Chapter 27
-----
"Well, does he tuck it upwards or downwards?" Taas kilay na tanong ni Quinn na ikinatawa ni Demi ng malakas. Pulang pula na ang pisngi nilang dalawa dahil sa kakatawa. Hindi ko maiwasan ang mapangiwi.
Naka-receive ako ng tawag mula kay Demi kanina, gusto niya raw ako makita since it was a Saturday at wala namang pasok sa trabaho ngayon. Mabilis akong nagsabi kay Kamahalan, buti na lang at pumayag siya at hinatid pa ako dito sa Montellado Estate.
Pagdating ko, ganyan na silang dalawa. It surprised me, actually. Tumatawa na kasi ulit si Demi tapos si Quinn naman ay ngayon ko lang nalaman na kaya palang humalakhak. Paano ba naman, may kung ano silang pinag-uusapan na something dirty kaya tawang tawa sila talaga!
"He tucks it upwards." Nakangising sabi ni Demi. Hinampas niya ang hita ni Quinn nang tumawa ng malakas ang best friend niya.
"How did you know?" Quinn asked between huffs of laughter. Di ko inakala na kaya ni Quinn tumawa ng ganyan. Halakhak talaga kung halakhak, eh. Halos nakayakap na rin sa sarili niyang bewang iyong mga braso niya sa sobrang kakatawa.
"He's my husband, of course I would know!" Demi said, rolling her eyes heavenwards. She scoffed as if she was offended by Quinn's question. Tumawa na naman nang malakas si Quinn. Namumula na lalo ang mga pisngi ni Demi. "What? T sometimes go out of the bathroom naked. Sa harap ko mismo nagbibihis kaya alam ko kung pataas ba o pababa iyong posisyon ng ano niya sa loob ng briefs."
Sabay na tumawa ng malakas ang mga luka luka. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ngingiwi, eh. Bakit ba ganito iyong topic nila?!
Hindi ako makapaniwala talaga! They were really talking about that stuff! Grabe pala maging naughty ang dalawang 'to!
Natigil ang tawanan nang pumasok si Devon dala iyong tray ng meryenda. May kasunod pa itong dalawang katulong na may dala ring tray ng mga inumin at desserts. Akala ko, matitigil na iyong topic dahil sa pagdating ni Devon pero akala ko lang pala iyon. Halos mapa-face palm pa ako nang umupo pa talaga si Devon at humalo sa amin para makisali sa usapan. Konsintidor din talaga!
"How do you tuck your dick in your briefs, Devil?" Tanong ni Quinn kay Devon. Tumaas ang kilay ni Devon pero imbis ma mainis ay ngumisi pa ito. "Pataas o pababa?"
"Downwards." Mabilis na sagot ni Devon. Nag-crossed arms pa siya at pa-cool na sumandal sa sofa. Parang handa talaga iyong sagot niya. Feeling ko nakikinig na siya kanina pa sa labas kaya prepared na iyong sagot niya, eh!
"Bakit? Di ba masakit kapag tumigas?" Tanong naman ni Demi. I can't believe what I am hearing! They don't even look shy anymore! More on curious na talaga sila sa posisyon ng ano ni Devon! Bakit sila ganyan?!
Tumaas ang kilay ni Devon at hindi na niya napigil na mapangiti ng amused sa dalawa.
"Lumalampas kasi sa garter kapag pataas." Devon said with a smug smirk. Ang yabang!
"Baka naman kasi low waist ang briefs mo." Hindi na napigilang sabi ko na ikinatawa na naming tatlo. Even Devon chuckled. I mean, bakit? Imposible naman na ganon kahaba iyong junior niya! Parang tanga naman 'yon! Hindi na normal!
Nagpatuloy ang usapan at sinabi ni Devon na pataas daw talaga. Pakiramdam ko maliliyo ako sa mga naririnig ko. Natatawa ako pero alam kong pag-uwi ko sa bahay, pagsisisihan ko 'to. Alam kong hindi mawawala sa isip ko itong topic namin at alam kong curious na ako kung pano ba kay Kamahalan! Ano ba 'yan! Dine-demonyo ng mga 'to ang isip ko!
Tinalo nila iyong mga green jokes na sinabi ko kay Kal!
Pakiramdam ko talaga malulunod ako sa takbo ng usapan kaya nagpa-alam akong lalabas muna para magpahangin. Mabilis na lumabas ako ng kwarto ni Demi sa takot na baka pigilan nila ako. Baka mamaya, utusan pa ako ni Demi na tanungin si Kal, eh! Isa pa rin naman 'yong sulsol gasul!
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
Fiksi PenggemarHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...