Chapter 10
-----
"Paalis na kayo?" Tanong sa akin ni Kier nang abutan niya kami dito sa lobby ng hotel na bitbit na iyong mga bags namin. Dismayado ang kanyang boses. "I'm terribly sorry for what happened."
Binigyan ko si Kier ng tipid na ngiti.
"Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan."
"Nia's still my cousin and as one of the oldest, I'm partly responsible for her." Ngumiti rin si Kier. "Ingat kayo. See you in the city?"
"Hindi ko sigurado pero sige." Nginitian namin ni Kier ang isa't isa bago ako tumalikod sa kanya at sumakay sa cart. Tumabi ako kay Kal na kanina pa busy sa cellphone niya. Ang dami niyang kinaka-usap na tao. Maya't maya talaga iyong pag-tunog ng cellphone niya.
"Yes, Louise. We'll be flying back in an hour. I will go to the company tomorrow. I will just settle a few things with the boys." Sandaling tumigil si Kamahalan sa pagsasalita at nakinig sa kung ano mang sinasabi ng kausap niya. "No need. Just report to me about what happened while I'm not there. Thank you."
"Sino 'yon?" Tanong ko nang matapos siyang makipag-usap. Tinaasan ako ng kilay ni Kamahalan.
"Si Louise. Sekretarya ko."
"Ah." Hindi ko alam kung bakit ko tinanong. Siguro kasi wala na akong masabi para pagsimulan ng usapan sa pagitan namin ni Kal ngayon.
Ayos naman kami kaso ay parang ang dami kasing nangyari. Sina Demi at iyong pinsan niya, nag-away. Si Asher, heartbroken. Si Miggy, ayon umalis na nong isang araw pa.
Speaking of Miggy, grabe. Kulang iyong sabihin na nagulat ako dahil sa ginawa niya nong araw na nalaman niyang ginamit lang siya ni Asher. Alam kong may pagka-bato iyong si Miggy dahil wala halos talaga siyang pakialam sa paligid niya pero iyong parang wala na siyang naririnig sa paligid niya ay iba na. Parang literal na naging bato siya at kahit iyong sigaw ni Ivana ay hindi niya pinakinggan. Noon ko na-realize na kahit marami na akong alam sa kanila ay mas marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kanila.
Habang sakay kami sa eroplano pauwi ay may isa na namang pasabog. Buntis si Demi. Sinasabi ko na nga ba. Kakaiba kasi talaga iyong mga kilos niya lalo na iyong mga bigla bigla niyang desisyon at init ng ulo. Ito namang si Winter ay naliliyo raw at nagsusuka. Halos maiyak na si Storm habang inaasikaso si Winter. Hanggang sa maka-uwi sa condo ay hindi mapaghiwalay ang dalawa. Ang sweet lang. Pagmamahal bilang babae at lakake na lang talaga ang kulang sa kanila at masasabi kong perpekto na ang pagsasama nila. Pero bata pa naman sila pareho. Marami pa silang oras para matutunang mahalin ang isa't isa. Ako lang yata itong sobrang excited kasi sila lang iyong kilala ko na teenager pa lang ay kasal na.
"Ate Starr, how do we do this po?" Tanong sa akin ni Storm. Nasa loob kami ng malaki nilang banyo ni Winter dito sa condo nila. Dito kaagad kami dumiretso pagdating namin kasi gusto ni Storm na paliguan kaagad ni Demi si Winter. Nagulat pa nga ako dahil akala ko neutral iyong kulay ng kwarto nila since lalake si Storm at technically ay kwarto niya naman ito pero halos kulay purple ang nangingibabaw dito. Iyon daw kasi ang paboritong kulay ni Winter kaya kahit ang wallpaper ng kwarto nila ay purple na may kaunting pink at kulay white na outline ng bulaklak.
"Kailangan natin si Demi dito. Wait lang, tatawagin ko." Sabi ko na tinanguan lang ni Storm. Nilapitan nito si Winter na naka-upo sa nakasarang takip ng inodoro. Nag-squat si Storm sa harap ni Winter at niyakap niya ito. Iniwan ko na muna iyong dalawa kahit gusto ko talaga sila panoorin. Ang cute cute nila talaga kasi! Sobrang sweet ni Storm, sobrang sobra. Lahat gagawin para kay Winter. Kahit iyong kwarto nila ay punong puno ng mga unan na iba't ibang klase. May teddy bear pang mas matangkad pa kay Caspian sa isang gilid. Upuan daw iyon sabi ni Hope. Regalo ni Storm kay Winter nong last birthday niya.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...