Chapter 16
-----
Parang sandaling tumigil iyong mundo at kaming dalawa lang ni Kal ang natitirang kumikilos. With three long strides, nakatawid na si Kal at nakalapit na sa aming dalawa ni Kier. Ni hindi ko man lang napansin na go na pala iyong sa mga tatawid at hindi ko man lang naramdaman na lumakad rin pala si Kier at sinalubong si Kal sa gitna ng tawiran. Ganoon ako kagulat dahil sa pagkakita ko sa galit na mukha ni Kal.
"Kier, ibaba mo na ako." Kabado at mahinang sabi ko nang huminto si Kier sa harap ni Kal. They stood in front of each other na para bang nagpapa-tangkaran sila. Tinapik ko pa iyong balikat ni Kier for emphasis.
Dahan dahan akong ibinaba ni Kier mula sa likod niya. Kahit hirap ay pinilit kong lumapit kay Kal.
"Sorry natagalan iyong kape mo, natapilok kasi ako at ---"
Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko dahil bigla na lang akong hinigit ni Kal papalapit lalo sa kanya. Umakbay siya sa akin and before I knew it, his palm slid down at the planes of my back. Kinilabutan ang buong pagkatao ko sa mainit na pakiramdam noong palad ni Kamahalan na humagod sa likod ko. Bago ko pa siya masaway at matanong kung ano bang ginagawa niya ay yumuko na si Kal nang bahagya bago ko naramdaman ang braso niya sa likod ng mga tuhod ko. Kal lifted me up, bridal style. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha ni Kal na ngayon ay sobrang lapit na sa akin. Kaya ko na ngang bilangin iyong pores niya.
Para akong nawalan ng malay pero gising naman ako. Alam kong mabilis na naglakad si Kal palayo kay Kier. Alam kong dapat lingunin ko si Kier at pasalamatan siya. Alam kong nakalayo na kami at alam kong marami ang mga matang nakatingin sa amin. Alam na alam ko ring kanina ko pa nabitawan iyong kape at dapat ay nanghihinayang ako kasi ang mahal non. Alam ko iyon lahat, gising ako at aware. Pero bakit hindi ko magawang mag-react? Bakit nakatulala lang ako?
"You better be breathing woman." Kal said, his tone flat and serious.
Napahinga ako nang sobrang lalim dahil sa sinabi niya. Oh my gosh! Halos hindi na nga ako humihinga! Ano ba itong reaksyon ko?! Bakit naman kasi nanggugulat nang ganoon si Kal!
Sumakay kami sa elevator para sa mga executive. Doon na ako sa loob ibinaba ni Kal bago niya pinindot iyong floor number ng opisina niya.
"What was that?" Seryosong tanong ni Kal. Hindi naman niya tinukoy kung alin ba iyong itinatanong niya talaga but somehow, I knew. Weird, pero alam ko.
"Natapilok kasi ako kaya pinsan ako ni Kier. Tinulungan niya lang naman ako." Sagot ko. Mahina iyong boses ko at sa hindi malamang dahilan ay napatungo ako. Pakiramdam ko bata ako na pinapagalitan! May ganoong aura si Kamahalan! Ganito ba? Ganito ba iyong pakiramdam nina Asher at Jareth kapag seryoso silang kinakausap ni Kal?! Grabe! Grabe sa pressure! Halos ramdam ko nang nagpapawis ako kahit wala naman masyadong sinasabi si Kal. Grabe talaga!
"What?" Iritadong tanong niya pa bago niya ako itinulak patalikod. Napa-upo ako sa stool na karaniwan ay ginagamit noong taga-pindot ng elevator na sa hindi ko alam na dahilan ay wala dito ngayon. Hindi pa ako ulit nakaka-get over ay nag-squat na si Kal sa harap ko bago niya bahagyang inangat iyong paa ko na walang suot na heel. Naiwan ko kay Kier! Ano ba 'yan! Ang mahal din noon! Galing iyon kay Demi! "Tsk. This will bruise."
Napakapit ako doon sa bakal na sandalan ng stool dahil pakiramdam ko nanlambot na iyong buong katawan ko dahil sa lahat ng paghawak na ginawa ni Kal sa akin ngayon. Halos mapatalon pa ako nang tumunog bigla iyong elevator at bumukas iyong metal na pinto. Natigilan ako nang makita ko iyong mga taong nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa posisyon naming dalawa ni Kal. Sa paraan ng pagpula ng mga pisngi nila ay halos alam ko na kung anong tumatakbo sa mga isipan nila!
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
Fiksi PenggemarHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...