kong thigh part ng manok. Itong si Kal, kunyari pang bad trip. Ganyan 'yan. Pinagtatakpan lagi ng fake na inis iyong mga sweet na bagay na ginagawa niya para sa akin.

Kanina, ipinagbitbit niya lang naman ako ng bag. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng kotse. Kahit sinabi niyang ayaw niya lang marumihan iyong kotse niya dahil sa kinakain kong manok ay kinilig pa rin talaga ako.

"Gusto ni Demi na nandoon ako. Alam mo naman 'yon." Nginisian ko si Kal. "Siguro selos ka no? Kasi di mo ako madalas kasama pauwi."

"Selos? Ako? Ako talaga?" Sabi ni Kal na tumawa pa ng pagak na akala mo sobrang nakakatawa iyong sinabi ko. "Gandang ganda ka na naman sa sarili mo."

Sinamaan ko ng tingin si Kal bago ko siya inirapan.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa company. Interesado si Kal sa mga kwento ko kasi hindi naman kami parehas ng environment na kinalakihan. May mga bagay akong nabanggit na hindi niya alam lalo na iyong mga pagkain. Tapos lagi niyang kokontrahin kasi wala lang. Kontra lang siya talaga sa paraan ko ng pamumuhay akala mo naman talaga kung sinong perfect.

"Nong high school ako, sa labas ng school namin may nagti-tinda ng fishball at kwek kwek." Pagku-kwento ko. Feeling ko nga ay naglalaway ako habang iniisa isa ko iyong mga pagkain. "Favorite ko iyong maliliit kasi itlog ng pugo ang laman non."

"Quail eggs? Taas ng cholesterol content non. You shouldn't eat more than five a week." Sabi ni Kal, nasa daan ang atensyon.

Hindi na lang ako nag-react. Ganyan 'yan. Ang daming nasasabi, akala mo kung sinong healthy living. Palibasa meron silang nutritionist na nagpa-plano ng healthy diet nila na hindi naman nasusunod kasi ang dami rin nila kumain.

Pagkarating namin sa company, naghiwalay muna kami. Bumaba si Kal sa floor nila Timothy habang dumiretso naman ako sa opisina namin. Gusto kasi ni Kamahalan pagsabihan si Timothy kasi hindi na siya halos umuuwi. Simula nong umalis si Demi ay puro trabaho ang inaatupag.

"Good morning Louise." Nakangiting bati ko na sinagot niya ng tango. Busy siya sa kaka-type, eh. Nilingon ko rin si Niko na nakayukyok sa mesa ni Louise. "Good morning Niko. Bakit ka nandyan?"

"Good morning, Starr." Niko greeted back in a muffled voice. Ni hindi inalis ang pagkaka-ub ob niya doon sa mesa. "Sumasagap lang ng sariwang hangin."

Kununot ang noo ko dahil sa sinabi ni Niko. Edi sana doon siya sa may veranda lumabas kung hangin pala ang hanap niya. Kaso, duda ako kung sariwa ba iyong hangin na masasagap niya.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon